Chapter 9

1941 Words
Kinabukasan ay nagising ako na nasa kama na ako. Binuhat ba ako ni Grey dito? Uminit ang aking pisngi dahil doon. Talaga bang ginawa niya iyon? Nawala ang antok ko dahil do'n! Kahit alam ko namang ginawa niya lang 'yon para siguro hindi ako makita ni mama na nasa sahig. Nagpunta ako ng banyo para maghilamos at magsipilyo bago bumaba. Hindi ko na naabutan si mama at papa. Nasa work na daw sila sabi ng katulong dito. Hindi na rin ako nagtagal, umuwi rin ako pagkatapos kong mag almusal at maligo. Pag-uwi ko sa bahay ay kaagad akong naglinis. Actually, gusto ni mama na may katulong sa bahay pero mas pinili kong tanggihan iyon. Gusto kong maging hands on house wife. Kapag maraming lilinisin tsaka lang ako nagpapadala ng housekeeper na maglilinis. Pinuyod ko ang buhok into bun bago ako nagtungo sa laundry room. Maglalaba ako ngayong araw. May automatic washing machine naman ako kaya hindi na ako mahihirapan maglaba. May pangbanlaw na rin kaya naman ang aasikasuhin ko lang ay pagtitiklop at pagpaplantsa. Habang hinihintay na matapos ang mga nakasalang na damit, nagsuot ako ng earphones at nagpatutog. Sinasabayan ko ang kanta sa pamamagitan ng paghum at dahil may beat ang tugtog ay hindi ko ding maiwasang magsayaw. "Yeah!" Pinikit ko pa ang mata bago nagkekembot kahit hindi naman malambot ang katawan. Kung nakikita ko nga ang sarili ko sa salamin paniguradong pagtatawan ko ang aking sarili. I swayed my hips again and slowly open my eye--- "G-Grey!" Muntikan na akong ma-outbalance nang makasalubong ko ang blankong mata ng asawa ko dito sa kusina. Salubong na salubong ang kilay niya habang nakacross arms pa. A-anong ginagawa niya rito? Kumurap ako ng dalawang beses. Nananaginip lang ba ako? O naghahallucinate? Naandito ba talaga siya? Teka? Hindi naman siya umuuwi ng maaga. Baka nga namamalikmata lang ako? Para makumpirma ko talaga ay dahan dahan akong palapit papunta sa kaniya. Mas lalong sumalubong ang kilay niya. "What the f**k are you doing?!" Masungit niyang saad dahilan para hindi matuloy ang paghakbang ko at napatuwid ako ng tayo. Shet! Patay! Naandito nga! Mabilis akong yumuko. Unti-unting nanginig ang aking katawan sa takot at nagharumentado ang puso ko sa kaba. "A-ano, akala ko naghahallucinate lang a-ako kaya lalapit s-sana ako—" "Tss." Mabilis ko ng naitikom ang bibig ko. Baka magalit pa siya! "Ganito pala ginagawa mo kapag wala ako? Nakakahiya ka. Ang tigas ng katawan mo!" Napakagat ako ng labi sa hiya. Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Nakakahiya talaga. Hindi ko naman alam na dadating siya! "A-ano....may nakalimutan ka ba?" Natatakot kong tanong habang iwas ang tingin sa kaniya. "Nothing. I'm just here to say something..." Dahan dahan akong sumilip sa kaniya. "A-ano iyon?" He cleared his throat then looked away. "I'm sorry for beating you" Umawang ang bibig ko at nahinto ang aking paghinga. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon. He looked at me again. "Tutal may deal tayo kahapon kaya nagsosorry na ako sa mga ginawa ko. From now on, I'm not going to hurt you physically" Napangiti ako sa kaniyang sinabi at nawala na ang takot sa aking sistema. "Salamat" "Buti naman at nauntog ka na. Sana maging aral sayo ito." Nawala ang ngiti ko sa kaniyang sinabi. Tama siya. Nauntog na nga ako. Nagising na din ako sa katotohanan na hindi niya talaga ako mamahalin. At kapag iniisip ko iyon, parang pinipiga sa sakit ang puso ko. Pero siguro nga ito ang makakabuti sa aming dalawa. "Tama ka. Marami nga akong natutunan sa pagsasama nating dalawa Grey. Na hindi lahat ng bagay kailangan mong ipilit. Hindi lahat ng bagay makukuha mo. Hindi lahat papabor sayo. Hindi lahat ng mahal mo kaya kang mahalin." Pinilit ko na lang ngumiti kahit sa totoo lang babagsak na ang luha ko. "Good to know that you know your place. You will deserve someone else, not someone like me Cathy. My heart belongs to someone and you know that" Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya at tumango. Hindi ko na kayang magsalita baka kasi bumuhos ang luha ko. "That's all. I'm going back to the office. " Tumango ako. "Ingat ka" He tsked then leaved the kitchen quietly. Hindi ko na siya tiningnan at pumunta sa laundry room. Huminga ako ng malalim bago tipid na ngumiti. Ayoko ng umiyak ng umiyak. Ang mahalaga, okay na kami. I mean hindi na niya ako sasaktan. And I'll take this as an opportunity. Tinapos ko na ang mga labahin ko. Mabilis lang natapos kasi kakaunti lang naman ang damit at dadalawa lang naman kami dito. Pagkatapos kong maglaba at isampay lahat ng damit ay naligo naman ako. Nagsuot lang ako ng simpleng puting dress at inayos ko ang buhok into pony tail. Naglagay ako ng kaunting blush on at lip balm para naman kahit papaano ay umayos ang itsura ko. Pinalipas ko lang ang oras sa pakikipagvideo call kay Hannah sa phone. Day off ng gaga ngayon. "Dapat lang na hindi ka saktan physically! Bakit kailangan mong hilingin iyon? If I were you, matagal ko ng kinasuhan ang gago mong asawa!" Napanguso ako at inayos ang stand ng phone ko. Naikwento ko kasi yung mga nangyare sa pagitan namin ni Grey kanina at kahapon. "Mabait naman si Grey..." Umarteng nandidiri si Hannah sa sinabi ko. "Kaya lang naman niya nagawa iyon dahil ako ang may kasalanan. Pinilit ko siyang magpakasal" "Stop defending him b***h! I know that what you did is wrong but beating you up is wrong as well! Duh? Babae ka! BABAE!" Natanggal ko ang earphone na suot ko sa lakas ng boses niya. Ang sama talaga ng ugali ng babaeng ito! "Hay nako! I can't wait na maghiwalay kayo!" "b***h!" Sinamaan ko siya ng tingin. Tinaasan niya lang ako ng kilay habang kumakain ng snacks sa ibabaw ng kama niya. "Bakit? Umaasa ka parin ba? Hindi ba't nagfile na ng annulment? Aba'y grabehan yan!" Napaiwas ako ng tingin sa kahihiyan. "Aasa pa din ako b***h. Hanggang hindi pa kami naghihiwalay aasa pa din ako" "Susko day! Alam mo gustong gusto kitang tirisin! Nanggigil ako sayo!" Napayuko ako kasi ramdam ko talaga 'yong inis sa kaniya. "Gosh Cathy! Stop hoping. It will not happen okay? Para lang iyang paniniwala na totoo si Santa Claus at pagputi ng uwak!" Hindi na ako nakapagsalita. Nasapol ako ng kaniyang sinabi. "See? Wala kang masabi. b***h, stop na please?" I know that she has a point. Pero hindi ko iyon matanggap. Gusto ko pa ring magtry. Gusto ko pa ring umasa. Hindi ko pa tanggap lahat. "Oo, pinilit ko nga siya sa kasal na ito. Kinulong ko siya at nilayo sa kaniyang mahal. He's angry at me because of that. Pero ngayong ayos na kami at alam na niyang palalayain ko siya, maybe something will happen. Hindi ko na siya pipilitin o kahit ano pa man. Baka may mangyari sa relasyon namin. Baka may magawa ako para makuha ang atensyon niya." She rolled her eyes. "Whatever b***h. Kahit ano namang advice ko wala kang susundin. Nakadepende naman iyon sa iyo, basta kapag kailangan mo ako, I'm just here okay?" Mabilis akong napatango at ngumiti sa kaniya. Ang swerte ko naman sa bestfriend ko. Kahit hindi siya agree sa mga desisyon ko, lagi naman niyang pinapakita na naandiyan lang siya. _________ Grey's POV... "Sir, naandito po si Attorney Monteverde. Papasukin ko po ba?" My secretary said in the intercom. I sighed before pushing the button of the intercom. "Let him in" "Hey" Inangat ko ng saglit ang paningin para tumango at bumalik ang tingin ko sa aking laptop. "What are you doing here?" Tanong ko at nanatili ang tingin ko sa aking laptop. "Let's hangout in your house next week" Napalingon ako sa kaniya. Maayos siyang nakaupo sa visitor chair at may tipid na ngiti ang kaniyang labi. "You want to see my wife huh?" Mabilis na tumango si Andrew. "I missed her." I scoffed. Ang bilis namang mamiss, kahapon lang ay nagdate sila diba? "Sama natin si John!" Excited ang tono ng boses niya na ikinangisi ko. Talagang nagustuhan niya si Cathy huh? Paano kaya kung sabihin kong parang kawayan kung sumayaw si Cathy? Bigla kong naalala ang nangyari kanina lang. Kumekembot siya pero hindi ko alam kung kembot iyon. Nakangiti pa siya na parang nasa isa siyang music video kanina. Ang hindi niya lang alam, nagpipigil ako ng tawa kanina. Hindi ko alam na ganoon pala ang ginagawa niya kapag wala ako sa bahay. At ngayong naalala ko na naman... "Bakit ang laki ng ngiti mo? Nahanap mo na ba si Vanessa?" Kaagad nawala ang emosyon ko sa mukha ko at mabilis na binura ang kaninang naglalaro sa isipan ko. I looked at Andrew. "Not yet" nakaramdam ako ng pagkalumbay kay Vanessa. Hindi ko parin siya mahanap hanggang ngayon. "Pero kaya ako nangiti kanina ay dahil may naalala lang akong hindi ko makakalimutang alala namin ni Vanessa" pagdadahilan ko. Halos murahin ko ang sarili sa ginawa ko. Bakit ba nagsinungaling ako? Ano naman kung naisip ko siya? It was because of her bamboo style kind of dance. Wala namang meaning iyon. Tsk! "I wish that you could find her sooner so I'll be able to steal Cathy from you dude" Natigilan ako sandali sa sinabi niya bago tumikhim. "Sayong sayo na Andrew." Kung mamahalin ka. Baliw nga sa akin eh tsk! "At sana magdilang anghel ka na mahanap ko na si Vanessa dahil wala ng problema dahil pumayag na si Cathy na maghiwalay kami kapag nagkita na kami ni Vanessa" Mas lalong lumapad ang ngiti sa mukha ni Andrew. "Good to know that. She doesn't deserve someone like you dude. I'll make sure that I'll take care of her" Kumunot ang noo ko. Medyo naoffend sa sinabi niya. Hindi ko nga alam kung bakit ako naoffend kahit totoo naman ang sinabi niya. Kahit kailan naman ay hindi ko pinahalagahan ang babaitang iyon. Ayaw ko lang ang paraan ng pagsasalita ni Andrew. Para bang napakawalang kwenta kong lalaki. Psh! "Iyon lang ba ang pinunta mo? You can go now. I still have many things to do." Pagsusungit ko. Nawala na ako sa mood. "Basta next week hm? I look forward to that" Napangiwi ako nang makita na naman ang ngiti niya. "I know at kung pwede lang, tumawag ka na lang kesa mang-iistorbo ka" He chuckled. "Got it man. Masiyadong masungit" Kinumpas ko lang ang kamay ko at pinalalayas ko na siya. Narinig ko pa siyang tumawa habang papalabas ng office ko. Mabilis akong bumalik sa trabaho. Ang dami pa namang aasikasuhin dahil may bago kaming product na irerelease next month. I want to be hands on to make this successful. Dumadami na din ang competitors so I need to work hard. Habang tutok ang mata ko sa laptop, biglang tumunog ang phone ko. Nagflash sa lockscreen ang unknown number na kilalang kilala ko kung sino. 09********* Don't forget to eat lunch. Stay dehydrated and take care of yourself ? Text palang halata ng si Cathy. Natitigan ko iyon ng matagal. Ngayon ko lang narealize na hindi ko binabasa ang mga text niya. It is the first time I read it. Kusang gumalaw ang kamay ko at buksan ang phone ko at hanapin ang messages. Pinindot ko ang unknown number ni Cathy na halos ilang daan na ang unread. Bago ko pa mabuksan iyon ay kaagad ko ng ni-off ang phone ko. Wala naman siyang kwenta sa akin bakit ko babasahin? But her text made me realize that I haven't eating lunch. I looked at my watch and it's already 1:00 in the afternoon. And I think the text knows that I'm already hungry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD