PROLOGUE

1749 Words
"Vixxie! let's go na, male-late na tayo sa next class natin!" hinatak na siya ni Ivy pero ang tingin niya hindi pa rin naaalis kay Ivan na naglalaro ng basketball sa court. "T-teka lang naman, ilang minutes na lang ba?" baling niya kay Ivy. Medyo naasar pa siya dahil parang ang bilis ng oras. "2 minutes na lang nandiyaan na si ma'am. Mamaya ka na lang magpapansin kay kuya Ivan, sa bahay ka na mag dinner." nanlaki ang mata niya at lumawak ang ngiti niya. "Talaga?" "Yes! gusto mo pa mag-overnight ka na lang din tutal sabado naman bukas. Ipapaalam kita kay tita." mas lalo siyang na-excite kaya niyakap niya ito ng mahigpit. "Kaya mahal kita eh!" "Omg vixxie! pinipiga mo naman ako eh," maarte nitong sambit kaya napailing na lang siya. Muli niyang nilingon si Ivan at saktong paglingon niya nakita niya itong nakangiti nang ma-shoot ang bola sa ring. Ewan niya ba, pero simula nang makilala niya si Ivy at ang kuya nito na si Ivan, hindi niya na maalis sa isipan niya si Ivan. 2nd year highschool siya at 4th year highschool naman si Ivan, wala siyang pakialam kahit tatlong taon ang agwat nila. Basta gusto niya si Ivan at ito lang ang gugustuhin niya. Natapos ang klase nila at para sa kaniya sobrang tagal ng isa't kalahating oras. Sa sobrang excited niya agad niyang tinulungan si Ivy na ligpitin ang gamit nito. "Kasabay natin umuwi si kuyaㅡ" pinutol niya agad ang sasabihin ni Ivy. "I know, kaya nga excited ako eh. Tabi kami ha?" inirapan siya ni Ivy nang pabiro. "Hindi ka ba nahihiya sa'kin? ako kaya ang kapatid?" sinukbit niya ang bag niya sa balikat nang matapos sila sa pagliligpit ng gamit. "Bakit ako mahihiya sa'yo? simula bata pa lang kasama na kita tapos sabay pa tayo naliligo minsan." Ivy let a short laugh. "Hay nako, you're in love... Malala ka na." nagkibit balikat lang siya at ngumiti. Mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti nang makita si Ivan sa labas ng sasakyan, nakasandal ito habang pinapaikot ang bola sa daliri. Nakagat niya ang labi para ikalma ang sarili, sakto naman na napatingin ito sa kanila at mas lalo siyang kinilig ng mag tama ang paningin nila. "Kuya!" tawag ni Ivy dito at niyakap nang makalapit sila. "How's your day?" tanong ni Ivan sa kapatid. "Okay naman... Alam mo bang kinuhang muse si Vixxie? siya ang pambato ng section namin!" pagmamalaki ni Ivy sa kaniya. Dahil sa sinabi nito napatingin sa kaniya si Ivan at kita niya ang ngiti nito hanggang mata. "Talaga? good to know, di na rin ako magtataka kong isa sa inyo ang piliin para maging muse sa pageant." mas kinilig siya sa sinabi nito, natigilan naman siya nang maramdaman ang kamay ni Ivan sa ulo niya. Ginulo nito ang buhok niya kaya mas lalo siyang napatitig dito. Kong kanina ay kilig na kilig siya ngayon parang hihimatayin na siya sa sobrang kilig. Malapit ang mukha nito sa mukha niya at nakangiti pa ito sa kaniya habang ginugulo ang buhok niya. "Goodluck," hindi na siya nakasagot at tanging tango na lang ang tinugon niya rito. Hindi niya namalayan na nakalayo na ito sa kaniya kong hindi siya siniko ni Ivy siguro na-estatwa na siya roon sa kinatatayuan niya. "Pumasok ka na," bulong ni Ivy at nginuso ang kotse. "Ay kuya! ako na sa front seat!" mabilis na sambit ni Ivy at agad na pumasok sa harapan. Siya naman ay 'di na makalma dahil sa sobrang kilig. Tahimik siyang pumasok sa sasakyan at dahil katabi niya si Ivan, amoy na amoy niya ang pabango nito na gustong gusto niya naman. "Kuya may gagawin ka mamaya? mag-o-overnight pala si Vixxie sa'tin, so balak ko mag movie marathon, you want to join?" tanong ni Ivy kay Ivan. Sa totoo lang tuwang-tuwa siya dahil napaka-supportive nito sa kaniya. Sa sobrang supportive nito laging hindi makalma ang puso niya sa tuwing nalalapit siya kay Ivan. "Hmm... After i finish my assignment, I'll join." napa-yes naman siya sa isip niya.  Siyempre kilig na kilig na siya, ikaw ba naman makasama mo ang crush mo 'di ba? tapos magmo-movie marathon pa! sisiguraduhin niya na katabi niya ito mamaya. Tumunog ang cellphone niya kaya napatingin siya roon, nakita niya na nag-chat si Ivy kaya agad niya 'yon binuksan at napangiti siya sa chat nito. Ivy: Baka naman? ilibre mo ako ng starbucks, huh? Nag-type naman siya para reply-an ito. Vixxie: Of course! ililibre kita, kahit ano pa ang gusto mo! Ivy: Talaga lang ha? bigyan mo na rin ako ng lalaki. Vixxie: Hoy!  Ivy: Joke lang HAHAHA. Napailing na lang siya at pinigilan ang ngiti. Nakarating sila sa bahay nila Ivy at sinalubong naman sila ng mga kasambahay ng mga ito. "May meryenda akong ginagawa, pagkatapos niyo magbihis bumaba kayo para kumain." sambit sa kanila ni manang, tiningnan naman nila ni Ivy kong anong ginagawa ng mga ito, nanlaki ang matar niya ng makita na turon ang meryenda. "Turon!" masayang sambit niya, nasasarapan kasi siya sa pagkain na 'yon. "Sige po manang, magbibihis lang kami." excited na sambit ni Ivy at hinatak siya paakyat sa second floor, dumeretso naman sila sa kwarto nito.  "Ito ang damit mo, na-laundry na 'yan." inabot niya ang damit niya, ito kasi ang naiwan niya nong nag-overnight din siya nong nakaraan. Madalas naman siya rito kila Ivy, lalo na kong wala naman masiyadong gagawin. Nagbihis na sila ng sabay ni Ivy at pagkatapos bumaba na rin sila. Mas lalo siyang natakam sa mga pagkain, may vanilla ice cream pa. Favorite niya 'yon at higit sa lahat favorite rin ni Ivan ang Vanilla ice cream. "Si kuya?" napatigil siya sa tanong ni Ivy. Nilibot niya ang paningin niya at wala naman si Ivan. "Ay ma'am nagpapadala na lang po siya ng meryenda sa kwarto niya, may gagawin pa po raw siya." napanguso naman siya dahil hindi niya ito makakasabay mag meryenda. Napatingin siya sa tray na may lamang turon at vanilla ice cream. "Ay ate si Vixxie na ang magdadala niyan, may ipapakuha rin kasi ako na math book," sambit ni Ivy at binalingan siya. "Hiramin mo kay kuya 'yong book, hatid mo na rin 'yong food niya." pasimple siya nitong kkinindatan, napatayo naman siya at tumango. "Opo, ako na po ang maghahatid nito kay Ivan- i mean kay kuya Ivan." agad niyang kinuha ang tray at dali-dali na umakyat sa second floor. Hindi siya sanay na tinatawag si Ivan na kuya dahil hindi naman niya 'to tinatawag na kuya, pag may matanda lang talaga na kakilala nila napipilitan siyang mag kuya, pero labag sa loob niya 'yon. Para sa kaniya hindi niya kuya si Ivan. Huminga muna siya ng malalim bago kumatok sa pintuan ni Ivan. Nakailang katok siya pero wala pa ring nagbubukas. Sinubukan niyang buksan ang pinto gamit ang isang kamay at nagtaka naman siya ng bukas 'yon. "Ivan? here's your food..." tuluyan na siyang pumasok sa loob ng kwarto. Nilibot niya ang paningin at napaka-simple ng kwarto nito at higit sa lahat malinis at maayos lahat ng gamit. Nilapag niya ang tray sa maliit nitong lamesa.  Hindi niya mapigilan na 'di tumingin sa gamit nito, maayos ang study table, naka-open pa nga ang laptop at may folder din na nakatambak. Sa likod ng study table nito may bookshelf, namangha siya dahil napakarami nitong libro. "Vixxie?" halos mapatalon siya sa gulat nang marinig ang boses ni Ivan. Nilingon niya agad ito at nanlaki ang mata niya nang makita itong naka topless, basa pa ang buhok nito kaya kitang kita niya kong paano tumulo ang butil ng tubig sa collarbone nito pababa sa six pack nito. Wala sa sariling napalunok siya sa nakikita. "A-ano... 'yong pagkain mo, hinatid ko lang... tsaka pahiram daw ng math book mo sabi ni Ivy." nakagat niya ang labi niya at napayuko na lang dahil halata sa boses niya ang pagkataranta. "Okay, nasa pang-apat na shelf, kaya mo abutin?" tumago na lag siya at tinalikuran na ito, ayaw sumunod ng mata niya, pilit naman niya iniiwasan tinginan ang abs nito pero dumadako pa rin ang mata niya roon. Tumingkayad siya para abutin ang libro dahil akita niya rin naman agad, paano ba naman sobrang kapal ng libro na 'yon at napakalaki ng nakasulat na 'MATHEMATICS'. Nahawakan na ng dulong daliri niya ang libro ang kaso lang hindi niya mahawakan ng buong-buo, paano niya kaya makukuha 'to? ang lakas pa ng loob niya sabihin na abot niya pero hindi naman pala. Huminga siya ng malalim para tumalon at abutin iyon nang biglang may naramdaman siyang nakatayo sa likuran niya. Tuluyan na siyang na-estatwa sa kinatatayuan niya dahil alam naman niya kong sino 'yon, silang dalawa lang naman ni Ivan ang nasa loob ng kwarto. Narinig niya ang mahinang tawa nito kaya nag-init ang pisngi niya. "Abot pala ha?" he chuckled and get the book in the shelf.  Gusto niyang lamunin siya ng lupa ngayon o kaya naman maglaho na lang siya na parang bula sa kinatatayuan niya. Nakayuko lang siya at 'di na kumilos pa, nakita niya namang inabot nito ang libro sa kaniya kaya agad niya 'yong kinuha at mabilis na tumalikod, pero sa pagtalikod niya hindi niya napansin na nakayuko pala si Ivan, tumama ang noo niya sa labi nito kaya nataranta siya. "Ouch," daing ni Ivan. Binaba naman niya ang libro sa desk na malapit at agad na hinawakan si Ivan sa pisngi at tiningnan ang labi nito. "So-sorry..." "I-it's fine," nagsalubong ang tingin nila kaya muli na naman siyang natigilan, huli na ng ma-realize niya kong gaano sila mas kalapit ngayon. Binaba niya ang tingin sa labi nito, sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya, sa oras na 'yon tila ba'y may nag-uudyok sa kaniya gawin ang nasa isip niya. Nasa isip niya na halikan ang binata. "Vixxie... I'm fine, you can—" pumikit siya ng mariin at agad na ginawa ang gusto niyang gawin. Mabilis lang 'yon pero ramdam na ramdam niya ang malambot na labi nito na dumampi sa labi niya. Mabilis siyang tumalikod at kinuha ang libro tsaka nagmamadaling lumabas ng kwarto nito. Napaderetso siya sa kwarto ni Ivy at ni-lock agad 'yon, doon na siya napasandal at napaupo sa sahig habang yakap yakap ang libro na hawak. Sh*t ka Vixxie, ang lakas ng loob mo! Sigaw niya sa isip niya, sinubsob niya ang mukha sa tuhod at pilit na kinakalma ang sarili. Hindi niya na ata alam kong paano pa haharapin ang binata lalo na lagi niya itong nakikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD