______________
Chapter 6: Vision
Winter's POV
Alas Singko na ng umaga, kaya naman naisipan kong mag jogging.
Suot ko ngayon ang jogging pants at isang sports bra na itim. Inipit ko ang buhok ko pataas.
Tumingin ako sa aking repleksyon sa salamin.
Napansin ko na mas lalong tumingkad ang aking buhok at kulay ng mata.
Mas naging dark green ang mata ko. Pinagmasdan ko ang itsura ko mula sa buhok hanggang sa kilay kong makapal na perpekto ang pag kakaayos, sa mahabang pilik mata at matangos kong ilong, sa namumula kong pisnge at labi. Wow. Ang ganda ko pala talaga.
Napailing nalang ako at lumabas na. Mag jojogging ako sa tarangkahan, palabas ng mansyon, mayroon kase akong secret place dito sa gubat sa likod ng aming mansyon.
Sinimulan ko ng magjog. Pinagmasdan ko ang kalangitan, Bahagyang sisikat palang ang araw kaya hindi ako naiinitan.
Kung tinatanong nyo kung may kaibigan ako? Wala. Ayoko sa mga peke at plastic, mas gugustuhin kopang mag isa nalang kesa pakisamahan ang mga ganyang tao.
And besides, I prefer doing things alone. I prefer myself. Lumaki akong independent na babae. Hindi ko kailangan ng tulong ng kahit sino except for my uncle.
I'm cold to others, it's just that, hindi ako sanay na ipakita ang totoo kong ugali.
Only uncle knows me. Sa kanya ko lang pinapakita ang pagiging makulit at pagiging isip bata.
I've mastered different techniques on fighting. Yes, pinag aral ako ni uncle ng iba't ibang uri ng pakikipaglaban. Weird.
Inisip kona lang na baka para maprotektahan ko ang sarili ko. Since, sikat syang business man maraming nagtatangka sa kanya. At baka madamay ako.
Sa pag jo jogging ko ay nakarating ako sa isang lawa rito sa gubat. Umupo ako sa bato at tumitig sa tubig.
I wonder kung alam ba ito ni uncle? Maybe yes or maybe not. Asul na asul ang kulay ng tubig sa ilalim. Weird again. Unlike sa ibang lawa dito sa pilipinas kulay green or light blue ang kulay ng tubig pero dito sa lawa sa gubat ay asul na asul. Na parang pag sumisid ka ay para kang nasa ilalim ng malawak na karagatan.
Lagi ako rito tuwing malungkot or pag bored ako sa mansyon. Hindi naman kase ako sobrang gala at hindi rin ako spoiled brat.
Tumayo ako at nag stretch ng katawan, pagsilip ko sa aking relo ay mag aalasais na.
May pasok pako, kaya naman umalis nako sa lugar na iyon.
NAKASAKAY ako sa aking skateboard papuntang school. Nasa likuran ko ang Gitara, wala akong dalang bag. Isang notebook lang at ballpen na nakalagay sa pocket ng cover ng gitara.
Maybe mabored ako sa school kaya dinala ko ito. Wala lang, trip ko lang dalhin paki nyo ba?
Nasa gate nako ng school ng harangin ako ng guard.
"Bawal ang skateboard dito bata"
"Sino may sabi? May rules ba dito na bawal mag dala ng sasakyan?"
"Sasakyan ba yan? Laruan yan e, nandito ka sa school para mag aral"
"Tanga ka kuya? Kita mo ng nakasakay ako e, ano ba tawag sa sinasakyan?"
"Aba't sinabi ng hindi pwe-
"Let her in" aniya ng isang tinig mula sa gilid.
Napalingon ako at nakita ko yung ex-girlfriend ni uncle na principal nitong school. Buti nalang hays.
"Yes ma'am"
Sabi nung guard buti nga sa kanya! Tumingin ito sakin at inasar ko sya! Ha! Look at him now! Aasta astang sya may ari ng school tss.
Iniwan kona sila don at pumunta na ng room. Good thing nasa ground floor ang room ko.
Pag tingin ko sa aking relo ay late ako ng limang minuto.
I stop in front of my room. Dahil naka bukas ang pinto at bintana ay napapatingin sakin ang lahat ng estudyanteng nasa room na nadaaan ko.
Pumasok ako sa room without minding the teacher in front tss. Wala akong paki sa kanya.
"Manners lady, go here in front and introduce yourself. You're supposed to be here yesterday and you just arrived now."
Hindi ko sya pinansin at nagpakilala sa unahan.
"Winter Kaye Arzel, 18"
Napatitig naman ako sa kanila na tila ba hinahantay na may isusunod pakong sasabihin.
Ng may biglang magtaas ng kamay.
"Yes miss aubrey?" Aniya ng aming guro.
"Did you dyed your hair? And why do you wear contact lens?" Tanong ng pakielamerang babae. Tss
"No" tanging sagot kolang.
"What do you mean?"
Stupid. Bakit ba napapaligiran ako ng mga tanga?
"Who do you think you are to ask me"
"I-im J-just A-asking"
"Tss."
Hindi kona pinansin pa ang guro at umupo ako sa tabi bintana. Hindi naman ako nasa pinaka likod, infact tatlong upuan pa ang nasa likuran ko.
Tumingin ako sa labas, halos wala ng tao sa labas ng hallway siguro dahil class hours na.
Inaantok ako, hays ang boring naman. Pinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim.
Pagmulat ko ay naka tingin pala sakin ang lahat. Nakita ko ang aming guro na masamang nakatingin sa akin.
"Are you Listening to me Miss Arzel?!"aniya habang nakataas pa ang kilay.
"No" tanging sagot ko lamang.
"Is that so? Come here in front and answer this equation and explain after." Nakangisi nyang sabi sakin.
Tsk. Tumayo ako at tinitigan ko munang mabuti ang equation na nakasulat sa board.
Una kong napansin ang formula. Tsk mali mali, teacher ba ito?
Ang subject namin ngayon is Genmath. At ang topic ay Quadratic Formula? Sa pagkaka alam ko ay ABM ang course ko at hindi STEM kase itong topic na ito ay pang engineer.
"Tatayo kana lang ba jan miss arzel?"
"Ma'am baka hindi nya alam ang sagot"
"Yan kase hindi nakikinig kala mo kung sino"
"Puro yabang lang naman pala ang alam"
Bulungan ng iba kopang kaklase. Agad ko silang sinamaan ng tingin. Tssk, let's see kung may masabi kayo after kong sagutan to.
Lumapit ako sa board at kinuha ang white marker.
Inumpisahan kong burahin lahat maliban sa given equation.
Binago ko ang formula at agad sinagutan. Pinili kopa yung long method para naman maipamukha ko sa kanilang hindi ako bobo!
Pagtapos ko ay nakatanga silang lahat! Ha! Serves you right.
"Do you want me to elaborate?"
Wala silang naging sagot kaya naman inexplain kona.
"The given equation is Quadratic Formula, first i want to ask why this topic includes on our lesson? Because this topic is for engineer and as far as i know ABM is my course not STEM. "
"Anyway, let's proceed. The formula is Negative b plus minus square root of b² minus four ac over two a."
"Your formula ma'am is wrong, this is the right formula. Substitute only the given numbers on the formula and proceed to solution."
"That's all you need to do. We're not kids anymore and besides this topic discussed when we are in Grade 9, don't tell me you didn't know that?"
Nakatulala lang sila sakin after ko ipaliwanag yung equation. Pinaliwanag ko pa step by step parang elementary lang e.
Sakto naman nagbell kaya lumabas nako ng room. Tinatamad nakong pumasok sa second subject ko.
Kaya naman naisipan kong tumambay nalang sa garden ng school.
Pagdating ko ay agad akong lumapit sa isang puno, at agad tumingala. Mahirap na, baka maiputan na naman ako.
Umupo ako sa malaking ugat ng puno, at kinuha ang gitara.
Tinipa tipa ko ang gitara para ma check kung nasa tono ba. At ng makuntento ako ay agad akong tumugtog ng kanta.
I close my eyes and i can see the world that's waiting up for me
That i call my own
Through the dark, through the door
Through where no one's been before
But it feels like home
They can say, they can say
It all sound's crazy
They can say, they can say
I've lost my mind
I don't care, i don't care
So call me crazy
We can lived in world that we design
Cause every night i lie in bed
The brightest colors fills my head
A million dreams are keeping me awake
I think of what the world could be
A vision of the one i see.
A million dreams it's all it's gonna take a million dreams for the world we're gonna make
Napatigil ako sa pagkanta ng may nakita akong imahe sa aking isipan.
Imahe ni uncle na mabubunggo ang sinasakyan nyang kotse.
Napamulat ako bigla at agad na tumayo, niligpit ko ang gamit at nagmamadaling tumakbo.
Tangina anong ibig sabihin non?
________________
Don't forget to vote and leave a comments