Chapter 7

1128 Words
Chapter 7 : Scared NAGLALABASAN ang mga studyante sa kanilang room sapagkat ito ay oras na ng pananghalian. Sa gitna ng pagkakaguluhan at paguunahan ay agaw pansin ang isang babae na nagmamadali. "MGA PUTANG INA NYO!! TUMABI KAYO SA DAAN AT NAGMAMADALI AKO!!" Isang napakalakas na sigaw ang nagpatahimik sa kanila, "ANO PANG TINUTUNGA TUNGANGA NYO JAN?! TUMABI KAYO SA DAAN KUNG AYAW NYONG MABUGBOG AT SA HOSPITAL ANG BAGSAK NYO!" Agad na nagsihawian ang mga studyante at nagbigay daan sa dalagang animo'y ano mang oras ay mananapak na. Nagmamadaling umalis ang isang babae na sakay ng skate board. Nang biglang humarang ang isang lalaki sa daanan nito. Inis itong tinignan ng babae at agad sinamaan ng tingin. "TANGINA MO NO?! HINDI MOBA NARINIG ANG SINABI KO?!" sigaw ng babae kahit na nasa harap nya lang ang lalaki. Inis na inis na ito at anumang oras ay baka hindi na ito makapagtimpi pa at mabugbog nya ang apat na lalaking humarang sa daan. "Umayos ka babae! Wag kang umastang siga rito! Hindi mo ito teritoryo!" "Pakihanap ng paki ko!" "Aba't ang tapang mo talaga! Hindi pa namin nakakalimutan ang ginawa mo sa aming pinuno" "For the Shitsake! Kung ano mang problema mo i will deal it later ok? Umalis ka sa daanan ko at baka masuntok pa kita" Mahinahon ngunit may pagbabantang sabi ng dalaga sa kaharap na lalaki. Akmang lalampasan na ito ng babae ng hawakan ito sa kanyang palapulsuhan ng isang lalaki. "Saan ka Pupunta Hindi pa Tap- Hindi na nakatapos sa pagsasalita ang isang lalaki dahil sa natamong malakas na suntok ng babae sa kanya. Agad naman itong nahimatay sapagkat sadyang malakas nga sumuntok ang babae. Tinignan nya pa ng masamang masama ang mga kasamahan nitong mga lalaki. "ANO?! GULO BA HANAP NYO?! PUTA TARA OH! TANGINA AYAW NYO MADAAN SA MAAYOS NA USAPAN PWES DAANIN SA SUNTUKAN" Inis na inis na sigaw ng babae sa mga ito. Kaya naman agad sumugod ang isa at akma ng susuntukin ng magpakawala ng suntok sa mukha ang babae rito. Sinutok nya pa sa tyan ng isang beses at sinipa sa tuhod para hindi makalakad. Naramdaman nyang may humila sa kanya buhok kaya naman binitiwan ng dalaga ang hawak na lalaki at hinarap ang humila sa kanyang buhok. Sinuntok sya nito ngunit agad nya itong inilagan at hinuli ang kamao at pinilipit. Agad nya itong binalibag at sinunod ang isa na papasugod palang sa kanya. Inip na inip na sya kaya naman halos lahat ng nararamdang pagkainip nya ay binuhos nya sa panghuling lalaki. Sinapak nya at sinuntok sa mukha ng sunod sunod. Binitiwan nya ito ng makuntento sya. Tinignan nya pa ang mga ito. "Sa susunod na sagadin nyo ang pasensya ko, hindi lang yan ang aabutin nyo sakin!" Aniya nito at agad binaling ang tingin sa mga studyanteng nakakasaksi sa kanila. Binigyan nya ang mga ito ng nakakamamatay na tingin tila nagsasabing "mess with me and i will mess with your f*****g useless shitty life" Agad namang tumalikod ang dalaga ng may maalala ito. s**t! Si uncle! Agad syang sumakay sa skate board at iniwan ang mga taong nakakanganga. "Girl nakakatakot pala talaga sya e" "Kaya nga e, buti nalang hindi naten yan binully kung hindi tayo ang dehado" "Usap usapan binugbog nya si queen at yung sigang roy dito sa school" "Astig! I like her attitude na" "Cool! Ang tapang nya" "Balita ko nga e, napahiya yung Genmath teacher nila" "Oh? Talaga?! Bakit daw?" "Oo sabi nung friend ko na kaklase nya, napahiya kase tinama nya yung mistake nung teacher at sya nag explain, sabi pa nga e pang engineer yung tinuturo e ABM sila hindi naman STEM" "Wahh! Ang astig nya talaga" "Idol ko na sya." Hindi na narinig pang muli ng dalaga ang bulungan ng mga ito sapagkat nakalayo na sya sa mga ito. SA ISANG MANSYON, papaalis palang ang isang lalaki na nasa edad trenta'y tres. "Nakaayos naba ang lahat?" Tanong nito sa mga kasambahay at driver nito. Papunta syang airport dahil patungo syang Ibang bansa para sa business trip na dadaluhan. Akma syang sasakay ng biglang sumakit ang ulo nya, napahawak sya dito at agad na kumuha ng lakas sa pintuang kanyang hawak hawak. "Uncle wag kang aalis please, hintayin moko" Nagulat nalang sya ng marinig ang boses ni winter sa kanyang isipin. Sa isip isip nito ay " H-how?! Gumagana na ba ang kanyang abilidad?" Lumapit dito ang kanyang driver. "Sir, ayos lang po ba kayo?" Tanong nito sa kanya. "I'm fine, i just need to rest a bit, cancel all my appointments today, tell to my secretary to cancel as well the business trip, i just have something to do." Aniya nito sa kanyang driver. Papaikot na sana sya pabalik ng mansyon ng matanaw nya si winter na sakay sakay ng kanyang skate board. Pasaway talaga, sinabihan ko ng delikado ang pag gamit nyan e. "Uncle!!" Sigaw nito habang papalapit sa kanyang direksyon, nagulat na lamang sya ng makalapit ito at agad Syang niyakap ng mahigpit at doon bumuhos ang mga luha ni winter na kanina nya pa pinipigilan. "U-uncle W-wag K-kanang umalis,P-please? D-dito kana lang muna, N-namiss kong M-makipag B-bonding sayo e." Ani ng winter sa kanya habang yakap yakap sya ng mahigpit na tila ba ay takot na takot. Agad nya naman itong niyakap pabalik, at hinimas ang buhok nito. "Shh, wag kanang umiyak, tahan na hindi na aalis si uncle ok? Dito lang ako sa tabi mo at hindi ka iiwan ok? Wag kanang umiyak,papangit ka nyan gusto mo ba yon?" Ani nito sa kanyang pamangkin upang tumahan na. "Kung ano man ang dahilan ng takot at pagluha mo nandito lang ako hindi kita iiwan, dahil anak na ang turing ko sayo. Nangako akong palalakihin kita ng ayos at mamahalin, at iingatan't babantayan. Gagawin koto hindi dahil sa pangako bagkus sa kadahilanang mahal kita, anak ko." Aniya ng lalaki sa kanyang isipan, nais nya itong isatinig ngunit ayaw nyang masira ang moment nila.minsan lang maging ganto ka sweet si winter. Kaya naman lulubos lubusin na nya ito. Bihira lang umiyak si winter, dahil para sa kanya mahina ang umiiyak. Ngunit sa pagkakataong ito ay tila naging mahina sya, Ang kanyang Uncle nalang ang natitirang pamilya nya,kaya naman sobrang mahal nya ito, pinangako nya na poprotektahan ito kahit anong mangyari. Kanina habang pauwi ay nilukob ng matinding takot ang kanyang sistema, takot syang tuluyang mag isa mamuhay. Takot syang maiwang mag isa at mawala ang taong umuruga sa kanya. "Mess with me and i will mess with your f*****g shitty useless life" ____________ Halo Arzelianians! Good day so how's chapter 7? Don't forget to vote and leave comments ayt?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD