Chapter 02

1803 Words
SAICA Mataas ang sikat ng araw. Tahimik ang paligid at huni ng mga ibon ang tangi kong naririnig. Masarap ding umupo rito sa ilalim ng puno. Heck, it's so peaceful. Why the f**k is this so peaceful? I wanna ruin someone's life. Or maybe, shoot the president for fun. This is so boring and plain. And me, Saica, the manifestation of the word 'anger', is sitting under a damn f*****g tree? This is so humiliating. My pride and ego are destroyed. Naiiling na kinuha ko ang sign pen at notebook mula sa bag na dala ko. Ipinatong ko ito sa mga hita ko habang ang utak ko naman ay gumagana at may pumapasok na kung ano-anong ideya. Wala akong magawa. At kapag wala akong ginagawa, nagsusulat ako ng kung anu-anong bagay na papasok sa utak ko. So, I started to write about rape and abuse. It's a poem, anyway. And yes, I promote violence. I'm also the kind of woman who writes for fun. At kada tula na sinusulat ko ay tungkol sa naging buhay ko. So, yeah. Rape and abuse-- I actually know WHAT exactly I'm writing about. I was raped. Not a big deal though. All I wanna do right now, is to set someone on fire. "Saica!" Fuck. Nawala ang konsentrasyon ko nang may buwisit na tumawag sa pangalan ko. Hindi ko nilingon ang letseng tumawag sa akin. Ayokong iniistorbo ako habang nagsusulat ako sa— Damn it. Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat. Pero buwisit, hindi talaga ako tatantanan ni Brenda! "Patay na si Eunice. Nagpakamatay daw kagabi." Hindi ako natinag sa pagsusulat kaya naman bigla akong sinapok ni Brenda. Inis na tiningala ko siya. "Ano ba?" "Nagpakamatay si Eunice kagabi! 'Yong may depresyon? Ballpen daw ang ginamit niya maglaslas. Pinutol niya raw ito sa gitna. Then, ikinuskos niya iyon sa pulso niya hanggang sa magsugat ito at mamatay siya. Wala akong pakialam sa babae na 'yon, pero maganda siyang babae at sayang siya." Ah, 'yong sinita ko kagabi? Nagkibit-balikat ako. Alam ko na magpapakamatay 'yon kagabi kaya hindi na rin ako nagulat. Tinodo ko na nga, eh. Sinabihan kong wala akong pakialam sa kaniya para mas lalo siyang ma-down at poof, umipekto iyon, sa tingin ko. Saka paki ko ba sa kaniya? Ano naman kung may depresyon siya? Wala akong pakialam, 'no. Just move on, dami-daming tao sa mundo, hindi na big deal kung may mababawas na isa.  Saka kita mo? Nakatulong na naman ako sa bansang Pilipinas para magbawas ng mga buwisit. "Sayang ang buhay no'ng babaeng 'yon—" Inis akong tumayo mula sa pagkaka-upo ko sa ilalim ng puno. Itinigil ko ang pagsusulat sa notebook ko.  Nabubuwisit na tinitigan ko s'ya. "Hindi sayang ang buhay ng mga walang kwentang tao, Brenda." Napanganga siya na para bang nagulat siya sa sinabi ko. Lah. Hindi pa ba siya nasanay sa bunganga ko? Natawa ako. "Just kidding, Brends. Bibili lang ako ng pagkain, at ikaw, ang daldal mo," paalam ko, saka tinalikuran s'ya. Agad akong naglakad palayo. Naiirita ako sa babaeng iyon. Napaka-epal. Lagi ko na siyang binabara pero lapit pa rin siya nang lapit sa akin. Puwede bang sumunod na lang siya kay Eunice para matahimik na ang mundo ko? Tse! ###### "Ipagdasal na 'tin ang kaluluwa ni Eunice." Si Medina. Doktora rito sa 'min na 'kala mo kung sinong maka-Diyos, eh, ang dami namang lalaki. Muntikan na akong masuka. Ipagdasal my ass. May sarili akong relihiyon. Diyos ko ang sarili ko at hindi ako naniniwala sa mga dasal-dasal na 'yan. Wala akong respeto, eh, bakit ba? Maganda lang talaga ako, pero wala akong moral. Halatado naman. Pero sa totoo lang, malaki ang advantage ng magaganda kahit na walang modo. Lol, Nagsimulang magsalita si Medina at nagbanggit ng holy phrases . Nagsiyukuan ang mga uto-uto kong mga kapwa-nars, kaya nakigaya na rin ako. You know, just to blend in. Saka hindi dapat ang babaeng iyon ang ipagdasal nila. Ang dapat na ipagdasal nila, ay sana hindi ireklamo ng pamilya ni Eunice ang hospital na ito. Hindi kasi dapat pinapayagan ang mga matatalim na bagay dito, lalo na kung suicidal ang magdadala sa room niya. Tsk. Kulelat kasi talaga ang ibang mga tao rito. "Amen," sabay-sabay na sambit nila nang matapos silang magdasal. Agad kong tiningnan ang wrist watch ko. Ah, maaga pa. Agad akong lumabas ng chapel. Wala akong ganang maki-usyoso sa mga pinag-uusapan nila Mabilis akong bumalik sa table ko. Nakatoka kasi ako ngayon sa information. Iniwanan ko lang ito dahil break time naman. Kakaupo ko lang sa upuan ko nang makita may babaeng tumatakbo sa hallway, patungo sa direksyon ko. Naka-suot siya ng peach na blouse at puting pantalon—ah! "Saki!" tawag ko rito. Napangiti ako nang makita ko siya. Binisita niya na naman ako rito. Siya si Saki, nakaba-batang kapatid ko.  "Ate, gusto raw akong ipakilala ni Grie sa mga kapatid niya!" tuwang-tuwa na balita niya sa akin dahilan para mapangiti rin ako. Pero agad ding nawala ang ngiti ko nang maalala kong babaero ang boyfriend niya. That's the main problem when you're dating a hot guy.  Malandi ako at mahilig sa guwapo, pero may preference naman ako kahit papaano. At.. .ang kapatid ko, inosente pa siya at... it's her first damn boyfriend. "Seryoso ka na ba riyan? Bata ka pa masyado, Saki. Baka magsisi ka sa huli niyan?" tanong ko saka sinenyasan siyang umupo sa isang upuang nasa gilid ng table ko. "Mahal niya ako, ate." Nangunot ang noo ko. Ang dami kaagad na tanong ang pumasok sa isip ko. Mukhang napansin niya naman ang naging reaksyon ko kaya mabilis siyang nagsalita. "Hindi niya ako sasaktan, ate. Nagbago na siya. Saka subukan niya lang akong lokohin, isusumbong ko siya agad sa 'yo," sabi n'ya sa akin. Napatango ako. Pero hindi pa rin ako kampante. Kasi kung papaano niyang nalaman na hindi siya sasaktan ng lalaking iyon? I'm a bad news myself, kaya alam ko at kilala ko kung sino ang mga taong may dala-dalang hindi maganda. Hindi matatahimik ang kaluluwa ko hangga't hindi ko nalalaman kung ligtas ba s'ya sa lalaking iyon. Hindi naman sa may "care" ako sa kapatid ko, it's just... it's my job. Ang tingin ko sa ginagawa ko ay isang trabaho. It is my job to protect her because she is my sister. Pilit akong ngumiti. "Nagtitiwala ako sa 'yo. Pero hindi sa lalaking iyon. Ngumuso siya dahilan para matawa ako. "Bahala ka. Basta 'wag kang iiyak-iyak sa 'kin." Marami-rami kaming napag-usapan ng kapatid ko. Marami siyang nai-kwento sa akin, na pinakinggan ko lang. May dala pa nga siyang ulam at kanin, eh. Nabusog ako dahil sa sarap ng niluto niya. One of the reasons why I can't kill her though. Masarap ang mga luto niya. At kanina, pinauwi ko na siya. Papa-gabi na rin kasi. Kasalukuyan akong naka-titig sa labas ng bintana nang may tumawag sa pangalan ko. "Saica?" Agad akong napalingon. Mabilis akong umalis sa tapat ng bintana nang makita ko kung sino ang tumawag sa akin. Si Dr. Pineda. 'Yong panot na doktor na medyo manyakis. "Bakit po?" tanong ko. "Puwede bang ikaw na muna ang magpa-inom ng gamot kay Dela Vega? Bababa lang ako saglit." Ooh. Kay fafa Rexton? Wala bang nars na naka-toka ro'n? Agad akong tumango. Binigay niya sa akin ang dalawang tablet ng gamot na nakalagay sa isang maliit na lagayang plastic bago siya umalis. At nang mawala na siya sa paningin ko ay napa-isip ako. Iinom ba ng gamot 'yon? Eh, parang hindi naman 'yon kumikibo? Napa-kamot ako saka agad na dumiretso sa third floor. Mabilis akong nakarating sa silid niya at naabutan ko s'yang nag-iisa. Naka-upo s'ya sa wheelchair niya at nakatingin sa labas ng bintana. Medyo madilim ang silid niya dahil walang naka-bukas na ilaw. "Yow," bati ko sa kaniya, saka ko siya nilapitan. Tumungo ako sa kaniyang gawi. Tumigil ako sa harapan niya. Yumuko ako para itingala ang kaniyang ulo. Agad na nagtagpo ang mga mata namin. Blangko na naman iyon pero namumungay. Putsa. Mata niya pa lang nakakapang-hina na. Paano pa kaya iyong... Napatitig ako sa labi niya. Mukhang malambot iyon. Mukhang masarap halikan. At ano kayang zodiac sign niya? Pisces kasi ako. Are we compatible kaya? Charot.  "Alam mo, kung ka-karne-hin kita at ibebenta sa palengke, labi mo lang ang ititira ko," bulong ko sa kaniya. Napa-ngisi ako't napa-iling. Kinuha ko ang plastic ng gamot na binigay ni Pineda sa akin. Akmang kukunin ko na sana ang laman ng plastic sa bulsa ko nang bigla niya itong malakas na tinabig sa kamay ko. Napa-mura ako. "TangIna! Bakit mo tina—what the f**k?" Napa-atras ako nang bigla s'yang tumayo. Mukhang nanghihina pa ang mga tuhod n'ya, pero nagawa niya pa ring humakbang palapit sa akin. Nandidilim ang mga mata niya't mukhang beastmode siya. Holy s**t. "Ayoko n'yan," mahina at mahinahong sambit niya. Pero kahit gano'n, mukhang papatayin niya na ako sa titig na ibinibigay niya sa akin. "Hoy, pogi. Wala akong ginagawang masama sa 'yo, ah..." Actualy, may balak akong pagsamantalahan siya but-- Fuck s**t. Why in the world is he walking?! Teka-- Sunod-sunod ang hakbang ko paatras. Nanghihina ang tuhod niya habang lumalapit siya sa akin, pero kahit na! Malaki siyang tao. Nasa 6 something ang height niya. Matikas ang kaniyang pangangatawan at kung sanay siya sa p*****n, made-dehado ako! Ay, tanga. Kung takbuhan ko kaya siya? Hindi niya naman siguro ako mahahabol, ano? Lalo na ngayon, mukha siyang nira-rayuma-- "Hoy!" tili ko nang bumagsak siya sa akin. Sabay kaming bumagsak sa kama. At katulad ng mga cliché scenes sa mga cliché na libro, nakapatong siya sa ibabaw ko. Pero hindi love story itong kwento ko. Baka bigla niya akong balian ng leeg kung papairalin ko ang kalandian ko.  Ang bigat niya rin talaga. Saka alam naman ng lahat na hindi ako tanga, kaya naman nag-su-suspetsa na ako na baka galing militar ang gagong ito. Nitong nakaraan kasi, na-tunog-an ko na bubuksan daw ang mga kaso ng mga nawawalang mga tao 3 years ago, at hindi magandang balita iyon kung kasama ang pangalan ko sa suspects.  Saka may baliw bang ganito ka-fit ang katawan?  But anyways, who cares? Ang mahalaga ro'n, he's hot. Marahas n'yang hinablot sa kamay ko ang mga gamot at tinapon ito sa kung saan. Napalunok ako ng ilang beses. Biglang bumagsak ang ulo niya sa 'king leeg. "Ayoko ng gamot..." he whispered in a raspy voice.  Napa-sapo ako sa noo ko. "Nagpakahirap ka pang maglakad, eh, pwede namang magsalita ka na lang. Madali akong kausap, fafa Rexton." Pasikat ang walang'ya. May nalalaman pang pa-suspense, eh, ano 'yon? Parte ng exposure niya? Dude, ang korni. Hayun. Pasimple kong hinaplos ang matigas niyang tiyan. Pero bigla rin akong napatigil nang may naalala ako. Nandilim ang paningin ko't agad ko siyang tinulak palayo. Tanginang lalaking 'to. Akala ko ba pipi siya? Ba't biglang nagsalita? ###
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD