Sobrang saya niya nang malaman na nakauwi na pala sa pilipinas si Ivan. Matagal niya na itong hindi nakikita dahil nga naging busy ito sa pagha-handle ng company nila.
May plano sila nila Yessha, Olivia at Ivy mag BGC mamaya para gumimik at sure siya na kasama rin si Ivan dahil nandito ang magulang nila at hindi papayagan si Ivy kong hindi kasama ang kuya nito.
Naghanda na siya ng isusuot niya mamayang gabi at nang matapos humiga muna siya sa kama at nag-scroll sa i********:.
Napangiti naman siya nang makita na may bagong story si Ivan. Pinindot niya 'yon at nakita niya ang picture nito, para ba itong modelo dahil sa sobrang guwapo pati na rin ang fit ng katawan nito, halata na alagang-alaga sa katawan at laging nag-wo-workout.
Pinindot niya naman ang profile nito para tumingin ulit ng mga picture ng binata pero naglaho ang ngiti sa labi niya nang makita ang recent post nito.
It's a picture of Ivan with a girl, they are both smiling and look happy.
'1 month with you.'
Halos mabitawan niya ang kaniyang cellphone sa nakita. Kong nakatayo lang siya ngayon paniguradong bumagsak na siya.
Hindi niya alam kong ano ba dapat ang ire-react, kong ano ba dapat ang tamang gawin.
Masakit para sa kaniya, alam niya namang wala siyang karapatan dahil wala naman silang relasyon ni Ivan.
Siya lang naman ang may gusto rito at patuloy lang ang nararamdaman niya. Kahit noong umamin siya rito at ni-reject siya nito? Hindi pa rin tumigil ang pagmamahal niya sa binata.
Habang tumatanda siya, patuloy na lumalalim ang pagtingin niya sa binata.
Kahit umalis ito para magtrabaho, 'di pa rin nawawala, 'di pa rin tumitigil ang pagbugso ng damdamin niya para kay Ivan.
Natawa na lang siya ng mapait. Binitawan niya ang cellphone niya at pumikit, doon na nagsituluan ang kaniyang luha.
Siya naman ang may kasalanan kong bakit siya nasasaktan ngayon dahil siya lang naman ang umaasa at patuloy na aasa na mapansin siya ni Ivan, hindi bilang kaibigan ng kapatid nito at hindi bilang nakababata rito, kun'di isang babae.
Nag-ring ang telepono niya at nakita niyang si Olivia ang tumatawag.
"Hello?"
'Are you okay?' Halata sa boses nito ang pag-aalala. Kinalma niya ang sarili at pilit na pinasaya ang boses, ayaw na ayaw niyang nag-aalala ang mga ito.
"Of course! Okay ako, bakit?" she tried to smile even she can't.
'You sure? You already saw it... nakita kong ni-like mo ang post ni kuya Ivan.'
"Yes, I saw it, mas maganda pa rin ako sa girlfriend niya 'no!" she laugh. Hindi niya man lang napansin na na-like niya pa ang post ni Ivan. Well it doesn't matter anymore.
'See you later, i'll pick you up.'
"Okay... thank you, mwah!" mas siniglahan niya pa ang boses bago magpaalam.
Binitawan niya ang cellphone niya at pumikit muli, hinayaan niyang dumaloy ang luha niya sa kaniyang mukha.
Masakit... sobra...
Pero siya naman ang may kasalanan, hindi niya p-puwedeng isisi sa iba ang katangahan niya. Siya ang na-inlove kahit alam naman niyang hindi siya sasaluhin at wala siyang pag-asa sa binata.
Mabilis lumipas ang oras naghanda siya para sa lakad nila, she knows that she will see Ivan tonight. She needs to pretend that she's alright even she is not.
Sinuot niya ang hapit na dress at nag-make up siya ng makapal. She look fierce and hot as hell, she also put her red lipstick and viola she's ready to be wasted tonight.
Sinundo siya ni Olivia kasama si Yessha, walang nagsasalita sa dalawa kaya siya na ang bumasag sa katahimikan.
"Anong iinumin natin?" she asked.
"Tequilla? Bacardi! para malakas tapos bangenge tayo." Yessha said. Nasa likod ito kaya nilingon niya ito.
"Sounds good," parang gusto niya rin ng bacardi ngayong gabi, o kahit anong alak basta malakas ang tama. Siguro naman makakalimot siya ngayon 'di ba?
"Don't drink too much," paalala sa kaniya ni Olivia. Hindi ito nakatingin sa kaniya dahil nagda-drive ito. Sa kanilang apat si Olivia ang sumunod kay Yessha na sobrang party girl. Nangunguna kasi si Ivy sumunod naman si Yessha, Olivia at ako. Yeah i like to party and drink pero hindi sobrang lala, 'di kagaya ni Ivy na parang gussto araw-araw inom.
Sa kanilang apat mas pinaka-mature si Olivia, magkaka-edad lang sila pero masasabi mong matured mag-isip ito. Alam niyang nag-aalala ang mga ito sa kaniya, iyon ang ayaw niya ang problemahin pa siya ng mga ito.
"Of course, sakto lang." ngumiti pa siya kay Olivia nang saglit siya nitong balingan.
"He will be there... kasama ni Ivy ang kuya niya, you'll be okay? is it really okay to you?" tanong ni olivia.
"I will be okay... because i need to be okay."
"b***h! kahit hindi ka okay sabihin mo lang! we are here okay? 'di ka namin papabayaan, sabunutan kita riyan eh," Yessha scoffed.
Napangiti naman siya sa sinabi nito. Paano na lang kaya siya kong hindi niya nakilala ang mga ito. She has a lot of friends but these 3 person, Ivy, Olivia and Yessha is her sister for life.
Nakarating sila sa club at medyo rumarami na rin ang mga tao. Nagpa-reserved agad si Olivia ng dalawang couch, for them and for the boys. Ivy chat at their group chat and his tutor will be here too.
Um-order siya agad ng bacardi black and tequila rose.
"OMG! kalma lang ha?" bulalas ni Yessha. Kinuha niya ang shot glass at nilagyan iyon ng bacardi. Ininom niya agad 'yon kahit hindi pa dumadating ang coke na chaser niya.
"Hey! wala pa 'yong chaser!" kukuhain sana ni Yessha ang bote ng bacardi pero inunahan niya na ito kuhain.
"I'm fine, masarap kaya."
"The fvck? are you serious?" tinanguan niya si Yessha at nagsalin ulit ng alak sa shot glass at muli iyong nilagok. Na-serve rin ang coke na in-order niya kaya naka-inom siya ng chaser.
"Hinay-hinay lang Vixxie..." Olivia said. May hawak na itong cocktail, mukhang um-order do'n sa may bar counter.
"Ano ba kayo! Okay lang ako, i just miss drinking." pagpapaliwanag niya sa mga ito, pero mukhang hindi naman naniwala sa sinabi niya. Napabuntong hininga siya at nilapag ang shot glass na wala ng laman.
"I'm okay... I'm trying to be okay... Kaya please lang wag niyo ako tingnan ng ganiyan." bawi niya at tumawa. Hindi na nagsalita ang dalawa at uminom na lang, kaya pati siya tumuloy-tuloy na rin sa pag-inom.
Maya-maya dumating na rin si Ivy, mag-isa lang ito kaya nagtaka sila. Nakipagbeso siya rito at niyakap naman siya nito ng mahigpit, hindi ito nagsalita pero alam niyang nag-aalala ito sa kaniya.
"Where's your tutor and your brother?" tanong ni Yessha kay Ivy.
"Si kuya papunta na 'yon, pinaayos lang yung gulong niya, 'yong tutor ko? well he's already here, nasa labas baka hihintayin niya na lang si kuya." naiiritang sambit ni Ivy.
"Eh bakit parang stress ka?" she asked.
"Oo nga! guwapo naman 'di ba?" tanong pa ni Yessha. Natawa naman siya dahil si Yessha talaga ang mga tuma-target sa mga guwapo.
Nagkwentuhan lang sila hanggang sa makita niya na ang isang pamilyar na mukha. Lumagok ulit siya ng alak at inalis na rito ang tingin.
"Hi girls," rinig niyang bai nito.
"Hi kuya! long time no see." bati ni Yessha sa binata.
"Kuya do'n na kayo sa kabilang couch, naka-reserve na 'yan." sambit ni Ivy. Hindi naman ito tumutuol kaya nakahinga siya ng maluwag nang lumipat ang dalawa sa kabilang couch.
Napainom na naman siya ng alak dahil hindi na naman makalma ang puso niya. Her heart is beating so fast because of Ivan. She suddenly want to cry because of him, becausse of the pain that she feel right now.