Chapter 01

2556 Words
Warning: Ang mga mababasa niyo ritong mga controversial na topic ay parte lang ng pag-u-ugali at pag-iisip ng karakter. Don't attack me, ack! SAICA Tatawa-tawang binasa ko ang text message sa screen ng cellphone ko. Ang tanga ng tangina. Akala niya ba talaga iiyakan ko siya dahil iniwan niya ako para sa ibang babae? Ni hindi nga siya magaling sa kama! Wala rin siyang pera kaya anong mapapala ko sa kaniya? Well... Hindi siya magaling sa kama kasi mas magaling 'yong kuya niya. _____________________ From: 0927******* I'm sorry, Saica. Ayaw kitang saktan pero mas mahal ko siya. May nangyayari rin samin. _____________________ Oh? So, iiyak na ba ako niyan? I texted him back. _____________________ To: 0927******* Pano ba yan? Eh, may nangyayari rin samin ng kuya mo? Quits lang tayo, gago. _____________________ Naka-ngisi kong pinatay ang cellphone ko. Inilagay ko ito sa bulsa ko saka ako muling dumungaw sa bintana. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako inaantok. Chini-check ko rin kasi ang kada kuwarto kung ang lahat ba ng mga pasyente ay nasa loob na. Hindi ko 'to trabaho, pero may puta kasi na nagpa-pa-gawa sa 'kin nito. At dahil 'gudgurl' ako, hindi ako umaangal. At isa pa sa mga pinaka-ayaw ko rito ay ang pagpatay nila ng mga ilaw kapag gabi na. Nabawasan kasi ang mga aksidente simula no'n. Dati ay laging may mga baliw na nagwawala rito tuwing madaling-araw, pero ngayong madilim na? Wala na. Hindi ko talaga alam kung anong problema ng mga baliw dito at sa madaling araw pa nila naiisipang magwala? Bakit hindi nila ako gayahin? I'm so f*****g behave. Napa-buntong-hininga ako. Umalis ako mula sa pagkaka-dungaw ko sa bintana at nagsimula na muli akong maglakad para i-check ang mga kuwarto. Madilim ang mga pasilyo. Medyo bulok na rin ang mga instraktura sa mental na ito. Natutuklap na ang pintura at may mga crack na ang mga pader. Hindi niyo ako masisisi kung bakit lagi akong "kinakabahan" kapag umuulan ng malakas. Baka kasi magiba ang lintek na mental na 'to. Ayos lang sana kung ang mga pasyente at mga trabahador lang ang mamamatay. Pero paano kung magasgasan ang maganda at makinis kong balat? Argh. Napa-tigil ako sa paglalakad nang may nakita akong dumaang liwanag sa siwang ng isang pinto. "May gising pa?" Kunot-noong pinagmasdan ko ang pintong kaharap ko. Napa-irap ako sa kawalan. Pinihit ko ang seradula nito. Marahan kong binuksan ang pinto at inilawan ng flashlight ang loob ng silid. Tinanggal ko ang isang earphone ko. "Gising ka pa rin? Matulog ka na," medyo mahinang sambit ko. Gising na gising pa rin kasi ang isa sa mga pasyente namin. Nagbabasa siya ng librong The Hound Of The Baskervilles, na isinulat yata ni Arthur Conan Doyle noong 1902? Correct me if I'm wrong. "A-Ay..." Nagulat siya nang makita niyang naka-silip ako. Ibinaba niya ang ballpen niyang may ilaw sa dulo, tila maliit na flashlight iyon. Pinatay niya muna ito at itinabi sa gilid niya, kasama na rin ng libro. "S-Sorry po, miss Saica," hinging paumanhin niya saka humiga sa kama at tumalikod sa gawi ko. Napa-iling ako dahil sa pangungunsumi. May depression ang isang ito kaya nandito siya. Suicidal. Ilang beses na siyang naglaslas kaya naman hindi ko alam kung bakit may naka-lusot na ballpen sa mga gamit niya. Chini-check kasi sa labas 'yon sa pagkakaalam ko. "Just don't kill yourself again, get it?" ani ko. Akmang isasara ko na ang pinto nang bigla niya akong tinawag. "M-miss Saica?" Tumigil sa ere ang sanang paghawak ko sa seradula ng pinto. Muli ko siyang tiningnam at tinaasan ng kilay. Naka-upo na siya ulit sa kama. "Kukumpiskahin mo ba ang ballpen ko?" Matiim ko s'yang tiningnan. Namumutla siya. Bahagyang namumula ang ilong at ang kaniyang mga mata dahil yata sa pag-iyak. Payat siya pero medyo ma-hitsura. Balita ko kaya naging suicidal ang isang ito dahil nag-divorce raw ang mga magulang niya. Hah. Kalokohan. "Wala akong pakialam sa 'yo. Ba't ko naman 'yan kukumpiskahin?" Naiiling na isinara ko ang pinto. May karapatan sana akong kumpiskahin ang ballpen na meron ang babaeng iyon, pero wala akong pakialam sa kaniya kaya bahala siya sa buhay niya. Saka mas maganda na ring mabawasan ang mga tao sa Pilipinas. Dumarami na ang mga bobo, eh. Saka hello? Bakit kailangan mo pang maging suicidal? Bakit kailangan mo pang patayin ang sarili mo? Dahil ba iniwan ka ng mga mahal mo? Dahil ba iniisip mong nag-iisa ka na? Dahil ba sa pesteng family problem na iyan? Dahil ba maraming tao ang humuhusga sa 'yo? Dahil ba tinalikuran ka ng mundo? Tanginang dahilan 'yan. People nowadays are so goddamn weak. Bakit kailangan mo pang patayin ang sarili mo? Kung puwede namang iyong mga tao na lang na nananakit sa 'yo ang patayin mo? Chos. Tsk. Pero sa totoo lang ay wala talaga akong pakialam sa mga taong gusto kunin ang sarili nilang buhay. Pakialam ko ba sa kanila! Hindi naman nila ako pinapalamon at hindi naman nila ako napapautang ng pera. Saka sa totoo lang ay naaasar ako sa mga taong ganiyan, buwisit sila. Mga attention seeker, pwe. 'Di na lang maglaslas hanggang sa mamatay sila, ba't kailangan pa nilang magdrama sa f******k?! Lintek, ang sakit sa mata! But my point here is... mina-mantsahan mo ang balat mo, dear. Stop hurting your own damn self. Chin up, grab a knife and kill 'em all. Kitakits na lang tayo sa kulungan. Magsama-sama tayo sa loob habang naghihimas ng rehas. Lol, just kidding. Geh, pakamatay ka na ulit. Muli akong naglakad-lakad sa madilim na pasilyo. Marahang tumatama ang takong ng aking suot sa marmol na sahig, na siyang gumagawa ng ingay sa paligid. Pinatay ko na rin ang flashlight ko kasi nauubos na ang battery niya. Napa-tigil na naman ako nang may maaninag akong bulto ng isang lalaki sa dilim. Hindi ako sure dahil nanglalabo ang mga mata ko. "Hoy, anong ginagawa mo diyan? Alas-dose na, bro!" Hindi ako naniniwala sa multo kaya naman mabilis akong naglakad patungo rito. Napa-atras ako nang muntikan na akong bumangga sa... "What the f**k are you doing here?" gulat na tanong ko nang mapagtanto ko kung sino ang lalaking nasa dilim. Naka-upo siya sa wheelchair at naka-tingin sa kawalan. Siya si Rexton Dela Vega, iyong pasyenteng pinagkakaguluhan kahapon pa kasi nga guwapo raw. Hayok kasi sa lalaki ang mga katrabaho kong babae. Palibhasa lahat sila mukhang unggoy kaya bibihira lang makalapit at makatikim ng guwapo kaya pati may saltik tinatalo na. "Hey," mahinang tawag ko kay Rexton. He's suffering from Schizophrenia. May Traumatic Brain Injury din yata siya kaya hindi siya kumikibo at madalas siyang tulala. Ni hindi ko nga sure kung iyan lang ba ang sakit niya, eh. "Paano ka napunta rito? Eh, daig mo pa ang nga na-stroke kasi hindi ka gumagalaw, 'di ba?" tanong ko saka pumunta sa likuran ng wheelchair. Hinawakan ko ang handle nito at marahang itinulak. Mabigat siya, huh. Tulak-tulak ko ang wheelchair pabalik sa kuwarto niya. Pa'no kaya napunta ang lalaking 'to rito? Masyadong malayo ang narating niya, ah? Nagkibit-balikat ako. Ipinokus ko na lang ang pakikinig ko ng music. Nalipat na ang kanta sa Killing Me Softly, version ni Roberta Flack. Nang makarating kami sa tapat ng silid niya, dito ko na napag-alamang naka-bukas ito. Siguro ay may tarantadong naglabas sa kaniya. Isa siguro sa mga lalaking nars na naiinggit sa kaniya. Marahan ko siyang itinulak papasok sa kaniyang silid. Yumuko ako para tanggalin ang tsinelas sa mga paa niya. At saktong pag-angat ko ng tingin, doon ko na natitigan ang kaniyang mukha. Napamura na lang ako sa isipan ko. Mas guwapo pala talaga siya 'pag malapitan. Hindi na rin ako magtataka kung bukas, isa na 'ko sa mga fangirls niya. Saka hindi lang siya guwapo, sexy pa. He had those sexy vibe na nagtutulak sa akin para sunggaban siya. But heck, I can't do that. Hindi ako pumapatol sa lalaking paralyzed. Napailing ako. Natatawa akong tumitig sa kaniya, "Patay ka sa 'kin 'pag gumaling ka na." Iyon ay kung gagaling pa siya. Lahat ng nandito sa lugar na ito, wala nang pag-asa. Lumakad ako palapit sa kama niya, saka umupo ako roon. Tinitigan ko ang blangko niyang mukha. Blangko iyon, pero 'yong kayumanggi at mapupungay niyang mga mata ay naka-pirmi sa mukha ko. So, nakaka-intindi pa rin pala siya, ah? Tiningnan ko ang mga mata niya. Gosh, mas mahaba pa ang mga pilikmata niya kaysa sa akin. Parang ano lang ito, eh. Iyon bang mga fiction na nababasa ko sa mga libro. Iyong perfect na lalaki kuno. Naka-ngising tumayo na lamang ako. Sinasapian na naman ako ng kalandian ko. Inilapit ko ang wheelchair sa kama, pagkatapos inilipat ko ang lalaki sa kama niya. Medyo nahirapan ako dahil masyado siyang mabigat, pero sanay naman na akong magbuhat ng tao. Sa dinami-rami ng bangkay na kinaladkad ko, ngayon pa ba ako mahihirapan? Tinapik ko sa pisngi ang lalaki. Tinitigan ko siya sa mata, saka ako nagsalita. "By the way, pogi. Nakipag-break sa akin 'yong shota ko. 'Kala niya naman siguro kawalan siya." Yumuko ako para bulungan siya sa tainga. "Pasalamat lang ang gagong iyon dahil hindi siya masyadong kaguwapuhan," Hinaplos ko ang kaniyang pisngi na may papatubo na balbas. Nakakakiliti sa palad at ang sarap himas-himasin. Marahang idinampi ko ang aking labi sa kaniyang tainga, "Dahil kung kasing guwapo mo siya at nagawa niyang gaguhin ako... malamang, nasa palengke na ang karne niya ngayon at kasalukuyang ibinebenta," Pasimpleng idiniin ko ang aking mga kuko sa kaniyang pisngi. "Matutulad siya sa mga tarantadong nauna sa kaniya. Paniguradong hindi niya magugustuhan ang gagawin ko." Humiwalay ako sa kaniya at tuwid akong tumayo. Isinuklay ko ang mga daliri ko sa medyo basà kong buhok. Hinayaan ko lang s'yang nakatingin sa gawi ko. Kita ko ang pagtulo ng dugo mula sa pisngi niyang diniinan ng mga kuko ko. Tumalikod ako at naglakad patungo sa pinto. Agad akong lumabas ng kaniyang silid. Napa-pikit ako nang bumulaga sa harapan ko ang nakakasilaw na liwanag. "Nakakasilaw, hoy!" inis na hiyaw ko nang muling may tumamang liwanag sa mukha ko. "Saica?" si Brenda. Ibinaba niya ang flashlight. "Ba't ka galing diyan?" tanong pa niya muli. Napa-irap ako dahil sa tanong niya. Malamang nars ako! Saka kabe-break lang namin ng walang'ya kong ex-boyfriend. Naghahanap lang ako ng ipapalit. "Eh, ikaw? Ba't nandito ka?" tanong ko at sumandal sa nakasarang pinto Muli niyang itinaas ang hawak niyang flashlight, but this time, doon niya na iyon itinutok sa gawi ng CCTV sa uluhan ko "Sira ang mga CCTV. Hindi gumagana." Nagtataka niyang tiningnan iyon. Tumingkayad pa siya para lang i-check kung may mga basag ba ito o ano. Inis siyang napa-iling. "Weird. Nasira silang lahat." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, "Nasira lahat?" tanong ko. Nanatili siyang nakatingala sa mga CCTV, "Yes and hindi ko alam kung paano." Lihim akong napangisi. "That's convenient." ### The best way to control people is to help them with their biggest problems. Iyong mga problemang alam mong hindi kayang tumbasan ng pera o kahit na ano mang bagay. Help them with this and that at saka ka na humingi ng kapalit na alam mong mako-kontrol mo sila. At sa totoo lang, hindi lahat ng matulungin, gusto ka talagang tulungan. Hindi mo alam na ang mga taong inaakala mong mabuti ay mas demonyo pa pala sa inaasahan mo. Napa-tingala ako. Papadilim na ang paligid ngayon at iba na ang kulay ng kalangitan. Wala nang masyadong trabaho kaya naman libre ang pagtambay ko rito sa labas ng hospital, dito sa parte kung saan maraming benches na madalas na tinatambayan ng mga pasyente namin. Puro damo ang nandito at marami rin ang mga puno kaya masarap tambayan. Malamig kasi. Hay, buwisit. Sumasakit ang kasu-kasuan ko. Marami kasi kaming inasikaso at mga inayos kanina. Idagdag pa na malapit na ang Undas kaya naman marami ang mga nars na nagsi-leave. Kaya ang ending, kaunti lang kami at inako namin ang lahat ng trabaho. Bumuga ako ng usok mula sa sigarilyong hinihithit ko. Naka-pirmi ang mga mata ko sa papadilim na kalangitan at namalayan ko na lang na may katabi na pala akong kapwa ko nars. "Saica." "Hmn?" Nilingon ko ang babaeng medyo chubby. Maputi siya, singkit at masarap chop-chop-in. Mukha kasing malambot ang katawan. "Inaaway ako ng ate ko sa tawag kasi hindi ako nakapagpadala ng pera, tsk. Puwede bang paki-tingnan muna iyong si Rexton?" Sinundan ko ang daliri niyang itinuturo kung nasaan si Rexton daw. Hayun nga ang lalaki, naka-tunganga at naka-tingin sa kawalan. Naka-upo siya sa wheelchair hindi kalayuan sa 'king puwesto. "Napag-utusan kasi ako ni Dr. Pineda na ilabas daw saglit iyan para raw makalanghap ng sariwang hangin. Papaload lang ako sa labas, paki-tingnan saglit." Tumango lang ako at tipid na ngumiti. Nang makaalis na siya ay doon na ako napa-irap. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagtitig sa kalangitan pero agad din akong na-distract nang maramdaman kong may naka-titig sa akin. Sa pagkakaalam ko, hindi nakaka-pagsalita o nakaka-galaw ng maayos ang lalaking ito lalo na kapag walang umaalalay, pero ba't naka-tagilid na ang ulo nito at naka-tingin sa gawi ko? Puta, sino ang nagtagilid niyan? His dark mysterious eyes met my gaze. Muli akong bumuga ng usok mula sa sigarilyo habang nakikipag-sukatan ako ng tingin sa kaniya. Tapos ay biglang tumalim ang mga mata niya kaya naman napa-ubo ako ng sunod-sunod. Nang matigil ako sa pag-ubo ay agad ko siyang nilingon muli. Aba, eh, hindi na siya naka-tingin sa akin! Bumalik na ulit sa dating puwesto ang gago! Tumayo ako at itinapon sa damuhan ang sigarilyo. Mabibigat ang mga yabag na nilapitan ko siya. Nang makarating ako sa harapan niya ay yumuko ako para magpantay ang mukha namin. Tumawa ako saka pasimpleng tinutukan siya ng patalim sa kaniyang Adam's apple. Ito ang patalim na nakasabit sa mga susi, nailcutter at mga anek-anek ko. Isa itong folding knife na may haba na 3 inches. Hindi siya halatang folding knife kasi kulay pink ito na may design na Hello Kitty. Mukha siyang malaking keychain na ewan. Mas lalo akong lumapit sa kaniya. I gently licked his neck habang naka-tutok sa kabilang side ng leeg niya ang dulo ng aking patalim. Dinig ko ang mahina at napaka-sexy niyang pagsinghap na siyang ikinangisi ko. Marahan ko siyang binulungan sa kaniyang tainga. "You have a nice neck." Humiwalay ako agad sa kaniya at itinago sa bulsa ko ang patalim. Tinitigan ko muna siya ng masama saka ako naglakad palayo. Naka-salubong ko pa iyong chubby na nars na hindi ko maalala ang pangalan. Tsk. Kahit pogi hindi ko sinasanto, 'no. Malay mo bading pala ang gagong iyon no'ng matino pa siya. Uso pa naman mga guwapong bading. Tulad na lang no'ng shota ko noon na napatay ko. (Oo, marami akong naging shota. Bukod kasi sa maganda at sexy ako, malandi pa ako.) Hindi ko talaga siya napatay dahil sa sobrang guwapo niya, napatay ko siya kasi putangina lang, guwapo rin pala ang hanap niya. Wala naman sa akin kung bading siya, eh. Ang kaso, nakikipag-lips to lips ako sa kaniya, punyeta siya. Saka nahuli ko ba namang dino-dog style siya ng isang lalaking macho. Hayun, sa sobrang galit ko sa kaniya, d-in-og style ko rin siya... gamit ang aking folding knife na Hello Kitty--iyong walang gamit na lubricant. So, yes. He died in f*****g peace. At saka ang kapal ng mukha niya. Bakit hindi niya manlang ako sinali? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD