Hindi naman mahirap dahil kagaya rin ito ng trabaho ko sa kabilang Hotel. Iyon nga lang, ang pagkakaiba rito ay ang uri ng mga bisita na meron sila.
Hindi karamihan ang guest, pero para kanang natataranta. Halo't-halo na mga sikat na celebrity, at ang iba ay mga bigating tao sa ibang bansa.
Mabilis kong nakuha ang lahat nang pinagawa sa akin ni Miss Jinky. At mabilis ko rin natapos ang pag-review sa mga naiwang trabaho ni Myra noon. At sa loob ng dalawang araw ay na clearing ko agad ang detalya ng trabaho niya.
.
"Impressive, Bree," ngiti ni Miss Jinky sa akin.
Ngayon ang panghuling araw niya sa islang ito at babalik na ulit siya sa sentro. Sa ikalawang linggo pa ang balik niya rito.
"Just stick to your duty, Bree. And don't forget to check your members. Madalas kasi sa kanila ay nag-chi-chismisan lang sa gilid. Kaya't hangga't maari ay suwayin mo. Ayaw na ayaw kong makikita ni Mr. Elizalde ang ugaling ito."
"Y-yes, Ma'am," tipid na sagot ko.
"And how do you like your new unit? Gusto mo ba?" titig niya sa akin.
Iba ang kinang ng mga mata niya. Nagtatanong lang ito, at mukhang concern siya sa akin.
"O-okay lang naman, Ma'am. . . K-kaso naasiwa ako. Pakiramdam ko hindi ako bagay sa unit na iyon, Ma'am. Mas gusto ko roon sa normal na pad na kung nasaan ang lahat ng mga staff rito."
Lihim akong napalunok habang nakatitig sa kanya. Nagbabakasakali na baka mailipat niya ako roon sa kung nasaan sina Ivy at Manong T.
"Well, you will get used to it, Bree. Diyaan din naman ako nagsimula."
Tumayo na siya at kinuha na ang pink folder niya. Alam kong aalis na siya ngayon at simula mamaya ay ako na ang tatayong pamalit niya.
"Just don't mind them. If you don't want to be the talk around the heads, then just keep your distance away from them," taas kilay niya.
Tumango na ako at nakasunod lang din ako sa kanya.
.
Sabay kaming lumabas at sumakay sa elevator pababa. Ito na ang panghuling roving niya sa linggo'ng ito dahil bukas ako na ang gagawa.
"Tidy things up, Bree. Ayaw ko ng makalat. Be firm to them and as much as possible keep a distance between them," pagpatuloy niya.
Napatitig na tuloy ako sa likurang bahagi niya nang makalabas kami ng elevator.
Kaya nga siguro hanggang ngayon ay single pa rin siya, dahil ito sa standard at katayuan niya. Masyado siyang perfectionista. Pero hindi ko rin masisisi si Ma'am Jinky. Mataas na kasi ang naabot niya, at higit na siyang pinagkakatiwalaan ng mga Del Real.
Napatingin ang tatlong in-charge sa front desk sa amin at binate nila si Miss Jinky. Nakasunod lang din ako sa likod. Nahinto ako nang mahinto siya at humarap siya sa akin.
"Don't hide behind my shadow, Bree. Hindi ako nangangagat ng tao," sabay irap niya at nagpatuloy na sa paglakad.
Mabilis din akong humakbang at pumantay na ako sa kanya. E, mukhang ayaw niya yata na nakabuntot ako sa kanya.
Lumabas kami sa likurang bahagi para ma-check ang pool part area. Pareho kaming nahinto at tinangal lang din ni Miss Jinky ang suot niyang salamin.
Kunot-noo akong napatitig sa iilang mga bisita na naliligo sa infinity pool na nandito. Hanggang sa mapako ang paningin ko sa banda si Sir Zalde at sa lalaki na kasama niya.
Magkaibigan sila? Isip ko habang pinagmamasdan si Sir Zalde at ang lalaking nakatira sa katabing unit ko.
"Mr. Elizalde El Real is always here. May sarili siyang mansyon at hindi ito kalayuan dito. So, don't be surprised if you see him every morning here, sitting while drinking his coffee."
Tumango ako at umiwas sa titig sa direksyon na kung nasaan sila. Iba na ang tinititigan ko ngayon, ang babaeng ubod ng seksi at ganda na naliligo sa pool. Mukha siyang artista.
"You know the rules, right? Bree?" sabay harap niya sa akin. At nagtitigan na kami.
"Yes, Ma'am."
"Good, keep everything private," sabay irap niya.
Humakbang na siya at sumunod na ulit ako sa kanya. Iilang roving pa ang ginawa namin bago kami natapos.
I have to do this every morning anyway. Since, ako ang bise-superior niya ay alam kong ito ang trabaho ko sa tuwing wala siya rito.
"And one more thing," seryosong titig niya sa akin.
"Hangga't maari ay iwasan mong makihalubilo sa mga mataas. Every department is different with their own task. Iba sina, Miss Matilda, sina Mr. Reynolds at ang iba pa. If you don't want to be the subject here, then keep your distance away from them. Huwag mo rin pagnasaan si Mr. Elizalde, dahil masasawi ka lang," arteng tugon niya at nakataas pa ang isang kilay nito.
"W-wala naman po akong plano, Ma'am," sabay lunok ko.
"Then, good," sabay hakbang niya. At nakasunod ulit ako.
Napanguso ako sa sarili, at napatitig ulit sa likod ni Miss Jinky.
Kung susundin ko ang yapak niya ay tiyak magiging matandang dalaga ako. E, sa edad niyang trenta'y utso ay wala ni isang boyfriend daw siya. Kaya madalas ay nakataas ang kilay niya sa mga baguhan dito. . . Iyon ang naririnig ko.
"Okay, that's all for today, Bree. I will see you in two weeks," tipid na ngiti niya sa akin.
"Here, take this," sabay bigay niya sa pink folder na bitbit niya.
Tinangap ko ito. Ang akala ko ay dadalhin niya ito, hindi pala. Dahil para pala sa akin ito.
Hinawakan na niya ang maliit na maleta at naghihintay na ang staff ng yate sa entrada sa kanya.
"That's your reference. Read it carefully, okay?" ngiti niya at tumalikod na.
.
"Grabe! Nakita mo iyong seksi na artistang si Mimi?" saad ni Ivy.
Tahimik akong kumain na kasabay sila, at katulad ng nakagawian ko ay nandito ako nakikisiksik sa grupo nina Ivy at Ellen.
Hangga't maari ay iiwas ako sa mga chismis sa kabila. Pero mukhang mas malala yata ang chismis dito na dala ni Ivy at Ellen.
"Ah, si Miss Mimi ng South Korea? Ang ganda 'te! Sana all talaga. . ." tulalang nguya ni Ellen.
"Oo, grabe ano. . . Kaya hayon, lampungan lang din kay Mr. Zalde," pagpatuloy ni Ivy.
Nahinto ako nang subo at tinitigan na siya. I'm trying to tell her by just staring at her to minimize her voice. Nakatitig na kasi ang iilang house keeping sa amin.
"Aww, peace," senyas ng kamay niya sa akin.
"Shh, kung may chismis ka Ellen, ibulong mo na lang sa akin, okay?" ngiti ni Ivy.
"Mahirap na. Baka mapagalitan ka na naman ni Miss Odette. Ang arte pa naman ng bruhang iyon!" taas kilay ni Ivy.
"Hay naku, si Miss Odette?" ngiwi ni Ellen. Mahina na ang boses niya ngayon.
"Nagpapacute lang iyon palagi kay Sir Neo. Akala mo naman papansin, E sadyang palangiti lang talaga si Sir Neo ano! Nginitian din kaya niya ako kahapon," lawak na ngiti niya.
"T-talaga? Ang bait niya ano?" si Ivy sa kanya.
"Oo, naman. Mabait siya. . . Noong nakaraang linggo nga ay nagbigay siya ng treat sa aming lahat sa house keeping. Nilibre niya kami, at ang bongga ng pagkakalibre. Mabusilak talaga ang puso ni Sir Neo," pagpatuloy ni Ellen.
Tumikhim na ako at pilit na inaalis ang konting sagabal sa lalamunan ko. Ininom ko na rin ang tubig ko.
"Di ba magkatabi kayo ng unit ni Sir Neo, Bree?" si Ellen sa akin.
Nahinto ako sa pagsubo at tinitigan na siya. Nakatitig din si Ivy at kumurap pa ang mga mata niya. Hindi ko kailanman kinuwento ito, dahil isang beses lang naman na nakita ko si Neo sa balkonaheng iyon. E, sa hindi ko na siya nakita ulit. Kaya napaisip ako na wala ng nakatira sa tabing unit ko.
"Magkatabi kayo ng unit?" awang ng labi ni Ivy sa akin.
"H-ha? H-hindi ko alam," kibit-balikat ko. "Hindi ko naman siya nakita ano. At hindi ko kilala ang mga nasa tabing unit ko."
Napangiwi si Ellen at nagpatuloy na sa pagsubo.
"Kung sa bagay, bago ka pa lang kasi. Pero iyon ang unit ni Sir Neo rito, ang katabing unit mo. Pero sa pagkaalam ko ay madalas siyang nakatira sa mansion ni Sir Zalde," si Ellen.
Uminit lang din ang tainga ko, na parang nagiging interesado na ako sa chismis niya. Gusto ko sanang magtanong, pero ayaw ko.
"T-talaga? Matalik na magkaibigan ba sila?" si Ivy. Siya na ang nagtanong sa gustong tanong ko kanina.
"Oo. . . Kada tatlong buwan bumibisita si Sir Neo rito. Parang naging pangalawang tahanan na niya ito."
"Nagtatagal ba siya rito? Wala ba siyang asawa o anak?" si Ivy.
"Ay wala pa. Single pa iyan katulad ni Sir Zalde. Noong nakaraang tatlong buwan nga nag-bonding sila mga barkada rito sa Isla. Ang g-gwapo nila lahat at makalaglag panty talaga! Mga hindi ordinaryong tao, pero malalapit ang mga puso nila sa mga mahihirap. Kita mo naman si Sir Zalde. Nagmana sa mga magulang niya," pagpatuloy ni Ellen.
"Ang swerte nang mapapangasawa ni Sir Zalde ano?" si Ivy sa kanya.
"Oo talaga! Pero rining ko - "
Nahinto si Ellen at pasimpling nilingon ang paligid namin. Wala ng natira na tao rito sa canteen na ito dahil tapos na ang lahat. Kaya kami na lang din ang nandito.
"Ano?" pabulong ni Ivy sa kanya.
"Rinig ko, e, iba ang type niya," bulong ni Ellen sa aming dalawa.
"Hala!" Namilog ang mga mata ni Ivy at napatakip bibig na siya.
"Don't tell me, OMG!" titig niya sa akin.
Tumitig na siya ngayon sa akin at napailing na ako. Tinapos ko lang din ang pagkain ko. Nahinto na tuloy ako at nagpalipat-lipat ang titig ko sa dalawa ngayon.
"Kaloka talaga kayo ano! Magsitigil na nga kayo! May trabaho pa tayo," agad na suway ko. Pero hindi nahinto si Ivy at nagpatuloy lang din.
"OMG, is it Sir Neo?" pabulong na saad niya kay Ellen. At ngumiti lang din si Ellen na parang sira!
"Wala akong sinabi, Ivy. Pero understanding naman ako. Haler! We are only human beings and we are weak," bahagyang tawa niya.
"Weak ka nga! Kaya baliw ka sa asawa mo," kantyaw ni Ivy sa kanya.
"Okay lang. . . Basta ang importante ay busilak ang puso. Kaya ikaw Ivy! Huwag ka ng mag-inarte! Sagutin mo na si Chef Omar," lakas na tawa ni Ellen. At tumayo na siya.
"Che!" agad na sagot ni Ivy sa kanya.
Napangiti na ako, at niligpit ko na ang pagkain ko. Napatingin ako sa oras sa relo, at sampung minuto na lang at magsisimula na ulit ako sa trabaho.
"Tama na nga ang chismis! So, ano naman kung bakla nga siya? Mas mabuting na nga'ng magiging bakla kaysa sa magiging manluluko pa!" palatak ko habang isa-isang pinasok ang mga gamit ko sa loob ng bag ko.
Wala na akong narinig mula sa kanila, kaya ngumiti akong napatitig sa kanilang dalawa. Pero napaawang lang din ang labi ko, nang makita ang isang tao sa harapan naming tatlo.
"H-hello po , Sir Neo!" senyas ng kamay ni Ellen at gumuhit agad ang kakaibang kaba sa puso ko.
"Good afternoon, Sir," pormal na tugon ni Ivy.
Bahagya siyang ngumiti sa dalawa, at umigting lang din ang panga niya habang nakatitig sa akin at hindi na ako nakapagsalita pa.
.
C.M. LOUDEN