Chapter 4. Snob

1719 Words
"Congratulations! Ano? Treat mo ako?" ngisi ni Tina sa harap ko. "Kung may pera lang sana ako e-treat kita. Kaso, wala pang sweldo," ngiwi ko. At tinangal ko na ang mahabang heels na suot. Nilagay ko ito sa loob ng paper bag at stinelas na ang sinuot ko. Tapos na ang trabaho at alas syete na. Sabay kaming dalawa ni Tina sa shift na ito, kaya sabay rin kaming uuwi at maglalakad. "Nakakagutom," saad niya, sabay kuha sa bag niya sa loob ng locker. Nakuha ko na ang akin at tinangal ko na ang tali sa buhok ko. Kanina pa kasi ako naasiwa sa rubber plastic na ito. Kung nahanap ko lang sana ang pantali ng buhok ko kanina, ay hindi ko gagamitan ang elastic na ito. Pero kasi hindi ko alam kung saang lupalop ito napunta. "Ako rin, gutom na."   Nauna na siyang lumabas at nakasunod lang ako sa likod niya. Nag scan ang security sa katawan namin bago kami nakalabas sa employee's area. Kahit na wala ako sa sales department ay lahat kami dumadaan sa prosesong ito. Hotel naman ang El Real, pero kasi mayroon itong iba't ibang klaseng departamento, at lahat kami ay dapat dadaan sa tamang proseso. Ang mga head ng department at mga taga accountings lang din ang hindi na chinicheck ng gwardiya.   "Hmm, ang bango ng barbeque sa hangin!" sabay amoy niya. Napatingin na tuloy kaming dalawa sa mga nagtitinda ng inihaw sa gilid. "May bente ako. Ito na lang treat ko sa'yo," ngiti ko. At gumuhit ang malawak na ngiti sa labi niya. "Yes! Thank you, friend!"   Dalawang karne na baboy stick at limang tuhog ng intestine ng manok ang binili namin. Dinagdagan pa ito ni Boyet, kilala niya kasi kami at madalas naman kaming bumibili sa mga inihaw na paninda niya.   "Alam mo, crush ka yata ni Boyet ano? E, dinagdagan niya ng limang chicken intestine," tiling tugon ni Tina. At kumindat pa siya. "Tumahimik ka nga! Nakakahiya nga. Sabi ko naman sa'yo na sa unahan tayo bibili. E, ang landi mo kasi!" ngiwi ko. At natawa na siya. "Ayaw mo nu'n may extra tayo?" pilyang ngiti niya at napailing na lang ako.  . Mabilis kaming nakarating sa boarding house, at mabilis din akong nakapaligo at palit ng damit. I know it may sound weird to others but I do have my shower at night time. Naliligo ako bago kumain para malinis na ako sa sarili. Nasanay na rin si Tina sa ganitong estillo ko. Mabuti na lang at kaming dalawa ang magkasama sa iisang kwarto. May dalawang kama at dalawang maliit na mesa. Kahit papaano ay nagpapasalamat ako, dahil mabait siya at ma-respeto sa lahat ng bagay rito. Okay naman sana sa akin na ako lang, kaso medyo mahal din ang renta. Kaya noong nalaman ko sa trabaho na naghahanap siya ng boarding house ay hindi na ako nagdalawang isip na makipaghati sa kanya sa kwartong ito.   "Ayan, handa na. Let's eat!" Nauna na siyang naupo at pinaikot-ikot ko lang ang tuwalya sa ulo ko. Tinali ko nang mabuti ang buhok ko sa tuwalya para matuyo ito. Naupo na rin ako sa upuan at nakangiting pinagmasdan ang pagkain namin sa hapag. Maliban sa ulam na nabili namin ay may tuyong isda pa kami rito.   "Salamat nga pala sa nanay at tatay mo," saad ni Tina sa akin na nakangiti. Nakakamay na kami habang kumakain. "Walang anuman," sabay subo ko.   Noong nakaraang linggo ay naipadala ni tatay ang isang sakong bigas galing sa harvest sa farm. Mabuti na lang at libre itong naisakay kasama ang mga delivery ng bigas rito sa Maynila na galing pang Mindanao. Malaki ang lupang sinasakahan nina nanay at tatay, at mabait ang may-ari, sina Don Agusto El Real at Donya Condensya. Kada buwan ay tone-toneladang bigas ang nakakarating rito sa bodega nila sa Maynila. At dahil alam ni tatay na papunta rito ang delivery na malalaking trucks ay nakiusap siya sa driver, na si Mang Canor ng para sa akin. Kaya kinuha ko pa ito sa bodega ng mga El Real.   "Ang swerte mo sa mga magulang mo, Bree," ngiti niya at nahinto pa siya sa pagsubo. Napangiti na ako sa kanya. "Ma-swerte rin naman ako sa mga magulang ko, Tina. . . Kahit na hindi kami mayaman ay ginapang nila ang pag-aaral ko, kaya bumabawa lang ako," ngiti ko. Napangiwi siya na parang naiiyak. Napailing na lang din ako sa sarili, at nilagyan ko pa ng maraming kanin ang plato niya. "Kumain ka ng marami dahil marami tayong bigas."   Napatingin na siya sa kanin niya sa plato at tumitig ulit sa akin. Ngumiti lang din ako. Sa loob ng anim na buwan ay nakilala ko na ang ugali ni Tina at ang pinang-galingan niya. Mahirap, pero nagsusumikap siya. Katulad ko, laking probinsya rin siya. Pero ang pinagkaiba namin ay wala na siyang mga magulang at ang tiya na lang niya ang nag-aalaga sa kanya. Hindi siya nakatapos ng pag-aaral at gustong ipagpatuloy ito. Kaya nag-iipon siya ng pera.   "Mamimiss kita," yukong tugon niya habang nakanguya. "Don't worry, kapag nag-request sila sa Isla ng bagong employee e-rerekomenda kita." "Sana nga. . . Pero alam mo naman na hindi ako katulad mo. Ang talino mo kaya at ang taas ng performance mo sa trabaho." "Magsikap ka lang, at tiyak maabot mo rin ang pangarap mo," ngiti ko. "Oo, susunod ako sa'yo!" lawak na ngiti niya.   Masaya kaming kumain at wala ng imikan. Ganito na kami ni Tina sa tuwing kumakain.   *** "Ano? Handa na ba ang lahat?" si Ma'am Odette sa amin. Nakalinya kaming apat at katabi namin ang mga bagahe namin. Isang malaking luggage ang dala ko. Ito na ang kabuuang damit at gamit ko. Wala naman ako masyadong damit, at madalas ay pabalik-balik lang naman ang damit ko. The El Real Hotel provides all our needs and that includes our working clothes. Libre na din ang dormitory roon, at ang pagkakaalam ko ay medyo kakaiba nga lang ang pamamalakad sa Isla na iyon. Kinakabahan ako, dahil ito ang bagong assignment ko bilang isang assistant Supervisor. "Bree? You know what to do, okay? Huwag mo akong ipahiya roon. You are the first in my team, and got accelerated," seryosong saad niya, at napalunok ako. "Yes, Ma'am," buong tugon ko. "Now, each one of you will be assign there according to their own rules. Makinig kayo sa mga superior ninyo, at ayaw na ayaw ko ng reklamo. If the management likes your performances there? Then you know what's next," ngiti ni Ma'am Odette, at napangiti rin ang iilang mga kasamahan ko. Kasama namin ang head chef na si Omar, ang head cleaner na si Ivy, ang head gardener na si Mr. Tablea, at syempre ako, na under training ng assistant supervisor ni Clara. Ang akala ko nga ay hindi ako ma-po-promote dahil sa iilang mga demerits points ko, pero kahit papaano ay nagpapasalamat pa din ako. Dagdag tulong na kasi ito sa pangangailan ko. "Okay, be safe team and all the best!" si Ma'am Odette sa amin.  . MATAAS ang biyahe namin at tatlong beses kaming palipat-lipat ng bus. At ang panghuli ay ang maliit na probadong eroplano ito. I believe the private plane itself was owned by the owner of the El Real Hotel and Resort in the Island. Mayaman ang mga El Real, lahat ng klaseng negosyo ang meron sila. Pero ito ang pinakamalaki at sikat na pag-mamay-ari nila, ang El Real Hotels. Isang beses ko lang nakilala ang totoong may-ari noon, at sa probinsya pa. Ang akala ko nga ay kakaiba sila, pero simpli lang din at hindi mo mahahalata na sila pala ang nag-mamay-ari nito. I heard from gossip in our province that the El Real families are very down to earth, but pretty strict. Apat ang anak nila, at tatlo ang lalaki. Nasa labas ng bansa ang dalawang lalaki nakatira, at narito ang isa na siyang namamahala. Ang babae naman ay nasa Pransya.  . UMAYOS ako sa pagkakaupo sa upuan ko sa loob ng eroplano. Sa bahaging bintana ako, at wala akong katabi. Nasa kabila kasi ang mga kasamahan ko. At sa bandang upuan na ito, na malapit sa exit ako pinaupo ng stewardess. Nang handa na ang lahat, at rinig ko na ang pag-andar ng eroplano ay isang matipunong lalaki agad ang tumabi sa akin. Mabilis akong napalingon sa kanya, at mabilis niyang inayos ang sarili. Naka-sunshade siya, at hindi ko nakikita ang mga mata niya. Pero ang tangos ng ilong niya, at malinis ang gwapong mukha. Gusto ko pa sana siyang titigan para mamasdan lalo ang hitsura niya, pero hindi ko na ginawa. Nakakahiya naman kung gagawin ko ito sa mismong katabi ko.   When the plane descended, I shut my eyes and offered a silent prayers. Nanalangin ako ng tamihik sa sarili para sa bagong simula ng buhay ko.   "Excuse me, Miss?" baritonong boses niya, at napalingon na ako.   Ang akala ko ay ako, hindi pala, dahil ang stewardess na nakatayong nakatalikod ang tinawag niya. Lumapit agad sa kanya ang stewardess na nakangiti.   "Yes, Sir? How may I help you?" "Can I request for an extra blanket?" "Sure, Sir," ngiti ng stewardess sa kanya, at tumalikod na ito.   Nagkukunwari akong may kinuha sa harapan, na kung nasaan ang maliit na menu at instructional manual para sa 'in-case of emergency'. May maliit na Ipad screen para sa mga movies, at isinuot ko ang headphones. Mas mabuting manood ng movie kaysa sa makinig sa kanya. Nakakahiya kasi, dahil magkatabi lang kami.   "Here, Sir. Is that all? Is there anything you like me to get?" "No, this is all. Thank you," pormal na boses niya. At umalis na din ang stewardess dito.   Tumikhim siya at binuksan ang blanket. Inilapag niya ito sa hita niya at sa kabilang banda naman ang isa, sa bandang gilid ko. Napatingin ako rito, at umusog ako namg konti palayo sa kanya. Halos magdikit na kasi ang braso namin sa isa't-isa.   "Sorry," saad ko, nang magdikit nga naman ang balat namin dalawa.   Tumikhim lang siya at hindi pinansin ito. I looked at him, and just realized that he's somehow snob. Pinagdikit ko lang din ang labi ko nang masilayan kung muli ang mukha niya. Tinangal niya ang suot na sunshade at gumuhit ang kakaibang kaba sa puso ko, dahil ang gwapo niya pala talaga. . . . C.M. LOUDEN 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD