GEORGINA'S POV
" You ready ?" Tanong sa akin ni Daddy, habang ipinasok ko ang huling luggage sa likuran ng pick up .
"Yes dad , " I smiled at him . Sinulyapan ko ang bahay .
" Hindi pa ba tapos si Ashley ?" Last minute ng sinabi ni Ashley na kailangan niyang magbanyo .
Sinamahan siya ni Mommy muli sa itaas ng bahay . Tumabi ako Kay daddy na sumandal sa pick up .
" Hindi pa . " Sinulyapan ni Daddy ang kanyang wrist watch .
" You have enough time , honey ...huwag Kang magmadali . Mas mabuti nga na dito pa lang ay nagbanyo na si Ashley upang hindi ka mahirapan sa biyahe . " Ngumiti sa akin ang aking butihing ama .
My adopted father , Ramon . I smiled in return .
" I'm sorry .." he said
. " Sorry ?" Nagulat ako sa paghingi Niya ng sorry all of a sudden .
" No , it's okay Dad , in fact , excited rin ako na magkaroon ng experience sa ibang kompanya . " I assured him .
Half truth naman ang sinabi ko sa kaniya . After living in Cebu City for two years , muli akong kinontak nina Daddy at Mommy . Pinauwi nila ako sa San Carlos City , hindi na rin ako nagpaligoy ligoy pa , agad akong umuwi .
Na miss ko sila ng sobra . Even though they're not my biological parents , they love me as their own .Other than the cold shoulders , wala akong narinig na sumbat mula sa kanila despite what happened to me .
Ako lang naman ang nagkusang umalis dahil sa guilty feeling ko at sobrang hiya ...and of course, my ego .
Nang makabalik na ako sa San Carlos ay nagsimula na akong magtrabaho ayon mismo sa kurso ko . I was working as a Consultant Designer in one of the biggest companies here in the city . I was content and living my life with my daughter . Kaya lang , nakiusap sa akin si Daddy na magtrabaho pansamantala sa kompanya ng kaniyang matalik na kaibigan sa Maynila .
They needed a designer consultant . Kesyo , nag e-expand ang kanilang kompanya at kailangan ng kaibigan Niya ang immediate design for the renovation of the building.
Hindi ko kilala ang kaibigan ni Daddy . However I heard them talking on the phone .
Ayaw Kong madismaya si Daddy , kaya , agad naman akong umuo sa kaniyang pakiusap sa akin .
Kailangan ng kaibigan Niya ng immediate consultant designer and Dad is so proud of my performance na hindi siya nagdadalawang-isip na ako ang inirekomenda Niya sa kaniyang kaibigan .
" Yeah , about that . ." He scratched the back of his head .
" Kaibigan ko kasing matalik si Renante ...I couldn't say no to him . " He smiled at me
. " Besides , I know that you are the perfect consultant they need . "
Sinabayan pa ng tango ni Dad habang siya ay nagsasalita .
" You're the best .." he added .
" Thanks Dad ." I replied .
" You're welcome Iha , but anyway, hindi iyan ang ibig Kong sabihin . "
I furrowed my eyebrows . " What do you mean , dad? " I asked him , confused .
" I mean , I was sorry that we ... abandoned you . " He said in a serious manner .
" You see , we ... your Mom and I were shocked about your pregnancy . It's the last thing that we are expecting from you . " He shrugged his shoulders . " Heck, we don't even know that you have a boyfriend . Nabigla lang kami . Hindi namin sinasadya na saktan ka . Ang akala namin ay ..."
"Oh , Daddy ..." I softly cut him off . " Hindi mo naman kasalanan , wala kayong kasalanan ni Mommy . Wala naman akong narinig na sumbat mula sa Inyo . Ako lang ang nagkusang umalis ." I said .
" No , hindi ka naman aalis kung hindi naging malamig ang pakikitungo namin sa iyo anak , I mean , we were wrong. We failed to understand you . Hindi namin inisip na sa mga panahong iyon , mas lalong kailangan mo kami . Hindi Ka namin dapat inabandona , kagaya ng ginawa ng ..ng ..hayop na lalaking iyon . Damn . "
Kinuyom ni Daddy ang kaniyang palad .
"Daddy.." niyakap ko siya ng mahigpit . " It's ..in the past . It's been five years . And it's not your fault , not Mom's fault either."
Tinapik ko ang kaniyang likod . Kumawala ako sa pagkayakap sa kaniya at nagkatitigan kami .
" Kung meron man dapat humingi ng tawad ...ako iyon . I failed you Dad . I failed Mom . Kaya ako umalis dahil nahihiya ako sa Inyo ."
I struggle with difficulty while uttering the words . Dad wiped the tears that fell from my eye.
"Still , hindi ka namin dapat hinayaan na umalis ...he stated .
" Dapat, dapat .."
"Dad, that's enough .. As I said , it's all in the past ...it's never you and Mom's fault . It's mine . Ako ang dapat humingi ng sorry sa Inyo . "
"And you did .." ngumiti si Daddy , Isang sinserong ngiti na nagpagaan sa aking kalooban .
Simula ng nakabalik akong muli sa kanilang piling kasama si Ashley ay isinusumpa ko na hindi na muling magmahal pa .
" Well, now that ...it's over , " He said putting his hands in his pockets .
" I wish you and Ashley a good life ahead . Anuman ang kailangan mo at ni Ashley , nandito lang kami ng Mommy mo . " He slightly tilted his head, looking in the porch.
Sinundan ko ang kaniyang tingin . I saw my daughter and Mom headed in our direction .
"Mommy .." I hug mom ng nasa harapan ko na siya . She hugged me back . " Let's go ." Tipid na sabi Niya sa akin . She guided Ashley towards the pick up , na binuksan na ng aming family driver .
Nang makasakay na sila sa loob ng sasakyan ay muli Kong tinapunan ng tingin ang bahay na kinalakhan ko . I sighed before I finally climbed into the pick up truck . Why do I have this uneasy feeling of leaving my home ?
Sa airport , muli Kong sinulyapan ang aking kinikilalang mga magulang bago kami tuluyang pumasok sa loob .
Isang matamis na ngiti at kaway ang nasilayan ko sa kanilang mga mukha . Gumanti ako ng kaway at ngiti sa kanila . I have this mixed emotions inside , I am happy yet ...sad . I am excited but I couldn't ignore the emptiness that I felt . Siguro inisip ko lang ang panibagong environment , panibagong makakasalamuha ko sa buhay .
Dahil sa nangyari sa akin , simula ng ako ay nag -iisang mamuhay sa Cebu , natutuhan Kong makikisalamauha sa ibat -ibang uri ng tao , yet , somehow ng makabalik na ako sa piling ng aking mga magulang , I have this urge to stay at home with them .
I don't want to be alone anymore , especially now that I have Ashley . I sigh with the thought . " Ashley , wake up .." I gently tapped her shoulders ng nakalapag na ang eroplano sa Ninoy Aquino international Airport. Forty five minutes kami sa himpapawid but then, hindi napigilan ni Ashley ang maidlip . Maybe because she hadn't slept well last night .
Malungkot siya dahil iiwan ang kaniyang lolo at lola .
"Come on , you can sleep again in the car . "
I urge her to stand up , maliban sa kaniyang antok ay first time ni Ashley makasakay ng eroplano , kaya naintindihan ko ang kaniyang nararamdaman .
Nang makasakay na kami sa sasakyan na naghihintay sa amin , based on the arrangements that my father and his friends agreed , ay muling natulog si Ashley .
Mabigat ang traffic sa kahabaan ng Maynila patungo sa apartment na nakahanda sa amin , again , sagot ng kompanya .
This is my first time in Manila , mas mabigat talaga ang daloy ng trapiko rito ikumpara sa traffic ng Cebu City, Bacolod City at San Carlos City. It's understandable though, Manila is the Capital of the Philippines . Nandito lahat sa kalakhan ng Maynila ang mga world class companies , kagaya na lang ng kompanya na papasukan ko , though, I'm not familiar with the companies here in the Big City.
"Pasensya na ma'am , mukhang matatagalan yata tayo bago makarating sa apartment ninyo . Medyo may kabigatan ang daloy ng trapiko ." Sabi ng driver na nakatingin sa rearview mirror .
" Okay lang po .." nakangiti at tipid na sagot ko sa driver na sumundo sa amin sa airport. Tahimik na niyang ipinagpatuloy ang kaniyang pagmamaneho . Tahimik na din akong nagmasid sa bigat ng traffic .
Samantalang ang aking anak ay muling natulog sa sasakyan , ang kaniyang ulo ay nasa aking kandungan . And as for me , nilibot ko na lang ang aking paningin sa labas ng bintana at pinagmasdan ang daloy ng trapiko.
I don't want to be involved in a conversation with the driver since I already knew the arrangement about my staying in the Big City .
I'm here simply because I want to honor the friendship of my father's closest friend . Iyon lang yon . At dahil nga sa bigat ng trapiko ay mahipit Isang oras kami bago nakarating sa aming g apartment
Pagkatapos na maibaba at maipasok ng driver ang aming mga bagahe sa loob ng apartment , ay iniwan na Niya ang susi sa akin at umalis .
The apartment has two bedrooms , a dining room and living room with a comfortable couch .
" Hmnn, I like the couch Mommy.." Puna ni Ashley as she bounces on the sofa . No wonder , kulay pink kasi ito kaya Niya nagustuhan and the design is like a big shell .
Lumapit ako at umupo sa kaniyang tabi ." Hmmm, alright ..I'm glad that you like it here , honey .." I smiled at her .
Kung ganito ang reaksyon ng aking anak baka , kahit papano , hindi ako mahirapan sa kaniya dito sa aming bagong tahanan - pansamanatalang tahanan .
" Well, I'm not sure if like ko ang bagong school ko Mommy .." she touched the hem of my coat .
" I'm sure , magugustuhan mo rin ang bago mong school at magkaroon ka pa ng bagong kaklasi , kaibigan at kalaro. "
I cupped her chin and assured her. Dahil seven months to one year ang kontrata ay ipagpatuloy ni Ashley ang pag-aaral rito sa Maynila . She's in kindergarten .
"Are you hungry ? " Tumango si Ashley . Nilabas ko ang aming dalang pagkain. Nag drive-thru kami kanina upang pagdating dito sa apartment may nakahanda ng pagkain , perfect timing because it's almost lunchtime .
After eating, Ashley took a nap again , and I'll take the opportunity to arrange our belongings and stuff. It's Friday , I have two days to sort things out in this new neighborhood as well as preparing for Ashley's school records and I still have time to go to the supermarket .
The thought made me tired . I sigh as I thought about the work I'll be having in the company which my Daddy's referring to. It baffled me as to why they couldn't find a decent and brilliant architect designer in the big city ?
I shrugged my shoulders as I decided to lie down beside my beautiful angel . As I slowly climbed into bed , tinitigan ko ang inosenteng mukha ng aking anak .
What if her twin brother is alive ? Hindi kaya mangungulila si Ashley sa kaniyang ama dahil may kalaro siya ? I know she's lonely and sad kapag naisip Niya na wala siyang ama na kasama . I dreaded that day , iyong araw na tinanong Niya ang tungkol sa kaniyang ama .
Ashley is smart for her age . Pero hanggat bata pa siya , tama lang ang na sabihin ko sa kaniya na darating din ang panahon na malalaman Niya ang lahat .
I wipe the unwanted tear on my cheek as I hug my daughter, and as I struggle to shake away the thought of that useless man . I don't want to think about him . I hate him , no , I loathe him . I despised him .
I decided to dial the number that my father instructed me to call the moment I arrive here in Manila . Kampante si daddy sa aming kalagayan ni Ashley dahil package deal ang kontrata ng trabaho Kong ito.
Nakahanda na ang apartment na aming tiahan at maging ang lahat ng kasnagkapan na aming kailangan. Mayroon na ring paarlaan na naghihintay sa aking anak , ang kailangan ko nal ng gawin ay ang pagpasa ng kaniya l record.
. Kahit pa nasa kindergarten siya ay hindi naman nagpabaya si Daddy . He clearly stated to his friend the things that we needed . Kaya rin siya kampante na sabihin sa kin ang tungkol sa trabahong ito , dahil sa alam Niya na provided na lahat ng kompanya ang aming kailangan .
" Office of The Far East Kindergarten school , may I help you ?"
"Hi , this is Miss Georgina Orellano , I would like to speak to Miss Scarlet Jacinto please . "
Si Scarlett Jacinto ay ang principal ng paaralan . " Hold on a second ma'am..." Narinig Kong sagot sa kabilang linya .
After a second or two , nakausap ko na ang principal . She told me that everything has been settled .
Ang kailangan ko na lang gawin ay ang dalhin si Ashley at ang kaniyang records sa lunes .
" Thank you ma'am , I'm sure to bring her requirements on Monday . " I said
" You're welcome Mrs . Orellano , I am looking forward to meeting you and your daughter . " She said and hung up .
I furrowed my eyebrows , " Mrs Orellano ? ' I whispered . Well, I can't blame the woman , hindi pa niya alam na single Mom ako .