Chapter 7

1635 Words
Paggising ko ng umaga namamaga ang mata ko. Hindi parin ako makamove on sa nalaman ko kahapon. Sana hindi na lang binanggit ni Andrew. He planned it all along. He's making an action na. Naiisip ko na naman tuloy kaya nararamdaman ko na naman ang bigat sa pakiramdam. Nagtungo ako sa banyo para maligo. Maggogrocery ako ngayong araw tutal kailangan ko ng distractions. Paubos na rin kasi ang stock sa bahay. Plano ko ring magbake at bibisitahin ko ang mga magulang ko tutal kailangan ko sila ngayon. Gusto ko ng comfort ng magulang ngayon. Nakasuot ako ng red sundress na pinaresan ko ng strap sandals. May dala akong maliit na white sling bag para lagayan ng wallet at cellphone ko. Niladlad ko lang ang aking buhok at nagsuot ng puting headband. Tinago ko ang lahat ng dapat itagong pasa gamit ang concealar at nagshade para hindi masyadong halata ang pamumugto ng aking mata. Hindi umuwi si Grey kagabi kaya naman 'di rin ako busy ngayon. Hindi na rin ako nag-abalang itext kung nasaan siya. Wala rin ako sa mood magtanong. Isa pa, hindi din naman niya ako rereplyan. "Saan lakad mo?" Muntikan na akong ma-out balance ng may biglang magsalita. Si Grey pala iyon na kakababa lang ng hagdan. Nakasuot na siya ng pang- office suit ngunit hindi pa ayos ang kaniyang neck tie. "Ahmm...I will go to--" "Nevermind. Come here, fix my neck tie" Tahimik lang akong sumunod. Wala akong planong magtanong about sa annulment. Alam ko namang io-open niya iyon. Hindi ko alam kung sinabi ni Andrew na alam ko na 'yong about sa annulment na ni-file niya pero wala na akong pake doon. "Okay na" pinagpag ko ng kaunti ang uniform niya bago ako lumayo. "Ingat ka. Magtrabaho ng maigi" Hindi ko siya kayang tingnan ngayon kaya naman tumalikod na ako. Narinig ko siyang nag 'tsk' bago ko naramdaman ang presensya niya sa aking likod. Pumunta ako sa aking kotse at siya naman sa kanyang kotse. Nauna siyang lumabas bago ako. Masiyado akong maaga sa mall dahil sarado pa ito kaya naisipan kong mag cafe muna sa malapit pampagaan lang ng pakiramdam. "One Ice americano and pancake please" Humanap ako ng table ko habang hinihintay ang order. Pumuwesto ako doon sa dulo. Doon sa isang mahabang parisukat na mesa na nakadikit sa glass wall at may apat na high chair. Umupo ako doon sa pinakadulo. Tinext ko si mama na pupunta ako sa kanila ngayon. Bigla itong tumawag kaya agad kong sinagot. "Hey ma" malumanay na sagot ko. "Pupunta ka talaga dito?" Excited na tanong ni mama. "Ofcourse, namimiss ko na kayo" "What time?" "Mga hapon. Diyan na din ako tutulog" "Ikaw lang ba? Ang asawa mo?" Mapait akong ngumiti. "Busy siya ma, sa susunod na lang daw po." Busy maghanap ng nawawalang mahal niya at nagmamadali ng mapawalang bisa ang aming kasal. "Okay, I understand, i miss you. I love you!" "I love you too" Bumuntong hininga ako pagkatapos ng tawag. Sakto din namang dumating 'yong order ko kaya agad din akong nagsimulang kumain. "Cathy?" Mabilis akong napatingin sa side ko nang may marinig akong tumawag sa akin. It was Andrew. "Ikaw pala Andrew." Nilibot ko ang tingin. "Anong ginagawa mo dito?" "Kakain syempre" Umupo siya sa tabi ko. Inilapag niya ang tray na may order niya. Umiling-iling na lang ako. Sabagay may point. "Kamusta ka na?" Tanong niya. Ibinalik ko ang titig sa labas kahit wala namang magandang view do'n. Mabagal kong nginuya ang aking pancake. "Magsisinungaling ako kapag sinabi kong okay ako" sagot ko pagkatapos kong lunukin ang kinakain ko. Naramdaman ko ang pagtagos ng titig niya sa akin pero pinili kong 'wag lumingon. Kasi kapag lumingon ako baka umiyak na naman ako. "May pupuntahan ka ba pagkatapos dito?" Tumango ako. "Pupunta akong mall" "Gusto mo samahan kita?" Napalingon ako kay Andrew. Sumisimsim siya ng kape habang nakatitig sa akin. "'Wag na, hindi ba't ang abogado ay busy?" Kinunutan ko siya ng noo. "Day off ko ngayon. Wala akong mapaglibangan. Tutal nakita na rin naman kita dito, samahan na lang kita. Okay lang ba sayo?" Tipid ang ngiti ni Andrew sa akin. Doon ko lang din napansin na casual lang ang suot niya ngayon. Naka V-neck shirt at jeans lang. Ang totoo niyan gusto ko mapag-isa pero nahihiya naman akong tumanggi. Isa pa, gusto ko rin siyang pasalamatan sa pagcocomfort niya sa akin kahapon. "Sige" Narinig ko siyang bumulong ng 'yes' bago kami nagpatuloy sa pagkain. "Ano nga pa lang ginagawa mo sa mall?" Tanong niya. Kakabukas lang ng mall. Kakaunti pa ang tao. "Bibili ng baking equipment at ingridients sa gagawin kong cookies. Pupunta kasi ako sa magulang ko ngayong araw" Pumasok ako sa kitchen appliances section at bumili ng ilang kailangan ko na wala sa kusina namin. "Mahilig ako sa cookies. Pwedeng igawa mo ako?" Napalingon ako kay Andrew na nakasunod lang sa akin. Nasa likod ko siya habang ako namimili ng cookie molder. "Sige, kaso hindi ko sure kung pasa sa panlasa mo. Nag-aaral pa lang ako magbake. Mas pagluluto kasi ako kaysa pagbebake. Okay lang ba?" "Oo naman. Kahit anong lasa kakainin ko basta gawa mo" Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Ngumisi lang siya bago iniwas ang tingin. Ako lang ba nakahalata? Is he hitting on me? Or assuming ako? Or baka wala namang ibig sabihin yun? Tsaka asawa ako ng kaibigan niya diba? "Okay pero hindi ngayon. May pupuntahan kasi ako. Hatid ko na lang pwede?" "Okay, no worries." Ngumisi siya bago lumapit sa akin. Tiningnan niya ang mga cookie molder at kinuha niya ang isang heart shape molder. "Heto ang shape ng cookies na ibibigay mo sa akin pwede ba?" "Why heart? May pagbibigyan ka ba?" Tutuksuhin ko sana kaso pinigilan ko lang. Oh no! Mukhang inlove ang kaibigan ng asawa ko. Akala ko pa naman tatanda itong binata. Paano ay noon pa man ay wala akong nababalitaang nagkanobya ito. Gwapo si Andrew pero hindi ko talaga siya naging type noon. Masyado kasi siyang studious, tapos medyo tahimik kaya hindi ko masyadong naging interes. "Wala naman, gusto ko lang ng heart" Tinaasan ko na lang siya ng kilay. Baka ayaw niya pag-usapan kaya shut up na lang girl. _____ Grey's PoV... "'Wag kang mawawala apo. Magtatampo talaga ako sayo" "Hindi po Lola. Promise" ngumiti ako. I'm at the office today when my grandmother call. Nire-remind niya ako sa padating ng kaniyang birthday sa Friday. "Okay, natext ko na din si Cathy. Huwag kayo mawawala oki?" "Why?" Tsk! Natandaan pa nga ang lintik. Trip ko pa namang 'wag siyang isama. Siguradong kakawala sa mood ang pagmumukha niya. Bakit kasi masyado silang close? Noon pa man ay boto na ito kay Cathy sa hindi ko malamang dahilan. "Anong why?" Nahalata ko sa boses ni Lola ang pagtataka. "Wala! Wala po. " I cleared my throat "I mean...pupunta po kami dyan." "Okay okay, love you apo muah!" Then she ended the call. Bumuntong hininga na lang ako bago tinawag ang secretary ko para sabihing lalabas muna ako. Bibili ako ng panregalo kina Lola at para pampatanggal stress na rin. Ang dami kong ginawa ngayong araw. Hinahanap ko parin si Vanessa kaya kahit saglit lang, makapag relax naman. Pagkarating ko sa mall ay kaagad akong naghanap ng maireregalo kay Lola. Pumunta ako sa female boutique, sa bilihan ng mga sapatos, at mga designer bags ngunit wala ako doong mahanap na mairegalo kay Lola. Naisipan ko muna tuloy na kumain sa food stall doon habang nagiisip ng ireregalo hanggang sa naalala kong mahilig palang magluto si Lola kaya dumiretsyo ako sa mga kitchen supplies. Naisip kong halos lahat doon ay mayroon na si Lola kaya naman naisipan kong magpapersonalize ng isang flat na sandok? Sanse ba tawag do'n? Hindi ko alam. Wala naman akong alam dyan. Pinalagyan ko ng pangalan ni Lola yo'ng handle ng sandok bago ko pinagift wrap. Magugustuhan ito ni Lola for sure. Plano ko na sanang umalis dahil yo'n lang naman ang pinunta ko kaso napadaan ako ng jewelry store. Kaagad na sumilay ang ngiti sa aking labi lalo na't naisip ko si Vanessa. Siguro ibibili ko siya ng kwintas or kaya singsing para pakakasalan ko agad siya kapag nakita ko na siya. Masaya na sana ako papasok ng jewelry store nang may mamukhaan akong pamilyar na dalawang bulto. Kaagad nawala ang ngiti ko. Lumihis ako ng daan at kunware may tiningnan sa ibang booth. If I'm not mistaken, it was Andrew and Cathy. Upang mas makumpira, I look at them again. Tama nga ang hinala ko. Kalalabas lang nila ng jewelry store. They seem happy about something. May hawak si Andrew na iilang shopping bags habang masayang kinakausap si Cathy. Hindi nila ako nakita dahil patuloy sila sa pag-uusap at nakatalikod sila, papalabas na ng mall. Imbis na panoorin sila ng matagal ay inalis ko ang tingin sa kanila. Wala na akong buhay na pumasok ng jewelry store. "Good day sir, what do you want to buy sir? Para saan po ba?" Bati ng babaeng nagbabantay doon. Imbis na sagutin siya ay naglalaro ang isipan ko kung saan habang nakatingin sa mga alahas na naandon. Naks, bilis dumamoves ni Andrew ah? Magpapabeer kaya ako? Tawagin ko kaya si John? Bigla kong naalala 'yong masayang mukha ni Cathy na tuluyang sumira ng araw ko. Kaninang umaga namamaga pa 'yang mata mo ah? Bakit ngayon sobrang saya mo na? Malandi rin talaga tsk! "Sir nahihirapan po ba kayo magdecide? Para kanino po ba--" "Maybe some other time" naiinis kong sambit doon sa babae. "Nawalan na ako ng ganang mamili" I should pick the nice necklace for my beloved Vanessa but the f**k! I can't concentrate. Masama ang loob ko hanggang makalabas ng mall. Ang plano kong magrelax ay sinira na naman ng magaling na Cathy na 'yon! Tangina! Nakakaatat ng makaalis sa puder sa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD