Chapter 5. El Real Island

1766 Words
Nang maimulat ko ang mga mata ay wala na ang lalaking nasa tabi ko. Nagising kasi ako, dahil naramdaman ko ang lakas nang pagkakalapag ng pribadong eroplano na ito sa lupa. Nabigla pa ako, at nataranta sa sarili. Akala ko, kung ano na? E, landing na pala.   Naunang lumabas ang iilan na nasa private part na upuan, at katapat lang ito na kung nasaan ako nakaupo. Lumingon ako sa labas at nakita ko siya na may kasamang iilan pa. Tatlo sila, pormal ang bawat tayo at halatang mga mayayaman sila, dahil sa pananamit nila. Sinabi na sa amin ni Ma'am Odette na may makakasabay kami papunta rito. Dapat sana ay sa pampublikong eroplano kami, pero hindi natuloy. Dahil nagbigay ng noticed ang may-ari ng El Real sa kanya, na sasakay kami sa pribadong eroplano na pagmamay-ari nila.   "Wow, iba ang hangin ano?" si Mr. Tablea, o mas kilala ko sa tawang na Manong T. "Alam mo agad, Mr. T?" ngiti ni Ivy sa kanya. "Oo, naman. . . Alam ko ang amoy ng malinis na hangin kumpara sa hangin na puno ng polusyon sa paligid," dagdag niya. "Oo nga. . . Pero kinakabahan ako, baka kasi tigre o leon ang head boss ko," bawing saad ni Ivy. "E, walang tigre-tigre o leon sa akin. Ako ang hari sa kusina, kaya huwa'g silang magkakamali!" si Chef Omar. At natawa na akong lihim. Napansin din niya agad ito at nahinto siyang namaywang na nakatitig sa akin. "Anong nakakatawa, Bree?" seryosong biro ng boses niya. Kilala si Chef Omar na palabiro, at magaling makisama. Siya lang din ang isa sa mga head chef ng hotel na malapit sa amin. Malapit din siya sa lahat ng customer, kaya madalas ay siya ang ni-re-request na magluto sa order nila. "Wala. . . Basta ipagluto mo kami ha," pagbibiro ko at binilisan ko na ang hakbang ko. "Oo, you promise us, chef. Kaya huwag na huwag mong kakalimutan iyon!" si Ivy sa kanya. "Syempre, hindi. Espesyal kayo eh. . . Kayo ang pamilya ko rito," sabay akbay niya kay Manong T. "Manong T? Masahe tayo mamaya," saad niya kay Manong T at napangiti na kami ni Ivy sa kanilang dalawa.   Sinundo kami ng van ng hotel. Ang buong akala ko ay malapit lang ito, pero hindi dahil bumyahe pa kami ng halos tatlong oras. At sa tatlong oras na iyon ay sumakay kami sa pribadong yate. Mula sa kinatatayuan ko, ay tanaw ko ang Isla El Real mula rito. Malaki ang Isla na ito, pero hindi pa tapos ang runway. Balita ko kasi ay magbubukas pa ito sa susunod na mga buwan. Kaya ang bawat VIP's ay sinusundo ng pribadong yate o 'di kaya ay ng helicopter para makarating sa Islang ito.   "Iba talaga ang mga mayayaman ano?" si chef Omar sa tabi ko. Napatingin kaming tatlo sa himpapawid. Panay kasi ang pabalik-balik ng helicopter sa ere. Sa tingin ko nasa tatlong klaseng helicoter ito. Sigurp may even na nagaganap sa Isla ngayon, dahil mukhang abala ang piloto. "May event yata sa Isla?" si Ivy. At kagaya ko ay nakatingala rin siya. "Siguro nga. E, sa hitsura pa lang ng mga helicopter na iyan ay mukhang bigatin ang mga bisita," saad ni Manong T.   Lihim akong napabuntonghininga sa sarili pero nakangiti naman. Naghalo ang kaba at excitement sa puso ko. Kabado ako, dahil hindi ko alam ang bagong mundo ng trabaho ko, at natatakot ako sa mga tao sa paligid ko. Pero excited, dahil panibagong experience sa buhay ko.  . NANG makarating kami sa port ay kakaiba nga naman ang pagtangap nila sa bawat bisita. May kasabay kasi kami sa yateng ito. Nasa panghuli kami dahil unang lumabas ang mga naka VIP. The staff warmly greeted each visitors with aloha garlan flowers necklace and crown. It's refreshing and I couldn't help myself but I just kept on smiling. Apat na mga babaeng staff ang sumalubong, na siyang nagbigay ng bawat kwintas na bulaklak sa bawat bisita. At katabi naman nila ay ang apat na singer na bitbit ang gitara habang tumutugtog ng kanta. It was a native song and very lively. Nilibot agad ng mga mata ko ang harapang bahagi at namangha lang din ako. Hindi ko inakala na Pilipinas pa din ito. Para kasing nasa Hawai na ako. Ganitong-ganito kasi ang nakikita ko sa bawat magazines sa mga Hotels ng Hawaii.   "Hello, welcome to the El Real Island Resort!" saad ng isang staff na nakangiti. Ang ganda pa niya at kakaiba nga naman ang ngiti niya. "Ang ganda. . . Woahh!" manghang tugon ni Ivy. "Grabe, hindi ko inakala na ganito pala kaganda ang El Real Island!" pagpatuloy niya. Humawak na siya sa braso ko at ramdam ko ang lamig ng kamay niya. "Nasa bansang Pilipinas pa ba tayo, Bree?" pabulong niya, at napangiti na ako. "Oo, ano ka ba!" ngiti ko. Sabay kaming humakbang pababa. Nauna na sina Chef Omar at Manong T, at una nilang tinangap ang mga bagahe namin bago kami humakbang ni Ivy. "Salamat, Manong," saad ko nang maibigay niya ang bagahe ko. "Bagay ka nga rito, Bree. . . Lahat nang mga nakikita ko ay magaganda," pagbibiro ni Manong T. Napailing na ako at hindi na nagsalita. "Hindi ba ako kasali sa mga magaganda, Manong?" singit ni Ivy. "Aww syempre, para sa akin ikaw ang pinakamagandang babae sa Isla," sagot ni Chef Omar. At sabay kaming natawa ni Manong T sa kanila. "Hahaay. . . Bilis-bilisan mo, Omar. Baka maunahan ka," si Manong T kay Omar. "Hay, naku! Foreigner ang type ko. Iyong maputi at blue eyes!" ismid ni Ivy. At hinila na niya ako. "Bilisan mo nga, Bree! Gusto ko ng maligo!" arteng tugon niya, at natawa na ako.   Sa aming apat ay si Manong T ang matanda na. May apo na nga siya at lahat ng mga anak niya ay may kanya-kanya ng pamilya. Matagal na silang nanilbihan sa El Real Hotel, at heto ang binigay na retirement age work ng kumpanya sa kanya. He can honestly retire if he wishes. But then again, he wanted to keep working. Fifty-years-old ang retirement age ng kumpanya. Pero kung kaya mo pa at gusto pa'ng mag-trabaho ay nagbibigay ng espesyal na rewarding jobs ang kumpanyang ito. Si Ivy naman ay labinlimang taon na kumpanyang ito. Single, at nasa kwarentay tres na. Pihikan pagdating sa lalaki, pero magaling siya sa linya ng trabaho. Si Chef Omar ay isang divorcee. Mabuting na lang at sa Canada sila noon kinasal ng ex niya, at simula noon ay hindi na muli siya nag-asawa. Omar secretly liked Ivy, but because of Omar physical appearance and Ivy's high standard, ay hindi rin pumasa si Omar sa kanya. Pandak at maitim kasi si Chef Omar. Taliwas sa lalaking nasa imahinasyon ni Ivy. Kaya parang aso't pusa ang dalawa.   "Welcome newbies!" taas kilay na tugon ng isang babeng pormal sa amin.   Nawala agad ang ngiti ko sa labi at inayos ko ang sarili. Alam ko na siya si Miss Matilda, ang Manager dito. "Good afternoon, Miss Matida!" pormal na salita ni Chef Omar sa kanya. Halata sa boses ni Chef Omar ang speaking foreign nito. "Hi there, Chef Omar. Welcome to your new kitchen," pormal na tugon ni Miss Matilda. At nakataas lang din ang kilay niya. Halatang strikta ito. Natahimik na kami at sumunod na sa kanya.  . Sa isang malaking hallway kami pumasok. Taliwas sa kung nasaan naka check-in ang mga bisita for entry. Naupo kaming apat dahil may kinuha si Miss Matilda, at tahimik lang din kami. Walang ibang tao sa paligid at ang hangin lang ang nagbibigay musika sa tainga ko ngayon. Iniluwa pabalik si Miss Matilda, na ngayon ay may bitbit nang susi sa kamay niya.   "Chef Omar," sabay bigay niya kay Omar sa susi neto. "That's your room key." "Thank you," si Chef Omar sa kanya. "Manong T," arting saad ni Miss Matilda kay Manong T. At binigay niya ang susi nito. "And this is one for you, Ivy," si Miss Matilda kay Ivy. At ibinigay ang susi nito. "Come over this part, guys," saad niya at sumunod agad kaming apat sa kanya. I looked at Manong T and Chef Omar. They've got the opposite numbers, and I'm sure magkatabi ang kwarto nila. Iba rin naman ang numero ni Ivy. Nagtitigan kami, at halata na nagtatanong ang mga mata niya. E, wala kasing susi na binigay si Miss Matilda sa akin. "Ba't walang sa'yo?" mahinang bulong ni Ivy sa tainga ko. "E, baka hindi pa ako kasali. E, baguhan lang ako," sabay lunok ko. Totoo naman, baguhan lang ako sa kumpanyang ito. Ang alam ko kasi, lahat ng mga empleyado na naka-assign sa Islang ito ay may sari-sariling kwarto. Kaya kahit na malayo ang islang resort na ito ay marami ang naghahangad na mapalipat dito, dahil sa magagandang benepisyo.   Isa-isang pinakita ni Miss Matilda ang bawat kwarto nila. Naka-separate nga naman ang isang buong building na ito, at nasa likurang bahagi ng Hotel Resort ito. Para itong Condominium, at mayroon labinlimang palapag ito. Konti lang ang mga tauhan na nandito, kaya maraming bakante na kwarto.   "And as for you, Miss Soledad. Follow me," arteng tugon ni Miss Matilda at humakbang na siyang nauna.   Kumaway na ako kay Ivy, dahil pumasok na sila sa bawat kwarto nila. Patakbo akong nakasunod kay Miss Matilda na hila-hila ang bagahe ko. Sumakay kaming elevator at lumabas ng staff building. Pumasok sa likurang bahagi ng hotel at sumakay ulit ng elevator pataas. Tahimik ako, at panay lang din ang paglunok sa sariling laway ko. Kinakabahan, dahil ito ang una ko sa lahat.   "Which school you did you came from?" arteng tanong niya. "Um, A-ateneo de Manila, Ma'am." Tumango siya at hindi na nagtanong pa. Bumukas ang elevator at nasa ika-bente-singkong palapag na kami, ang panghuling tuktok na gusali. "You will only be temporary at this room anyway. . . Hindi ko alam, kung anong koneksyon mo sa may-ari. Pero dito ka niya gustong ilagay," seryosong titig niya sa akin. Gumuhit ang kaba sa puso ko habang nakatitig sa mga mata niya. "Here's your key," lahad niya nito. At napatitig lang din ako. Hindi ko kayang kuhanin ito sa kamay niya ngayon. "Ma'am. . . P-pwede po ba na kay Ivy na lang ako?" sabay lunok ko. E, sa amoy pa lang ng palapag na ito ay mukhang mamahalin na. Kaya natatakot ako. "Bawal, Miss Solidad. I know you knew the rules," seryosong titig niya sa akin. At siya na mismo ang naglagay ng susi sa kamay ko. "I will see you tomorrow, early at seven 'o clock," sabay talikod niya.  . C.M. LOUDEN        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD