Chapter 12

943 Words
Sakura Yuki POV... Nandito kami sa mall magdedate sana kami ni Shunrei pero sa kasamaang palad walang bantay ang dalawang kapatid ko. Kaya heto dala dala ko sila dito sa mall. "Ate, sino naman yung pinunta natin dito?" Sabi ni Hikaro. Anong sasabihin ko?! "Uhmm ano..." anong sasabihin ko? "Mahal!" Patay. Napatingin ang dalawang kambal sa sumigaw. "Grabe ate ang sweet naman yung lalaki." Sabi ni Hikari. "I think papunta siya sa atin." Sabi ni Hikaro at bigla nalang may yumakap saakin sa likod. "Mabuti nandito ka na mahal." Sabi niya. Nanlaki ang mata nung dalawa. "Hehehe... pasensya natagalan kami." Sabi ko alam naman kasi niya na dala ko ang dalawa. "Ate, Isang prinsipe!!" Kumikinang ang mata ni Hikari. Napatingin si Shunrei saakin. "Mahilig si Hikari sa Fantasy kaya nasabi niya yun." Sabi ko. Bigla nalang siyang ngumiti. "Hello, I'm Shunrei... your Hikari right?" Sabi niya tumango naman si Hikari at biglang niyakap si Shunrei. Kaya no choice binuhat nalang niya si Hikari. Napansin ko naman si Hikaro na nakahawak sa damit ko. "Oh, your hikaro. Nice meet you Boy." Sabi ni Shunrei. Mukhang kuminang din ang mata ni Hikaro. Natawa nalang ako. At mukhang gustong magpabuhat kaya binuhat ko na. "Mukhang whole family tayo. Hehehe." Sabi ni Hikari. Matagal nang pangarap ng kapatid ko na magkaroon ng Whole Family mukhang makakatulong toh sa kanila. "Okey, simula ngayon ako muna ang Dad niyo at si Mahal ang Mom niyo. Okey ba?" Sabi ni Shunrei. "Yehey!" Sabi nila. Napangiti nalang kami at hinawakan ni Shunrei ang kamay ko. "Let's go." Sabi niya at tumango ako at pumunta kami sa Jollibee. Habang kumakain... "Dad, bakit po mahal ang tawag niyo sa kanya?" Hikari. Patay nakisakay sa plano ni Shunrei. "Kasi Mahal ko siya." Sabi niya. "Kailan kayo nagkakilala ni Mom?" Sabi ni Hikaro. "Ganito kasi yun... ako ang sinisilbihan ng Mom niyo nung nagtatrabaho siya nung di niyo siya kasama." Sabi niya. "Woah! Talaga? So nagkadevelopan kayo. Ang sweet!" Hikari. "Mom, alam ba ito nila kuya?" Hikari. Umiling ako. "Sasabihin ko sa kanila bukas." ako. "So, pupunta ka sa bahay bukas dad?!" Hikari. Tumango naman si Shunrei. Kinakabahan ako baka di siya tatanggapin nila Kuya. Di ko muna iisipin yun. Ang sa ngayon sasaya muna kami. Namamasyal kami, naglalaro, bumili ng pagkain at gasto po yun lahat ni Shunrei. Siya nag sabi eh. Nagpahinga ang tatlo sa bench at sinabihan ko sila na pumunta muna ako ng Rest Room. Naglalakad ako ng may napansin akong isang bagay na kumikinang. Isang kwintas. Nilapitan ko iyon kaparehas ng kwintas ko nung si Yuri pa ako. Naalala ko pa ito di ko man nasabi sa inyo pero may kwintas ako na si Mama ang nag bigay. Alam ko yan yung kwintas ko. "Magkano yan?" Sabi ko sa tindera. "45,000 po."  What the! Ang mahal naman! Sabagay totoo naman ang bato jan. Paalam na 45,000! Binigay ko ang credit card ko sa tindera at binigay na saakin ang kwintas. "I miss this." Niyakap ko ito. Inilagay ko sa leeg ko ang kwintas at itinago sa loob ng damit ko. Naglalakad sana ako ng may napansin akong lalaki. Parang familyar siya. Sinundan ko ito hanggang sa nawala sa paningin ko. Nasaan na yun? Kakaiba familyar siya ha. Aish nevermind nalang. Bumalik nako sa kung saan ang tatlo. Tulog na ang dalawa at si Shunrei ayun nakaupo lang. "Natagalan ka mahal." Sabi ni Shunrei. "Oo eh. Daming tao doon." Sabi ko. Niyakap naman niya ako sa bewang. "Namiss agad kita." Sabi niya. Napangiti nalang ako at hinalikan siya sa pisnge. "Ikaw ha." Sabi niya. Napangiti ako at niyakap siya. "Gabi na uwi na tayo." Sabi ko. "Okey." Sabi niya at inalsa ang dalawa. Nakarating kami sa sasakyan at inilagay ang dalawa sa likod at magkatabi kami sa harapan. Nakakapagod. Napapikit nalang ako dahil sa antok. Pagkagising ko nasa kwarto nako. Wait... nasaan si Shunrei? Umuwi na ba? Agad akong lumabas ng kwarto ko kahit di pa nanunuklay. Pagbaba ko nakita ko si Kuya Yono na naglalakad. "Good Morning Si.... oh? Tinakasan ka ba ng suklay ngayon?" Sabi niya sabay tingin sa buhok ko. "Kuya naman eh!" Sabi ko inayos naman ni kuya ang buhok ko. "Ano ba tong kapatid ko nagpababy pa eh. Gusto pa na ako ang magsuklay sa kanya." Sabi niya. "Pfft." Napatingin ako sa gilid ko nandun si..... "Shunrei!" Gulat kong sabi sabay lapit sa kanya. Hinawakan mukha niya. Di nga!! Siya nga ito! At nakita niya akong sinusuklayan ni Kuya Yono. Nakakahiya! "Oh, bakit di mo pinakilala saamin ang bisita mo. Baby Girl?" Naloko na! Sinamaan ko ng tingin si Kuya Yono. "Oo nga. Di man lang kami Updated sa nangyayari sa buhay ng Sister namin." Lumabas naman si Kuya Kei sa gilid. "Mabuti pa kami alam na namin. Hehehe!" Sabay sabi ng dalawang kambal sa gilid ko. "Mamaya na tayong magusap. Magbihis ka nga doon" sabi ni Kuya kei. Napatakbo ako papuntang Kwarto. Nako po close na agad sila? ***** Lumabas nako at mukhang nandun sila sa Dining Room. "Hahahahahaha!! Talaga? Sinuntok niya yung kaklase niya nung Kinder pa siya." Narinig ko lang naman ang boses ni Shunrei. Agad akong napatakbo sa Dining Room. "Kuya naman eh!" Sita ko. "Oh nandito na pala siya. Umupo ka sa tabi ni Pareng Shunrei." Sabi ni Kuya kei. Umupo naman ako nakayuko ako dahil sa hiya. "Ilan na ba ang bf ni Mahal." Shunrei. Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. "Wala. At ikaw ang una. Bitter kasi toh eh akala namin di na magsosyota." Sabi ni Kuya Yono. Napansin ko sa ilalim ng mesa hinawakan niya kamay ko. Lublublublub... "Uhmm... mga Kuya. Pwede ko bang mahingi ang permiso niyo." Sabi niya. Napatingin ako kina kuya. "Wala na kaming magagawa. Malakas ang tama sayo ng kapatid namin. Pero sana wag mo siyang sasaktan kasi kami ang makakaharap mo. Okey ba shunrei?" Sabi ni Kuya Yono. "Opo." Sabi niya. Nginitian naman ako ni Shunrei. "So payag na sila. Tayo na ha." Sabi niya. Tumango nalang ako. Hanggang sa nakatapos ang Semester, summer na at kailangan ko nang magtransfer sa Royal University kung saan ako nagaral noon kasama sina Shunrei. ********* LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD