Knight In Shining Armor

2741 Words
Flashback( two years ago .) "Who's that girl ?" Tanong ni Adrian sa kaniyang pinsan habang sila ay naglalakad sa hallway ng kanilang paaralan . Tumigil sila sa paglakad ng nakita nila sa di kalayuan ang Isang babae na nakasandal sa locker ng hallway . " Don't tell me , interesado ka sa Isang cold hearted na babae ?" Jerome knitted his brow . Ang magpinsan ay parehong kumukuha ng kurso na business administration. Sila ay nagmula sa mayamang pamilya . Kilala ang pamilya ni Jerome sa Negros Island dahil nagmamay-ari sila ng Sugar Milling Industry o pagawaan ng asukal . Si Adrian naman ay tanyag ang kaniyang pamilya sa kalakhan ng Maynila dahil sa tanyag na Addison Industry na pagmamay ari ng kaniyang pamilya . Magkapatid ang kanilang ama, pareho nilang dala - dala ang tanyag na apelyedo ng mga Velasco . "Cold -hearted ? " Usisa ni Adrian . " Yes, buddy ," nakangising wika ni Jerome . " Si Georgina ay isinilang na may pusong bato ." Dagdag pang sabi ni Jerome. "Pusong bato ?" Untag naman ni Adrian . " Yes , insan. Pusong bato as in matigas ang puso , cold-hearted - malamig na puso ..." Tinaas ni Adrian ang kaniyang dalawang kamay . "Would you please stop using cryptic words and kindly explain yourself ? " Bahagyang nairita ito . " Hmnn, so you are really interested. " Sabi ni Jerome . Tinapunan Niya ng tingin si Georgina na nakasandal pa rin sa locker at tila walang balak umalis . "Georgina ba kamo ang pangalan Niya ?" Tanong ni Adrian sa kaniyang pinsan , pero ang kaniyang paningin ay nskapukol sa babae. "That is her name , yes . " Tumango si Jerome . " Kaya siya tinagurian na cold hearted at pusong bato ay dahil hindi naman iyan namamansin ng mga lalaki . Hindi iyan marunong makihalubilo sa mga kalahi natin . Galit yata sa mga kalahi ni Adan eh . Galit sa mga lalaki . " Kibit balikat na paliwanag ni Jerome . Tumawa ng malakas si Adrian , na nakatawag pansin Kay Georgina. Binaling nito ang tingin sa direksyon nina Adrian at nagtama ang kanilang paningin . Adrian has the urge to smile and wave at her , but he refrain from doing so . Instead , he smirked at her . Georgina , on the other hand turned away , ngunit bago siya tumalikod sa dalawang lalaki ay inirapan Niya ang mga ito . Especially Adrian . She made sure na nakita ng lalaki ang pag-irap Niya at padabog na lumakad palayo ng kaniyang locker , palayo sa kinaroroonan ng dalawang magpinsan . "See, I told you , wala pang sinumang lalaki na i ni- entertain ang babaeng iyon . " Jerome threw his hands in the air. "Insan, buddy ..." Tinapik ni Adrian ang balikat ni Jerome at giniya Niya ito patungo sa campus cafeteria ng maglaho na ang dalaga sa kaniyang paningin . " Natural lang naman na ganoon ang reaksyon niya dahil I'm a stranger to her ,, remember ? Hindi mo kasi ako ipinakilala sa kaniya., kaya ganon ." Nakangiting sabi ni Adrian . " You don't get it do you ?" Pumasok na sila sa loob ng cafeteria . "Si Georgina ay hindi nakipag-usap ng kahit na sinong lalaki , maliban sa kaniyang ama . Mga babae lang ang kinakausap Niya ,pero pili lang din . " He motioned Adrian to sit down at the vacant table . " The usual .." halos sabay na sabi ng magpinsan ng lumapit sa kanila ang Isang working student upang kunin ang kanilang order . Kumindat pa si Adrian sa working student bago ito tumalikod . " So, are you saying na tomboy siya , t-bird ? " " Nope , well ... I don't know for sure , basta ang alam ko , hindi pa nagkaroon ng boyfriend si Georgina . Imagine ha , second year college na siya , sa ganda niyang iyan , marami ang nahuhumaling na manligaw sa kaniya . Pero wala kahit Isang sinagot , galit yata sa mga lalaki eh ." Ulit na sabi ni Jerome . " Pero , about sa tanong mo kung tomboy siya , hindi naman , babaeng babae ang galaw , nakikita mo naman . " dagdag pa niyang paliwanag . "Thank you , pretty girl . " Anang Adrian sa server . " Iyan, iyang mga kagaya mo na playboy ang kadalasang di-ni-deadma ni George . " What did I do ? " Adrian shrugged his shoulders . Patay -malisya kunyari . Tumawa na lamang ang working student , bagama't hindi maitago ang pamumula ng kaniyang pisngi . " But seriously though, I want her . " Nagsimula ng kumain ang dalawa . " The server ?" Tanong ni Jerome . Adrian smirked , " You know who , though, that working girl looks yummy ." "Tsk, tsk ...wala ka talagang kadala -dala insan, kaya ka di-ni-di port ni Tito sa Negros eh , dahil sa pagiging playboy mo .." umiling na nagpatuloy sa pagnguya si Jerome sa kaniyang steak . " At ang pagiging seryoso mo insan , ang magiging sanhi ng maagang pagkulubot ng mukha mo . " Adrian teases him . "But seriously , magkakilala ba kayo ni George ? " "She's from San Carlos City . Middle Class family. She's taking an architecture course . Architectural design , well something like that . " Tinuloy ni Jerome ang pagkain . " That's it? " "Well , what do you expect ? Dude the girl is aloof . " "Just what I need ," maluwang ang ngiti na komento ni Adrian . " I like her and she will be my next girlfriend ." "Are you sure about that ?" " More than sure ." Pak! Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanang pisngi ni Adrian . " How dare you ! You're a pervert .! " Sigaw ni Georgina ."Bakit mo ako hinalikan ha ?!" Nagngingitngit ang mga mata na nakapukol sa binata . Tahimik si Adrian na nakatingin sa dalaga , napahiya sa mga kaibigan na nakaupo sa bench ng gymnasium , nakamasid sa kanila . "I'm sorry ,," he said . " Naglalaro kami ng truth or dare ..." Lalong nagalit si Georgina . " So inutusan ka para gawin ang kamanyakan mo , uto -uto ka pala eh ..bakit mo ginawa iyon .?!" Dinuro niya ang binata . " Calm down okay , I'm sorry ...kaya ko ginawa iyon , dahil ang dare ay halikan ko ang babaeng gusto ko ..and I like you ." Bahagyang natigilan si Georgina sa pagsasalita at nakatitig siya sa lalaki . Naaalala Niya ito . Nakita Niya two weeks ago na nakatingin sa kaniya habang siya ay nakatambay sa kaniyang locker at naghihintay Kay Issa na kaniyang kaibigan . Masama na ang kutob Niya sa lalaking ito ng siya ay tinitigan nito . Antipatiko at bastos pala ang lalaking ito . Palibhasa mukhang mayaman kaya hambog . " Wala akong pakialam sa truth or dare na laro ninyo ! Kalalaki ninyong tao , naglalaro kayo ng ganyan , huwag ninyo akong idamay sa kalokohan ninyo . !" Naghiyawan naman ang mga barkada ni Adrian . " I'm sorry , hindi ko sinasadyang bastusin ka , gusto talaga kita kaya kita hinalikan . " Paliwanag ni Adrian . Inirapan lang siya ni Georgina at padabog itong tumalikod . Napahiya si Adrian sa harapan ng kaniyang barkada . Wala pang sinumang babae ang umayaw sa kaniya at lalong wala pang sinumang babae ang nanakit sa kaniya . From that moment , he made a vow na mapapasa kaniya si George. How dare her hit me ! It was just one kiss , though . "O, Bakit ba ang aga pa ay nakasimangot ka na ?" Tanong ni Issa Kay George . "Nakakainis kasi ang Adrian na iyon .." "Si Adrian na naman , tatlong araw na ang nakalipas ng mangyari ang halikang iyon ah , hindi ka pa rin naka move on sa halik Niya ?" Tukso ng kaniyang kaibigan . " Tigilan mo ako Issa ha , kung makapagsalita ka riyan ng move on akala mo ay ginusto ko ang halikan ako ha ." Inirapan Niya ang kaibigan . " Kung makapagsalita ka naman ng halikan, akala mo ay humalik din ako ha !" patuloy na rekalmo ni George. " Uyy, aminin mo ..first kiss mo iyon hindi ba ? Never been touched never been kissed ka kaya Girl . " "Eh, ano naman ngayon .." nakasimangot pa rin na sabi ni George . " Iyon na nga eh , kaya hindi ka pa rin maka move on dahil first kiss mo nga si Adrian . At kahit alam ko kung gaano ka kalamig pagdating sa opposite s*x , may mga mata ka , hindi ba ? So , nakikita mong saksakan ng gwapo si Adrian , matangkad , malinis , mayaman , matalino - nasalo Niya lahat ang swerte sa mundo . Kaya , hindi ko rin maintindihan kung anong ipinagmaktol mo , susmaryosep Georgina, sinampal mo pa ang tao, imbes na gantihan at paliguan mo ng halik . Good heavens , kung ako lang siguro ang hinalikan non , tiyak wala siyang kawala sa akin . " Mahaba na Sabi ni Issa. "Eww, tumigil ka na nga , hindi tama ang ginawa Niya , deserve Niya ang masampal no ?" " Humingi naman ng tawad di ba ? " "Dapat lang na humingi siya ng tawad may kasalanan siya . " Eh, naglalaro nga sila ng truth or dare , at Isa pa , hindi ba inamin Niya na kaya Niya nagawang halikan ka dahil di-ni-dare siya na halikan ang babaeng gusto Niya . Ikaw talaga , kung ako iyon , hahaba ang hair ko no ?." pagpapatiloy pa ni Issa , sabay hawak sa kaniyang buhok . "Tumigil ka na nga babae ka , kaya dumadami ang kaso ng rape dahil sa mga kagaya mong mahilig sa mga bagay na ganyan . Bakit ba parang ako pa ang masama sa pangyayaring iyon , ako ang biktima hindi ba ?" " Humingi na kasi ng tawad , pero nakasimangot ka pa rin , halatang hindi mo pa pinatawad ...wait , baka iba na iyan , kaya ka siguro galit , hindi dahil sa hindi mo pinatawad . Kundi dahil sa nagkagusto ka na sa kaniya ....Uyyyy,, aminin .." nakangiting tukso ni Issa Kay George . "Hinding --hindi mangyayari iyan , Issa . Hindi ako magkakagusto sa Isang lalaking hambog , antipatiko at mukhang babaero . And will you please shut up , here comes our professor." Umupo ng tuwid ang dalawang magkaibigan ng pumasok na ang kanilang professor . Kinahapunan ay biglang bumuhos ang malakas na ulan . Nagmamadaling lumabas ng campus si Georgina . Kahit may payong siya ay basa pa rin siya ng ulan habang naghihintay na may taxi na dadaan . Mahirap makasakay ng taxi kapag ganitong umuulan , kahit na ang mga jeepney na dumadaan ay puno ng pasahero . Nag-alala na siyang mahihirapan siyang makauwi sa kaniyang boarding houses. Habang patuloy siyang nakatayo sa gilid ng daan ay biglang may humablot sa kaniyang bag , at agad na kumaripas ng takbo ang lalaki . " Hoy , snatcher ! Walanghiya ka .." akmang hahabulin ni George ang snatcher ng makita niyang may Isang lalaki na humabol rito. Inabutan ng lalaki ang snatcher at nakipagsuntukan pa siya rito para makuha ang kaniyang bag . Hindi alintana ang malakas na ulan . " I believe this is yours .." nakangiting inabot ng binata ang kaniyang bag . " Georgina Orellano . " Namula si Georgina . This is awkward , she thought . Ang lalaking kaniyang sinampal ay siya palang tagapagligtas Niya . Ang lalaking naging palaisipan sa kaniya , simula ng siya ay halikan nito , ay siya palang magiging knight in shining armor niya . Ipinakilala Niya ang kaniyang sarili , after all , they were not formally introduced . " Thank you ...for retrieving my bag .." she shyly said . Inabot Niya ang kaniyang bag na hawak ni Adrian . " " Can I give you a ride ?" He asked sweetly . Simula ng encounter sa ulan at pagligtas ni Adrian sa bag ni Georgina mula sa magnanakaw , ay umusbong ang magandang relasyon ng dalawa . " See, tulak ng bibig kabig ng dibdib ." Tukso ni Issa sa kaniyang kaibigan na nakasunod ang tingin sa likuran ng papalayong nobyo . Sikat na basketball player si Adrian sa kanilang University . Dahil sa kaniyang husay ay nakilala siya hindi lamang sa The Western Bowl University na nangungunang Universidad ng Bacolod City kundi , maging sa buong Negros . May pagkakataon pa nga na inilaban ang kanilang team sa ibang region . " You are so damn lucky , you know that girl ?" Irap ni Issa . "You are the envy of all the girls here on our Uni . Actually , hindi lang sa campus natin , kundi maging sa ibang malalaking University ng buong Negros eh . " Kinikilig naman si Georgina sa sinabi ng kaibigan . Alam Niya na maraming nagpapapansin sa kaniyang nobyo . But over her dead body , hindi makaka -iskor , ni makakalapit ang mga malanding babaeng magpapansin sa kaniyang nobyo . " O ngayon , anong gusto mong palabasin ? " Tanong Niya sa kaibigan habang sila ay bumalik na sa cafeteria . Pinuntahan lamang nila sa gym si Adrian , binigyan ng towel at tubig ni Georgina ang nobyo na nagpa practice ng basketball . " Hmn, just wanted to remind you na kinain mo lahat ang mga sinabi mo noon Kay Adrian . Na kesyo , ayaw mo siyang patulan dahil manyak ." Inirapan ni Issa si Georgina . " Good heavens , George , kung ganyan naman kagwapo , wala akong pakialam kung siya na ang pinakamanyak sa buong mundo !" Hinampas ni George ang balikat ni Issa . This time nakaupo na sila sa cafeteria at sumenyas na ng kanilang order . " Will you pls lower your voice ," she furrowed her eyebrows . " At pwede ba , hindi manyak si Adrian no ? He's nothing but a gentleman . Decent and classy . May breeding at mapagmahal. Thoughtful and generous . I could never ask for more ." Georgina dreamily said . " Aba , nakita mo na ? Ako pa ang lumabas na bulaang propeta nito eh , ikaw kaya ang nagsabi na manyak ang ..." " Isa pang manyak na salita at tatamaan ka talaga sa akin !" She whispered and yelled . Humagalpak ng tawa si Issa . " Uyyy, in love na inlababo si bff ah , ha! Ha! Ha! " " Issa ! " Georgina warned her friend . " Okay , okay , I'm sorry . " Nag peace sign si Issa . " Hindi na kita tutuksuhin , para ka ng kamatis na mapipisa na sa pamumula eh . But seriously though , I'm happy na nakatagpo rin ng pagmamahal ang puso mo . Malapit na akong kabahan noon dahil sa akala ko tomboy ka at ako ang gusto mo ." Issa eyed her. " Eeww...tumigil ka na nga , kung ano anong kababuyan ang pumapasok sa isip mo . Bakit ba sumagi sa isip mo na tomboy ako? My heart belongs to a man and that man is no one but Adrian Velasco . I love him so much , and I am definitely saving my virginity for him and him alone . O , bakit ka natameme ha ? Hindi ka na makakibo riyan . Dahil ba sa nadale ko ang malikot mong isipan?" Nakangiting sabi ni Georgina. Siya naman ang nanukso Kay Issa , nagtataka ito at bigla yatang natahimik . " Cat got your tongue be ? Ano ?" " Really babe ? " Georgina gasped when someone grabbed her waist from behind . She slowly turned around to see his man grinning at her . That's all it takes to make her weak . Adrian leaned forward , eyes fixed on her lips and slowly captured her lips , which Georgina eagerly welcomed . She felt weak . She doesn't mind the PDA . Damn , this feels heaven, she thought as Adrian deepened the kiss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD