Cathy's POV...
"All done!"
Kakatapos ko lang magbake. Satisfied naman ako sa itsura kaso hindi nga lang ganoong ka-perfect. Good thing is hindi siya sunog. Kumuha ako ng isang piraso para tikman at buti na lang hindi maalat at hindi rin gaanong matamis. Pwede na sa mga katulad kong beginners.
Iniisip ko rin kung magjo-join ako sa baking class. Iyon naman kasi ang napagiinteresan ko. I also want to purchase more baking equipments.
I told Andrew na hindi ko siya maipagbabake ngayon. Okay lang naman daw sa kaniya. Wala na kasi akong time para gumawa ng mas maraming cookies. My parents are waiting for me now. Maghahapon na din kasi.
After kong mailagay sa isang malinis na container ang lahat ng cookies, tsaka lang ako nagprepare ng pag-alis.
I'm wearing a brown jumper dress with white shirt underneat. Inilugay ko ang buhok at naglagay lang ng isang maliit na clip sa sides.Nilagyan ko ng concealer ang ibang hindi pa naghilom na pasa sa aking mukha bago ako nagmake-up ng light. Para lang hindi mukhang hagard ang mukha ko.
Pinagkatitigan ko ang sarili ko sa salamin. Look how Grey changed me after six months. Imbis na magblooming ako, parang salungat pa ang nangyari. Ito siguro ang kinakalabasan kapag hindi ka mahal ng mahal mo.
Habang iniisip iyon ay kumikirot na naman ang puso ko kaya ipinagsawalang bahala ko na ang mga naiisip ko.
Sasaktan lang ako ng mga thoughts ko kung hindi ako titigil.
Hindi na ako nagpaalam kay Grey. Wala naman siyang pake tsaka wala akong ganang makipag-usap at makita man lang siya ngayon.
Ngayon lang ah.
Mamimiss ko siya kapag matagal.
Parang gusto ko lang makahinga ng kahit saglit sa sobrang saklap ng buhay ko.
Nakarating ako sa bahay ng quarter to four. Sinalubong ako ng yakap ng dalawa kong magulang.
"I miss you nak! Glad that you're here!" Sabi ni mama at hinalikan ako sa pisngi.
Niyakap ko siya lalo ng mahigpit. "I miss you too ma" bago ko niyakap si papa naman ng mahigpit. "Miss you din pa"
Inabot ko sa katulong ang dala kong cookies bago nagtungo kami sa living room.
"How's going with you and Grey nak?" Tanong ni papa pagkaupo namin sa sofa. Nagbaba ang katulong ng dala dala kong cookies at orange juice.
He's asking again. Parang hindi siya nagtanong no'ng nakaraan.
"I told you we're fine. He's a gentleman just like I said before." Muli kong sagot sa kaniya. Muntikan na akong maluha sa tanong na iyon. Paano ko sasabihin na nagfi-file na ng annulment si Grey?
"I'm still worried." Bumuntong hininga si papa at halata ang concern niya sa akin.
Kabado akong ngumiti. "He's treating me right pa. Sasabihin ko agad sa inyo if may nangyaring hindi maganda. Huwag na kayo mag-alala. I'm fine and happy with my life with him" pagbigay ko pa ng assurance este pagsisinungaling ko pa.
"Mabait na bata si Grey hon. Tsaka hindi ba't bumisita tayo sa kanila noong nakaraan?" Segunda naman ni mama.
Papa still look concern. "Basta kapag kailangan mo kami naandito lang kami"
"Oo naman po pa" I smiled.
Nagkwentuhan muna kami sa sala. Mostly ng napagkwentuhan ay tungkol sa pag-aasawa. They give me tips na hindi ko naman maiaapply sa aming dalawa. Tsaka tungkol din sa pagkakaroon ng baby ay sinisingit nila.
Pero wala namang ganoong mangyayari kaya mas lalong nakakalungkot.
Pinipigilan ko lang talaga umiyak.
Dahil tuluyan ng dumilim. Nag-prepare na kami ng makakain for dinner. Papa excuse himself to do his excess works. Tawagin na lang daw siya kapag ready na ang pagkain.
Nag-prepare kami ng steak. Si mama ang nagmarinate ng steak at ako naman ang nag-asikaso sa sauce ng steak.
After preparing the steak nag-asikaso naman kami ng vegetable salad at tsaka inilabas ang isang wine. Mama wants to make this special dahil nga minsan lang ako dumalaw kaya may pa wine.
Si mama ang nag-asikaso ng plating habang ako naman ay inaayos na ang table para sa aming tatlo nang magring ang phone ko. I excuse myself para tingnan ang phone ko.
Mabilis kong napatay ang tawag matapos mabasa ang name ng caller. Si Grey kasi iyon! Nagulat ako kasi hindi naman siya tumatawag. Masaya sa pakiramdam pero nakakatakot!
Tiningnan ko ang message section ko. Ang daming text message coming from him!
My love of my life <3:
Where the f**k are you Cathy?
My love of my life <3:
Are you f*****g ignoring my message? My calls?
My love of my life <3:
Lagot ka sa akin pagbalik mo.
Hindi ko na binasa pa ang ilang message niya. Karamihan kasi death threats!
Hindi ko naman aakalaing hahanapin niya ako. I mean,lagi naman siyang wala sa bahay kaya anong bago ngayon?
Gusto kong maging masaya dahil hinahanap niya pero at the same time,alam kong malalagot ako sa kaniya.
Muntikan ko ng mabitawan ang aking cellphone dahil nag-ring ulit iyon. Nanginginig ko iyong sinagot.
"He—"
"Where the f**k are you?!"
Nailayo ko ang cellphone sa aking tainga sa lakas ng boses niya pero kaagad ko iyong binalik sa tainga ko.
"I-I'm at my parents house Grey" I answered nervously.
"At bakit naandiyan ka? What are you planning to do? Bakit hindi mo ako sinama?Isusumbong mo ba ako?"
"No. I-I'm not going to do that!" Kaagad kong pagtanggi. Lumayo muna ako ng tuluyan kay mama dahil baka marinig niya pa ang pinag-uusapan namin ni Grey.
"Subukan mo lang" banta niya pa ulit.
"Promise...I didn't"
"Tss, tell your parents that I'm coming." Huli niyang sabi bago patayin ang tawag.
Mukhang hindi pa ako pinagbigyan ngayong araw. Akala ko makakapagpahinga na ako kahit ngayon lang.
Bagsak ang balikat kong bumalik ng kitchen.
"Ma, pupunta daw po si Grey" paalam ko sa kaniya.
Ang mama ko na kakatapos lang sa pag-aayos ng plating ay lumingon sa akin. "Akala ko ba hindi na pupunta?"
"Change of plans"
Dahil nga dadating si Grey, nagdagdag ako ng isang plato para sa amin.
Umakyat muna si Mama para magpalit ng damit at pinagpawisan daw siya habang ako naman ay nanatili sa sala at palakad-lakad.
Kinakabahan ako kasi baka galit sa akin si Grey. Kung alam ko lang na magagalit siya ay dapat nagpaalam ako sa kaniya.
Hahapuin ata ako nang makarinig ng beep sa labas. Papalabas na ang katulong sa bahay pero nagpresinta ako na ako na ang sasalubong kay Grey.
Nanginginig ang buo kong kalamnan habang papalapit sa gate. Binuksan ko iyon at kaagad akong sinalubong ng napakadilim na tingin.
At hindi lang iyon ang salubong niya.
Sinalubong niya rin ako ng isang marahas na paghigit sa aking braso. Pigil akong dumaing kahit naramdaman ko agad ang sakit no'n.
"Wala kang sinabi hindi ba?" Nangingitngit ang kaniyang mga ngipin habang sinasambit ang mga salitang 'yon.
"W-wala." Nauutal kong sagot.
Napakagat ako ng labi ng halos ay bumaon na ang kuko niya sa braso ko.
"Subukan mo lang talaga. Sa susunod magpaalam ka at sabihin mo kung saan ka pupunta ha? Understood?"
Tanging pagtango na lang ang naisagot ko at pilit na hindi umiyak.
Muntikan na akong matumba sa sobrang rahas ng pagkakabitaw niya sa kamay ko.
Kaagad kong tiningnan ang braso ko at namumula ito. Sana lang talaga at hindi ito mapansin.
Naunang pumasok si Grey at sumunod lang ako sa kaniya. Pagpasok namin, tsaka lang ako hinawakan sa bewang. Naabutan na din kasi naming nababa si mama at papa.
"Goodevening po ma,pa" lumapit siya sa kanila at nakipagbeso.
"Buti nakapunta ka. Sabi kasi ni Cathy busy ka daw"
"Medyo lang po. Sumaktong napostpone 'yong meeting ko kaya nakadiretsyo ako"
"Good to know. Let's have a dinner!"
Nakayuko lang ako habang papunta ng dining room. Grey pulled a chair for me. Tipid ko lang siyang nginitian bago umupo.
Napaka-gentleman naman.
Nakakakilig na sana kaso pretend nga pala ito kaya hindi ko rin magawang sumaya.
"How's work by the way?" Tanong ni Papa kay Grey.
"Okay naman po pa. The company sales increase this month and we will releasing a new product next month" magalang niyang sagot.
"Good, keep up the good work Grey" nagthumbs up si Papa sa kaniya at tanging tango lang ang ganti sa kaniya ni Grey.
"Hindi pa ba kayo mag-aanak?" Singit na naman ni mama kaya napaupo ako ng ayos.
"We are not yet ready mama" magalang pa ring sagot ni Grey.
"Why? Sa susunod na taon, babalik na sa trabaho ang anak ko dahil siya ang magmamana ng aming mga negosyo kaya't hanggang hindi pa kayo busy na dalawa gumawa na kayo ng anak. Isa pa hindi na din kayo pabata"
Wala akong maisagot. Nakikita ko naman ang pagtiim bagang ni Grey at pagkuwari ko ay ito'y napipikon na.
"Mama, ayaw pa po namin ng anak. Bago palang po kami tsaka napag-usapan na po ito no'ng isang araw right?" ako na ang sumagot at para hindi na magalit pa itong katabi ko.
Ngumuso si mama. "I want apo."
Papa tap her shoulder. "Hay nako hon, hayaan mo muna sila. Masiyado mong niprepressure."
After that, balik na ulit ang mga tanong tungkol sa work ang pinag-uusapan.
We finished the food peacefully. Katulong na ang nag-asikaso sa mga pinagkainan. Nagkwentuhan pa ulit hanggang naisipan na ng magulang kong matulog. May trabaho pa sila bukas.
Pinahiram naman ni Papa ng damit si Grey dahil wala itong dalang pamalit. Nasa CR si Grey habang ako ay kumuha na ng extra comforter na ipanglalatag ko sa sahig. As if naman magtatabi kami matulog.
Ayaw kong magalit siya sa akin.
Nang lumabas siya sa CR ay hindi ko maiwasang magnakaw ng tingin. Iba talaga ang karisma niya. Hindi ata ako magsasawang tingnan siya. Kahit pa yata anong suot niya ay gwapo pa rin siya sa paningin ko.
Bago pa ako mahuli ay tuluyan ko ng inalis ang aking titig. Maganda ng maging safe. Ayaw ko makatanggap ng bugbog pag-uwi namin sa bahay.
Nanatili kaming tahimik at panay lang ang nakaw ko ng tingin habang nakahiga na sa ako sa sahig. Siya naman ay nasa mirror at pinatutuyo ang buhok gamit ang blower.
Ang lakas ng t***k ng puso ko at hindi makahinga ng ayos dahil nasa iisa kaming kwarto.
"Huwag mo akong titigan" matigas niyang sabi habang nakatingin sa akin ang repleksyon niya sa salamin.
"S-sorry!" Umiwas ako ng tingin.
Inabala ko na lang ang aking sarili sa pag ayos ng hihigaan niya hanggang sa may maalala ako.
About the annulment.
Iniisip ko pa lang naiiyak na ako. Ang sakit sa puso. Para no'ng pinipiga ang puso ko.
Bakit hindi ko pa in-expect? Gano'n naman talaga ang kahahantungan namin diba?
May magagawa pa ba ako doon?
Kung ako masusunod gusto ko mag-stay pero buo na ang desisyon niya.
Tatanggapin ko na lang ba?
Muli akong tumingin sa kaniya at inipon ang lakas ng loob upang kausapin siya.
"Grey..." I called.
Hindi siya tumingin sa akin pero ang kaniyang reflection sa salamin ang dumayo ng tingin sa akin. Nakabusangot ang mukha niya.
"Ano?!" Medyo pasigaw niyang tugon.
"Kapag nahanap mo na si Vanessa.." napalunok ako dahil pakiramdam ko may nakabara sa aking lalamunan. Pinilit kong ngumiti pero pilit lang iyong nalalaglag. "Sabihin mo lang sa akin. Palalayain na kita..."
Pinilit kong hindi mapiyok kahit pakiramdam ko malapit na akong umiyak.
Natahimik ulit ang paligid at tanging blower lang ang maririnig. Napalingon na rin si Grey sa akin at pinagkatitigan ako ng ilang segundo bago tamad na bumalik ang tingin sa salamin.
"Kahit naman ayaw mo, makikipaghiwalay parin ako at tamang desisyon iyan. Tama lang palayain mo ako dahil hindi ko naman talagang ginustong maging asawa mo."
Pinilit kong hindi pakinggan iyon pero ang linaw ng sinabi niya sa aking isipan. Hindi naman ito ang unang araw na sinabi niya iyon pero mukhang hindi ko yata makakasanayan na baliwalain ang mga sinasabi niya.
Sobrang bigat ng paghinga ko. Gano'n rin ang mata ko dahil kaunti na lang ay papatak na ang luha ko.
Pero kahit ganoon ay pinilit kong ngumiti. "Pwedeng humingi ng favor?"
Pinatay niya ang power ng blower bago tinaas ang kilay at supladong tumingin sa akin.
Mas lalo akong ngumiti at pinagpag ng huling beses ang kama niya. "I don't need you to be nice for me but please don't beat me up? Can you do that?"
Nakita kong natigilan siya pero kalaunan ay tumango siya.
Nakahinga ako ng maluwag roon. Ayaw ko lang na hanggang sa maghiwalay kami ay takot ako sa kaniya. Isa pa, gusto ko ding masabi na sa ilang buwan naming pagsasama ay tinatrato niya ako ng ayos. Gusto ko rin may maikwento na maganda sa pagsasama naming dalawa na hindi lang pambubugbog.
Umaasa ako na magiging mabait na siya sa akin simula ngayon. Kahit hindi na mabait, atleast wala ng bugbog.
"Salamat"
Lumipat na ako sa sahig. Doon ako humiga at nagtalukbong ng kumot at doon umiyak ng mahina.
Hindi ko alam kung hanggang kailan na lang kami magsasama. Maybe days? Weeks? Months?
Nakakatawa lang dahil gumawa ako ng paraan para makulong siya sa akin pero ganito rin pala ang hantong. Gumastos kami ng malaki para sa kasal pero annulment din pala ang kahahantungan. Bakit kasi ako umasa na baka kapag nagkasama kami sa iisang bahay at naging mag asawa kami, makikita niya na ako? pero hindi parin pala.
Maybe maging thankful na lang ako sa ilang buwan naming pagsasama. Atleast nakasama at napagsilbihan ko siya with all of my heart.
I don't want to burden him anymore.
Pero hindi ibig sabihin sumuko na ako. Wala pa si Vanessa, maybe I need to do something to caught his attention.
Sana lang, may pagasa pa na mahalin niya ako bago pa niya mahanap si Vanessa.