Chapter 2

1204 Words
"Let's play girls! alam niyo na," kinindatan niya ang mga ito at sumilay ang ngisi sa labi niya. She miss to play games, a dare game. Napapikit siya ng sumakit ang ulo niya, medyo tipsy na siya  pero kaya pa naman niya. "Dare or bodyshot?" tanong ni Olivia sa kanila, naghiyawan naman sila ni Yessha, nakita niya pa ang pag-irap ni Ivy.  "You know kuya Ivan is here⁠—" "No excuses sis," putol ni Yessha rito, napatango naman siya bilang pagsang-ayon. "Okay ako na ang mauuna!" pagbo-boluntaryo ni Olivia. "So dare or⁠—" "Bodyshot girl! i already have a target," natawa siya dahil mukhang may tama na rin ito. "Let's go Olivia! shake your booty!" sigaw niya at nag-cheer na rin si Yessha. Tuwang tuwa siya dahil sa lakas ng loob nito. Olivia is overflowing at confidence, mas lalo itong naging ganito dahil sa complicated na love life nito. Impit ang tili nila nang makita nila na nilagyan ni Olivia ng asin ang labi ng lalaki. Kumunot pa ang noo niya dahil pakiramdam niya nakita niya na ang lalaki na 'yon. Parang nakita niya na talaga pero hindi na lang siya nagtanong pa sa dalawa. "s**t! Olivia is wild, oh my gosh!" sambit ni Yessha. Malakas ang palakpak nila ng bumalik na si Olivia sa couch nila. "Sige, ako na next!" pagvo-volunteer ni Yessha. Luminga-linga naman siya para maghanap ng lalaki, alam naman niya kasing dare rin si Yessha. Sumilay ang ngiti sa labi niya nang makita ang isang lalaki na mukhang nerd, may mga kasama ito at mukhang na a-out of place na. "Hmm... See that nerdy guy? do a 5 minutes lap dance." utos niya kay Yessha. "Oh my gosh! Vixxie naman bakit sa kaniya pa?" reklamo nito na ikinatawa nila. "Whatever," dugtong pa nito at sinunod din naman ang utos nila. Tawang-tawa siya ng sumayaw ito sa lap ng lalaki, kita niya pa ang panlalaki ng mata ng lalaki kay Yessha. Hiyawan ang mga kasama nito at  ang iba pang malapit sa puwesto nito. Nang natapos si Yessha si Ivy na ang sumunod. "Dare," sagot agad ni Ivy. "Kiss krelton! torrid." olivia said. Napatingin naman siya sa gawi nila Krelton pero 'di niya inaasahan na nakatingin din banda sa kanila si Ivan kaya muling nagtama ang paningin nila. Agad niyang iniwas ang tingin dito. "My kuya is here!" reklamo ni Ivy.  "Dare is dare, sis." sabat ni Yessha. "I will do anything you want but wag muna ang kiss, kasama natin si kuya, duh." umirap ito sa kanila kaya natawa siya. Halatang tinatamaan na rin ng alak si Ivy. "Okay, wag na muna ngayon, baka hindi na 'yan makalabas ng gabi." hagikgik niya. "Ang daya mo naman bakit may second chance ka!" ngumuso naman si Yessha. "Oh, I have a great idea! want to bet girls?" nakangisi ng malawak si Olivia na parang may magandang plano ang naiisip. "You will do what we want right? then seduce your hot tutor. Make him fall in love with you, that's the dare, but if you didn't succeed in a month you will sell your precious house in La Union" dugtong pa ni Olivia. "No! ayoko Olivia, that's my grandma's—" "Sorry sis, it's a dare." kinindatan ito ni Olivia, si Ivy naman parang problemado na agad. "Why? hindi mo ba kayang paibigin si Krelton? mahina na ba ang charms ng maganda naming kaibigan?" pangangatyaw ni Yessha. Tumango-tango naman siya bilang pagsang-ayon. "Lahat ng kalalakihan napapatingin at nagkakagusto kay Ivy, gosh! napaka-easy naman niyan." sambit niya para tumaas ang confidence ni Ivy. Mayamaya napapayag din nila ito.  "Ako na, dare!" mabilis na sambit niya agad. "Kiss kuya Ivan, torrid!" tumayo siya agad na para bang ine-expect na niya na 'yon ang iuutos ng mga kaibigan. Tumayo siya agad, medyo nahilo pa siya dala na rin ng kalasingan. Ngumisi siya at taas noong naglakad papunta sa puwesto ng binata. Walang sabi-sabi na umupo siya sa hita nito at mabilis na hinawakan sa batok tsaka hinalikan sa labi. Masiyadong mabilis ang kilos niya kaya hindi ito nakapalag. Ramdam niya na natigilan ito pero pinagpatuloy niya lang ang paghalik sa binata. She closed her eyes while kissing him passionately, huminto rin siya nang maramdaman ito na hindi man lang tumugon sa mga halik niya. She smiled bitterly, para na namang tinusok ang puso niya ng libo-libong kutsilyo. It's hurt like hell, Napatayo siya nang tumayo rin ang binata at medyo tinulak pa siya ng marahan para dumistansiya sa kaniya. "Vixxie, you're drunk!" sambit ni Ivy nang makalapit sa kaniya. "Kuya sorry, it's just a dare—" "Ivy you know i have a girl—" pinutol agad ito ni Ivy. "I know i'm sorry!" nakagat niya ang labi niya dahil kasalanan niya rin kong bakit ito nagtatalo ngayon. "Ako ang may gusto wag kang magalit kay Ivy!" she hissed. "And i just want to say that congratulations to you and your girlfriend, staystrong." tinalikuran niya agad ang mga ito at kinuha ang bag niya. Narinig niya pa na tinawag siya ng mga kaibigan pero hindi na niya ito pinansin. Magme-message na lang siya sa mga ito pag okay na siya. She needs to calm herself and especially her heart. Nanginginig ang katawan niya dahil naiiyak siya. She wants to hide somewhere, somewhere that no one can see her. Nang makalabas siya ng club sakto na may dumaan na taxi kaya agad niya itong pinara. Papasok na sana siya nang may humawak ng isa niyang kamay at hinatak siya. "Let's talk," agad niyang winaksi ang kamay nito pero nahawakan na naman siya nito. "Sorry, hindi siya sasakay." sambit ni Ivan at sinarado ang pintuan ng taxi bago siya hatakin papunta sa kotse nito. "Uuwi ako ano ba!" naiirita niyang sambit dito.  "Ihahatid kita at mag-uusap tayo." seryosong saad nito kaya naitaas niya ang tingin dito. "Wala tayong pag-uusapan, kong tungkol 'yon kanina it's just a dare. Nasaktuhan lang na sayo ako na dare." sinalubong nito ang titig niya at hindi man lang nagsalita kaya siya na ang unang umiwas. "I'm sorry..." napangiti naman siya sa narinig niya.  "Why are you saying sorry? sorry for what? sorry because you can't accept my feelings? or sorry because you now have a girlfriend and you did hurt me a lot? well, hindi mo ito kasalanan, hindi mo kasalanan kong bakit ako nasasaktan. Nasaktan ako kasi tanga ako, nasaktan ako kasi umasa ako kahit wala naman dapat ikaasa sa'yo. Don't fvcking apologize to me!" hindi niya na napigilan ang luha, wala na siyang nagawa kong hindi umiyak sa harapan nito.  Nakita niyang umawang ang labi nito pero binawi rin. Bago pa ito magsalita inunahan niya na. "Please... I want to go home, hindi mo na ako kailangan ihatid. I can go home by myself and from now on please ignore me if you see me. Hindi mo kailangan maging concern sa akin dahil ako ang bestfriend ng kapatid mo at tinuturing mo akong kaibigan. I don't want to be friends with you, not now, not this time." muli niyang sinalubong ang tingin nito sa kaniya. Ngumiti siya rito, 'yong ngiti na totoo. Tinitigan niya ito ng husto bago siya tumalikod at nag-umpisang maglakad palayo sa binata.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD