Chapter 6. Good morning

1769 Words
Nganga akong natitig sa bawat sulok ng kwarto. Magarbo ito at may sariling lutuan at banyo. Magkaiba sa pad ng mga employee sa building sa likod. They have the common toilet and bath over there, except for chef Omar. Kagaya rin ang sa akin ang sa kanya. Pero ang pinagkaiba nga lang ay nandito ang kwarto ko nabibilang sa matataas na mga ranking ng employee ng kompanya. Assistant Supervisor ako, at hindi Supervisor at mas lalong hindi Manager. Bakit ako napadpad sa building na ito? Wala rin akong nagawa nang matapos kung ayusin ang mga gamit ko. Hindi ko ito nilabas sa bagahe at ang tanging shampoo, sabon at toothpaste lang ang inilabas ko. Baka kasi mamaya ay ipapalipat ako. I surveyed the whole area and it was pretty decent. Towels are provided and so the other freebies. Parang hotel ang maliit na kwartong ito. Ganito naman kasi magmahal ang mga EL Real sa mga matataas nilang empleyado. . "Saang parte ka ba?" tanong ni Ivy. Gabi na at nandito kami ngayon sa staff lounge area. Imbes na makisali ako sa mga managers, at ibang matataas na ranking staff ay nandito ako nakikitambay sa lugar nina Ivy, sa mga ordinaryong employee. "Heto, Ivy. Marami ang kinuha ko," ngiti ng babae, at hindi pamilyar sa akin ang mukha niya. Tinitigan niya ako. "Ayaw ko makisali sa kanila. Nakakahiya," sagot ko kay Ivy. "Tama. . . Kahit ako, e mahihiya rin naman. Siya nga pala, si Ellen," pagpapakilala ni Ivy sa akin kay Ellen. "Hello, Bree!" sabay kaway at ngiti niya. Mukha siyang mabait sa tingin ko. "Hello," tipid na ngiti ko habang kumakain kami. "House keeping ako, ikaw?" si Ellen sa akin. "Assistant supervisor iyan," si Ivy na ang sumagot at napangiti lang din ako. Nagpatuloy na ako sa pagsubo. "Ahh. . . Ikaw pala ang pumalit kay Myra," saad ni Ellen. "Myra?" kunot noo ni Ivy. "Oo, si Myra. Pero wala na siya, andoon na sa Singapore. Nag resign sa trabaho noong nakaraang buwan. Rinig ko nag-asawa ng foreigner ," ngiwi ni Ellen. Napayuko ako at ganoon din si Ivy. Natahimik kaming saglit at napalingon kami sa tatlong grupo ng babae, na nasa kabilang mesa lang. Konti lang ang staff na housekeeping ng hotel na ito, dahil madalas ay nasa mismong loob ng hotel, ang mga attendants staff at iilan pa. Natahimik kaming saglit nang marinig namin ang pagtili ng iilan sa kanila. "Ang gwapo talaga!" "Sino? Si Sir Neo?" tugon ng isa. "Sino pa ba? Pero kay Sir Zalde pa rin ako," saad ng isa pa. "Ayaw ko sa elepante!" lakas na tawa ng isa. "Ayaw mo sa elepante pero kapre naman ang pinalit mo!" kantyaw ng isa at natawa na kami. Natawa na rin ako, dahil sila lang naman ang pinakikingan ng halos lahat dito. "Huwag kayong mahiya rito ha, Ivy at Bree. . . Ganito na talaga kami," ngiti ni Ellen. "Mababait ang mga kasama ko rito. Maliban nga lang sa grupo ng mga mataas," pagpatuloy ni Ellen at nawala lang din ang ngiti sa labi ko. "Oh, you mean the ones that where Bree was in?" ngiwi ni Ivy. Nakataas pa ang kilay niya habang nakatitig sa akin. Lumunok lang din ako. "Oo, alam mo. Nandoon kasi ang bawat kumpetensya. E, rito wala naman, dahil pare-pareho lang naman kami," si Ellen sa amin. Napatingin na tuloy sina Ellen at Ivy nang sabay sa akin. "Kaya mag-iingat ka, Bree. Medyo strikta si Miss Matilda, pero mabait naman," pagpatuloy niya. "Mabuti na lang at sa housekeeping ako," ngiti ni Ivy. Nagpatuloy na kami sa pagkain at nag-chismisan lang din sa ibang bagay. Natagalan pa ang pag-uusap namin hanggang sa lumalim na ang gabi. Nagpaalam na ako at bumalik na sa kwarto. Iba nga naman ang tahak ng daan ko, kumpara sa kung nasaan sina Ivy at Ellen. How I wish that I was in the same building with them. Pakiramdam ko kasi mas nababagay ako sa kanila kaysa sa magarbong bahaging ito. Tahimik ang lahat nang makalabas ako ng elevator. Nakatitig lang ang mga mata ko sa bawat numero ng kwarto hanggang sa ang numero ko na. Maingat ang pagbukas ko ng pinto at pumasok na. . MAAGA rin akong nagising at madilim pa ang langit. Naligo na ako, at nagtimpla lang din ng kape. May baon akong crackers, at ito lang din ang kinain ko. Inaabangan ko ang pagsikat ng araw at alam ko na malapit na ito. Nakakahiyang isipin na nandito ako sa unit na ito, dahil kakaiba ito at mayroong maliit na balkonahe sa labas. Lumabas ako at napasandal sa bakal na bahaging harapan. Hawak ko lang din ang tasa ng kape sa kamay ko. Napalingon ako sa katabi kong balkonahe. Umilaw kasi ang loob ng neto, kaya napalunok ako. Hanggang sa makita ko siyang lumabas mula rito. Ang akala ko ay si Miss Matilda, pero nagkamali ako dahil lalaki ito. Umiwas agad ako ng titig sa banda niya. Ayaw kong isipin niya na nakatitig ako sa kanya, at magkukunwari na lang din na hindi ko siya nakita. Nagsimula nang umilaw ang langit hanggang sa nagpasikat na si haring araw. Napangiti ako at pinikit ulit ang mga mata. . . Ang ganda nga naman ng umaga. Inubos ko na rin ang kape habang natitig sa bukang liwayway. Malamig ang hangin, at amoy mo lang din ang alat na dala nito. Maaliwalas ang lahat at ang huni ng iilang ibon lang ang maririnig mo sa paligid. Tahimik ang paligid ng resort at nang tumama ang kinang ng araw sa matatayog na puno sa gilid, at mas napangiti ako. Nag-marka kasi ang kakaibang kinang mula rito. "Good morning. . ." lihim na saad ko sa sarili habang nakatitig sa araw. At pikit-mata ang pagtitig ko rito. Dama ko pa ang init ng araw sa mukha ko. Napayuko ako at napamulat na. At sa hindi sinasadya ay una kong tinitigan ang balkonahe niya. I don't know him at all. Hindi ko siya kilala at hindi ko rin namasdan ang mukha niya kanina. Umiwas agad kasi ako, dahil ayaw ko na makikipag eye-contact sa kanya. "Good morning!" baritonong bati niya sa akin. At napalingon akong muli sa bahagi niya. "Hi. . ." tipid na sagot ko. At gumuhit agad ang ngiti sa labi ko. Makailang ulit pa ang pagkurap na ginawa ko. Hindi ko kasi maaninag ng maayos ang mukha niya, dahil sa tumama ang sikat ng araw sa kanya. Mas ngumiti siya at lumitaw ang malalim na dimple sa pisngi nito. Tinakpan na din niya ang mukha gamit ang kamay at nakatitig pa din na nakangiti sa akin. "Have we meet before? Ikaw iyong-" "Yes, that was me," he smiled sweetly. "It's nice to see you again," he continued. Tumango ako at tanging ngiti lang din ang naibigay ko. Umiwas na siya sa titigan namin at nakatitig na siya ngayon sa araw. At mataas na ito. . . Hindi ko pa inalis ang mga mata ko sa kanya dahil naging kampante ako sa iilang segundo habang nakangiting nakatitig sa kanya. Ang buong akala ko ay snob type siya. Hindi naman pala. . . Nag-t-trabaho rin ba siya rito sa Isla? Tanong ng isip ko. Bahagya na siyang gumalaw at umiwas na ako sa titig. Mariin ang paghaplos na ginawa ko sa tasa na hawak ko ngayon, at napaku pabalik ang mga mata ko sa malawak na dagat sa harapan ko. Ito lang din naman ang makikita mo mula sa ikalabing limang palapag na balkonaheng ito. Naaninag ko ang pag-atras na ginawa niya kaya nilingon ko ulit siya. Hindi na siya nakatingin sa akin dahil nakatalikod na siyang bahagya, at pumasok lang din pabalik sa loob ng unit niya. . "I don't want any complaints from our VIP's here. Treat them well and cater their needs. Always remember, that our customer is our priority. So please, give them the best experience in this Island Resort," saad ni Miss Matilda. "They're not just any normal customers, because they are all VIP's. And when I say VIP's they're beyond your expectations. Hindi katulad natin na mga normal. Pumupunta sila rito sa isla para makalayo sa abala nilang mundo," papatuloy niya. Nakikinig lang din ako kay Miss Matilda ng tahimik at seryoso. Nasa likurang bahagi niya ang iilang staff na angat ang mga posisyon dito. Isa-isa niyang pinakilala sa amin ito, at nagpakilala rin ako sa kanila. Hanggang sa nakilala ko na ang Superior ko, si Miss Jinky Bolivar. She's tall, pretty with a mix foreign look. Mestisa, maganda at mukhang tipid lang kung ngumiti. "Okay, all dismiss," saad ni Miss Matilda. At naiwan lang din akong natayo. "This way, Bree," arteng tugon ni Miss Jinky sa akin. At sumunod na ako sa kanya. Pero bago paman iyon ay nilingon ko muna si Ivy at kumaway sa kanya. Sumenyas siya na magsasabay kami mamaya sa lunch break at tumango ako. . Tahimik akong nakasunod kay Miss Jinky at tahimik din naman siya. Pumasok siyang nauna sa opisina at nakasunod lang din ako. Seryoso ang mukha at walang titig sa akin nang halungkatin niya ang kapal na mga papelis niya sa ibabaw ng mesa. "Here, Bree," sabay lahad niya nito, at tinangap ko ito. "Just review them up. Iyan kasi ang mga naiwan ni Myra noon," sabay buntonghininga niya. "Sana magtagal ka. Ayaw na ayaw ko sa isang tao na agad sumusuko. Mag-sabi ka na sa akin ngayon kung may boyfriend kang foreigner at magpapakasal na kayo sa susunod na mga buwan? Dahil ayaw kung mag-aksaya ng oras at panahon ko sa pag-tuturo sa'yo." Gumuhit ang kaba sa puso ko habang tinatangap ko ito mula sa kanya. "W-wala po, Ma'am. . . W-wala po akong boyfriend, at lalong wala pa po akong planong mag-asawa. Bata pa po ako," lihim na ngiwi ko. Nakatitig na ako ngayon sa kapal ng papelis sa kamay ko. "Then, that's good to hear. How old are you again?" Binalik ko ang tingin sa kanya at napangiti na. "Twenty-four, Ma'am Jinky," saad ko. At tumango na siya. Hindi pa rin nakangiti. "Okay, that's your table there," sabay turo ng hintuturong daliri niya sa unahan na banda. Napatingin ako sa bahaging iyon at humakbang na patungo rito. Medyo maalikabok na ang mesa. Halata na walang gumagamit nito. Maingat kong nilapag ang mga papelis na bitbit ko at kinuha ang maliit na basahan sa gilid. Nilinis ko na ang lamesa ko. "Hindi ako madalas rito sa Isla dahil naka-assign din ako sa kabila. I will only be having my office here twice a week, Bree. So take note of everything that I'm about to say," pagsisimula niya. . C.M. LOUDEN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD