Prologue

539 Words
"Hayop ka! Walang kalaban-laban ang anak ko pero bakit mo ginawa 'yon?! Napaka-demonyo mo!" hiyaw ng isang matandang babae mula sa kumpol ng mga tao. Hindi ko siya gaanong maaninag dahil sa dami ng nasa paligid ko. Akmang sasagot na sana ako pero mabilis na hinila ng isang pulis ang aking braso. Napasimangot ako. "Patayin si Saica Dela Cruz! Mamatay ka na!" "Hayop ka! Wala kang awa! Demonyo ka!" Seryoso? Wala na ba silang ibang insulto na ibabato sa 'kin? Wala na bang bago? Muling inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Masyadong nakakasilaw ang flash ng mga camera. Para akong artista! Pak na pak! Gusto ko sanang kumaway sa mga fans kong minumura ako, ang kaso, nakaposas ako. Bahagya akong itinulak sa likod ng pulis para lumakad ako patungo ro'n sa glass door. Letcheng pulis 'to. Puwede namang magsabi siyang maglakad ako. Hindi niya na ako kailangang itulak! Saka wala siyang karapatang gasgasan ang maganda kong balat. Mahal ang ginastos ko rito. "Sandali lang, Ms. Saica! Sandali lang!" Napalingon ako sa gawi ng isang babaeng reporter na nasa bandang kanan ko at nakikipag-gitgitan sa iba pang mga taga-media. Tumigil ako sa paglalakad. Pilit akong hinihila ng mga pulis, ngunit dedma lang ako kaya sila na rin mismo ang tumigil. Masyado akong maganda ngayon para mag-adjust. "Isang minuto lang, Dela Cruz," bulong ni PO1 Lipata sa gilid ko. Tumango ako at muling lumingon sa babae. Tinitigan ko siya. Makinis siya at medyo may katangkaran. Naka-formal attire siya at masasabi kong bagay naman iyon sa kaniya dahil sa height niya. In short, mas maganda pa rin ako. "Oh, anong kailangan mo?" tanong ko sa babae. Nanlaki ang kaniyang mga mata, tapos ay agad niyang itinutok sa akin ang hawak niyang cellphone. May pagkataranta sa bawat kilos niya at parang hindi siya propesyonal na reporter. Or maybe natataranta lang siya dahil sa 'kin. Uh, ewan. "Ms. Saica Dela Cruz, ako si Leanne Villanueva. Anong masasabi mo ukol sa kagustuhan ng mga mamamayan na malaman ang buong katotohanan?" malakas at pasigaw na tanong niya. Nangunot bigla ang noo ko. Katotohanang ano? Na pinatay ko silang lahat? Umamin na ako lahat-lahat pero iyon pa rin ang tinatanong ng gagang 'to? In-ignore ko ang mga iba pang reporter sa paligid ko. Nag-pokus ako sa tanong niya dahil hindi ko magets ang katotohanang sinasabi niya. Teka, loading pa ako, eh. Mataas ang IQ ko pero medyo na-tanga ako sa tanong ng babaeng 'to. Bahagya siyang tumikhim, "I mean... totoo ba na isa kang nars sa isang mental?" seryosong tanong niya muli. Jeezuz Cries. C'mon! Natawa ako. "At bakit mo naman natanong 'yan?" Jusko. Alam ng lahat na isa akong nars dati! Argh, hindi naman sa nilalahat ko, ah? Pero ang dami talagang bobo sa Pilipinas. Muli akong hinila ng mga pulis, "Halika na, Dela Cruz!" ani PO1 Dantes. Tinitigan ko si Leanne Villanueva habang hila-hila ako ng mga pulis patungo sa kung saan. Nginisihan ko siya ng nakakaloko. Nang makita niya ang ngisi ko ay bahagya siyang napa-atras. Natawa ako nang rumehistro sa mukha niya ang kaba. "Yes, I was a nurse..." simula ko habang pilit akong hinihila ng mga pulis. Kinindatan ko siya, "But I become 'the' patient now." Ironic, isn't it? ###
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD