Chapter 14

1157 Words
Sakura POV... "Patay!" Mahina kong sabi. At sumugod na sila. Sundin ang puso.... Napailag ako sa suntok nila. Paano! Biglang nagslowmo ang nangyayari kaya ilag ilag lang ako. May espada pa ha. Sinipa ako ang pagmumukha nung guy at sumakay sa balikat niya at nagpatumba ako at nagthumling ako sabay sipa sa likod. "Sino ka ba!" Sigaw nung lalaki. "Simula ngayon.... ako ang tagapagtanggol ng bayan na ito." Sabi ko. Nakaramdam ako ng pana kaya nahawakan ko yun at itinapon yun sa lalaking pumana saakin mabuti di ko itinama sa mukha niya kung hindi goodbye eyes siya. "Alis na tayo dito!" Sabi nung lalaki at nagsialisan na sila. Napalapit ako sa matandang lalaki kanina na binugbog nila. "Okey lang po ba kayo?" Sabi ko sabay pinatayo siya at pianupo sa upuan. "Salamat iha." Sabi nung matanda. "Sigurado akong maghahanap yun ng kakampi at babalikan ka dito. Saan ka ba galing iha?" Sabi nung matanda. "Ah? Galing po ako sa palasyo. Namamasyal po ako nakita ko po kayo na pinagtutulungan ng mga lalaking yun kaya ayun." Sabi ko. "Isa ka bang Royal? Sa bilis mong gumalaw nakaya mo yun." sabi nung babae. "Hindi po. Kaibigan lang po ako ng Prinsipe." Sabi ko. Nabigla ang lahat kasi may nagbell at mukhang galing yun sa palasyo. "Anong nangyayari?" Sabi ko. "Ngayon lang ulit ito nangyari mukhang may nawawala sa palasyo." Sabi ng isang babae. Patay baka hinahanap ako ni Shunrei. Grabe kaya mag alala yun. Mamaya na yun... Gagamutin ko muna si Lolo. Kumuha ako ng malinis na tubig at kinuha ko ang panyo ko. "Lilinisin po natin sugat niyo." Sabi ko at pinunasan ang sugat niya. At ng matapos na. "Salamat iha." Sabi nung matanda. "Wala po yun." Sabi ko at tumayo na. 'Nandito ang prinsipe!' Sigaw nung lalaki at nagbow naman sila lahat. Grabe ganito ba sinasamba ang mga Royals ayoko ng ganito noh. Pinaluhod naman ako ng matanda. Naramdaman kong bumaba si Shunrei sa Kabayo niya may mga backup pa na mga Guards. "Nakakita ba kayo ng babae dito na bago sa paningin niyo." Sabi niya. Patay hinahanap niya ako. "Patay ako neto." Sabi ko. Napatayo ako at napakamot sa batok. "Hi." Sabi ko nanlaki ang mata ni Shunrei at tumakbo siya papunta saakin at niyakap ako. "Saan ka ba galing? Nag aalala ako sayo." Sabi niya at ang higpit ng yakap niya. "Ah eh... namamasyal lang ako. Wag kang O.A " sabi ko at humiwalay naman siya saakin. "Wag kang umalis ng basta basta. Nag aalala naman ako sayo eh." Sabi niya. "Ayokong makaestorbo sayo." Sabi ko nakita ko naman si lolo na nahihirapan na sapag yuko. May sugat pa kaya siya. "lolo, tumayo po kayo. Nahihirapan na po kayo sa posisyon niyo." Sabi ko. At mukhang ayaw niya. Bigay galang daw yun. Tiningnan ko si Shunrei. "Tumayo po kayo." Sabi ni Shunrei at tumayo naman ang matanda. Grabe nanguutos pa toh oh. Sinuntok ko yung tiyan niya kahit mahina yun O.A lang siya. "Ouch. Bakit?" Sabi niya. "Nakita mo nang may sugat si Lolo di mo pa tinulungan." Sabi ko at tiningnan si Lolo. "Lolo, linisin niyo ang sugat niyo 3× a day para madaling gumalin. Kung dadating uli sila magpatunog po kayo ng ingay para marinig ko po okey?" Sabi ko. Tumango ang lolo. "Paalam po." Sabi ko at tumalikod di ko pinansin ang isa. Bahala siya sa life niya. "Sakura." tawag niya at lumakad na ako. Sinundan naman niya ako. Malayo layo na kami ng hawakan niya kamay ko. "Sorry na. Mahal." Sabi niya. "Hmmp!" Ako. "Di ko alam kaya please sorry na." Sabi niya. "Okey apology accepted." Sabi ko. "Wait mahal anong ibig sabihin mong may mga sasakop ulit doon. May mga rebel ba doon?" Sabi niya. Tumango ako. "Oo mukhang kinukuha nila ang pera ng bayan kaya...." di ko sasabihin sa kanya ang nangyari. "Ginamitan ko ng kacutan ko kaya ayun umalis." Sabi ko mukhang nagulat naman siya at mukhang nagseselos. "D*mn! Humanda yung mga rebels na yun." Sabi niya sabay alis. Alright! Hahaha sarap inisin. ****** Nandito ako sa kwarto ko. Ngayon dadating si Prince Yuno. Kinakabahan ako di ko pa siya nakikita. Gusto ko makita ang kuya ko. Nagbihis ako ng pangmaid. Okey din toh! At iniba ko ang buhok ko then lagay ng salamin sa mata at wala! Maid nako. Lumabas ako ng kwarto ko walang tao kaya duniretso ako papunta ng kusina at magseserve kuno ng Wines sa guest. Kinuha ko ang Wines at lumabas oh my daming bisita. "Ngayon nandito ang prinsipe ng South Kingdom. Prince Yuno." Sabi nung lalaki. At pumunta naman siya sa harap. Wait.... familyar siya. Siya yung sinundan ko sa mall yung kasama namin ni Shunrei ang kambal yung kakabili ko ng kwintas then nakita ko siya kaya sinundan ko. Pero biglang nawala. Siya si Kuya Yuno. Kaya pala familyar ang mukha niya. Nagseserve lang ako sa mga guest. Nang mapansin kong lumabas siya mukhang magpapahangin. Nakita ko rin si Shunrei na nakikipag usap sa mga bisita. Di naman niya ako napansin kaya lumabas ako sinundan si Kuya Yuno. Nakaupo siya sa bench doon may mga guard sa paligid. Kaya nagmamasid lang ako sa kanya. "Mahal kong kapatid, pasensya na at ngayon lang ako nakaalala. Promise ko sayo sasabihin ko din sayo na ako toh si Yuri ang kapatid mo. Pero di pa ngayon." Mahina kong sabi. At tumayo nako maglalakad sana ako ng may tumawag saakin. "Maid..." napatingin ako tinawag ako ni Prince Yuno. Patay. Lumakad ako hanggang makarating sa kung saan siya nakaupo. "M-may kailangan po ba kayo, Your Highness?" Sabi ko sa kanya. Grabe nakita ko siya sa malapitan. Ang gwapo ng kapatid ko. Kapatid ko nga siya maganda ako eh. "Nothing. Gusto ko lang ng kausap." Sabi niya. Napatingin ako sa wine niya parang may kakaiba. Kinuha niya at iinumin sana ng bigla ko itong kinuha. May lason! Bakit ganito ang pantingin ko madali akong makakita ng kakaiba. "Bakit." Siya. "Uhmmm.... ano kasi may madumi. Kukuha lang ako ng bago." Sabi ko. Tatayo sana ako ng hawakan niya wrist ko. "I know there something na hindi ko alam." Sabi niya. Humarap ako sa kanya at tiningnan niya ang wine na hawak ko. "Oh I see... thank you at nakita mo." Sabi niya. Nakikita niya rin? "Nakikita niyo rin? Paano?" Sabi ko. "I'm a Royal. ikaw bakit mo nakita?" Siya. Anong sasabihin ko? "Nagstastudy ako tungkol sa Poison kaya nalaman ko na poison ang nakalagay sa Baso." Sabi ko. Oh great palusot. "I see. Once again thank you for saving my life." Sabi niya. "Wala po yun." Sabi ko at tumakbo nako ng nadapa ako. Stupid me. "Hahahaha... okey lang po ako." Sabi ko sabay tayo at tumakbo. Kailangan kong malaman kung sino ang naglagay neto. Pumunta ako sa kusina at sumilip ako doon may naririnig akong naguusapan "So ano... nabigay mo na ba?" Sabi nung lalaki sa Waitress. Tumango ang waitress at mukhang di niya ito nagugustuhang gawin. #ActingStyle. Pumasok ako habang may hawak na mga baso. "Phew, nakakapagod naman." Sabi ko. Nakita ko ang pagkabigla nung lalaki tatandaan ko mukha mo. "A-ayusin mo trabaho mo." Sabi nung lalaki sa babae. "O-opo." Sabi nung waitress. At umalis na yung lalaki. "Okey ka lang?" Sabi ko. Tiningnan niya ako ng masama at umalis na. Wow lang strict si ate. Pero yung lalaking yun. Di ko pa siya nakikita dito sa palasyo baka isa siya sa mga Bisita o kasama siya ni Prince Yuno papunta dito. Bakit naman niya gustong patayin si Kuya. Yan ang aalamin ko. ********* LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD