Sakura Yuki POV...
Nandito ako sa palasyo ni Shunrei at tama nga siya tanggap ako ng mga magulang niya. Kabaligtaran daw ako sa fiance niya.
Maaga akong nagising at gusto kong tumulong sa palasyo. May naisip ako pumunta ako sa Kitchen at nakita ko si Chef Kian doon.
"Good Morning po, may maitutulong po ba ako dito?" Sabi ko sa kanya.
"Young Lady, okey lang. Wala ng kinakailangan dito." Sabi niya.
Napatango nalang ako. Nagpaalam nako sa kanya tinulungan ko nalang ang mga maid sa pagserve ng plate. Kahit yun lang.
Natapos na at wala nang kailangang gawin dito sa palasyo. Nakakabored.... ah! Si shunrei kailangan ng gisingin.
Pumunta ako sa kwarto niya ng makita ko ang mga maid doon na kumakatok.
"Prince Shunrei, gising na po." Sabi nung maid.
"Anong nangyari?" Sabi ko.
"Ah ikaw..." nagsign akong wag lakasan ang boses.
"Ayaw po niyang buksan. Nakalock po kasi eh." Sabi nung maid. Napatango ako.
"Sige na ako ng gigising sa kanya." Sabi ko at nagpasalamat sila at umalis na.
Kinuha ko ang susi sa bulsa ko at binuksan ko ang pinto ng hindi niya nalalaman.
Lumapit ako sa higaan niya at ayun nakataklob ng unan sa tenga niya.
Umupo ako sa higaan niya at hinawakan ang mukha niya. Bakit ba kasi ako nainlove sayo ang gwapo talaga ng Prinsipe na toh. Napakamaamo ng mukha niya kapag natutulog.
Bigla nalang niyang hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa mukha niya. At niyakap niya ito.
"Prince Shunrei, gising na." Sabi ko bigla nalang niyang binitawan at tumalikod. Nako naman po binabawi ko na ang sinabi ko.
Parang bata talaga toh oh.
"Mahal, gising na." Paglalambing ko. Bigla siyang humarap saakin at nabigla ako ng pinahiga niya ako ng niyakap ng mahigpit.
"Good Morning mahal." Sabi niya nanindigan ang balahibo ko sa katawan ko ng amoy amoyin niya ang buhok ko.
"M-mahal.." ako
"Ang bango mo talaga." Sabi niya.
Niyakap niya ako kaya nakaharap ako sa dibdib niya.
"Mahal, tayo na tayo." Sabi ko. No choice siya tumayo na ako kaya tumayo na din siya.
"Maaga pa mahal." Sabi niya. Tumayo ako at inilahad ang kamay niya.
"Tayo na. Maligo ka na." Sabi ko at parang bata naman siyang tumayo at itinaas ang kamay niya.
"Anong ginagawa mo?" Ako
"Hubadan mo ko." Sahi niya. Nanlaki ang mata ko.
"Ano ka ba!" Sabi ko sabay tulak sa kanya sa loob ng CR.
"Hahahaha. Balang araw makikita mo rin ito." tawa niya at ayun pumasok na sa ce.
Ang pula ng mukha ko. Nakalabas na siya ng Cr at ako na ang umayos sa damit niya siya sa baba ha.
"Tayo na." Sabi niya bigla niyang hinawakan ang kamay ko at lumabas na.
Nakarating kami sa Dining. Nandun na ang Hari at Reyna.
"Magandang umaga po." Bati ko.
"Magandang umaga din sa inyo." Sabi nila.
Umupo na si Shunrei sa upuan at ako naman sa tabi niya. Feel at home daw ako dito sabi nila.
"Anak, mamaya may bisita tayo at yun ang Prinsipe ng South Kingdom na si Prince Yuno." Sabi ng Hari. Napahinto ako sa pagkain. South Kingdom... palasyo namin.
"Ano naman ang kailangan nila saatin." Sabi ni Shunrei.
"Ayon sa nalaman namin. Sinasabi daw na buhay ang kapatid niya." Sabi ng hari.
Napatayo siya.
"Buhay si Yuri?" Biglang sabi ni Shunrei. Di ko alam kung sasaya ako o malulungkot. Sino kaya ang pipiliin ni Shunrei? Ako o yung Yuri na ako pa din.
Bago ko sabihin sa kanya ang lahat aalamin ko kung sino talaga ang pipiliin niya.
"Yan ang nalaman namin. Pero di pa sure kaya tutulungan natin ang prinsipe para mahanap ang kapatid niya." Sabi ng Hari.
Nag aalala ako baka si Yuri ang pipiliin niya masakit din saakin yun noh. Nagseselos ako sa sarili ko. -____-#
*****
Sinabi ko kay Shunrei na mamamasyal muna ako sa bayan. Wala lang gusto ko lang mamasyal nakakabored sa palasyo di man lang nila kailang an ng tulong ko. Guest daw ako dun hindi katulong kagaya noon.
Si Shunrei naman ayun nasa Palasyo maraming ginagawa. Di ko sinabi sa kanya na pumunta ako ng bayan kasi alam niyo na sasama yun at ayoko namang makakasira ako sa trabaho niya sa palasyo.
Nakarating nako sa bayan at first time kong nakita ito. Remember Palasyo, School at Mall lang kaya ako. Napalakad ako maraming tao. May nakita akong isang store ng mga espada.
Kaya sa mahilig ako sa espada pumasok ako sa loob.
Woah! Ang dami!
Pero nakuha ko sa attraction ko ay yung isang katana na kulay pula.
"Maganda siya noh?" Sabi nung may babae.
Mukhang siya ang may ari nito.
"Alam mo ba yang katana na yan ay galing pa yan sa South Kingdom at yan ang ginamit ng Hari para mapugsa ang mga kalaban noon." Sabi niya. Wow! Kaharian namin galing?
"Mukhang bago ka dito ha. Okey ipapaliwanag ko sayo kung bakit pula ang kulay ng Espada na yan. Dahil nagsisimbolo ito ng Digmaan at Pag ibig. Sa North ay Blue nagsisimbolo ng Dagat at Langit, West naman ay Yellow nagsisimbolo ng Araw, at sa East naman ay Green nagsisimbolo sa Paligiran." Sabi nung babae. Grabe ang talino niya.
"Gusto mo sayo na yan." Sabi niya. Napanganga ako. Bakit saakin?
"Bigay ko na yan sayo." Sabi niya sabay bigay saakin. Mukhang mabigat nga sa kanya ang espada kaya nung paghawak ko di naman eh.
"Tama nga ako isa ka sa mga Royals ng South Kingdom." Sabi niya.
Nanlaki ang mata ko.
"Wag kang mag aalala safe ang secret mo saakin." Sabi niya.
May pinindot siya sa espada at biglang nawala ang blade ng sword.
"Yan para di ka makasakit. Parang pampalo lang noh. Ilagay mo yan sa bewang mo." Sabi niya.
"Bakit mo ito ginagawa?" Sabi ko.
"Dahil alam ko na malaki ang maitutulong mo para maligtas ang boung palasyo kung sino man ang sumakop." Sabi niya. Weh?
"Mahina lang ako." Sabi ko.
"Hindi ka mahina.... nasa dugo niyo ang maging malakas. Kaya don't worry sundin mo lang ang puso mo. Makukuha mo ang victory. " sabi niya.
At tumango nalang ako.
"Salamat po." Sabi ko at umalis na doon.
Kakaiba siya ha.
Naglibot libot pa ako dito ng may nakita akong mga lalaking mukhang mga nakadrugs.
"Oh, nasaan na ang pera namin." Sabi nung lalaki.
"W-wala pa po kaming nabebenta. Mahina pa ngayon." Sabi nung matandang lalaki.
"Anong wala! Ngayon ang gusto namin!" Sigaw nung lalaki.
At bigla nalang binugbog ang lalaki. Nakita ko naman nagsitaguan ang mga tao doon.
Wala man lang tumulong?
Nakakita ako ng bato kaya kinuha ko yun at tinapon sa lalaki at ayun natamaan sa ulo.
"#Headshot!" Nakangiting sabi ko.... wait bakit ko yun nagawa.
Nasa dugo mo ang isang royal kaya sundin mo ang puso mo para may di ka kabahan.
"Ikaw ang tumapon saakin nun!" Sigaw nung lalaki.
"Obvious naman diba? Sino pa ang nandito ngayon? Diba ako lang." Sabi ko sabay tingin sa kanila.
"Ikaw!" Sigaw nung lalaki. At inilabas ang espada.
Ang masasabi ko lang....
"Patay."
***********
LMCD