Naubusan ako ng dugo sa nangyari kanina. Kaya heto ngayon, tulala akong nakatitig sa madilim na kisame ng kwarto.
Narinig niya kaya iyon? Nakakahiya naman? Isip ko. Baka isipin niya ang chismosa ko na. Ewan!
.
Napagulong ako at niyakap ang unan. Pero kahit na anong gawin ko ay hindi ako dinadalaw ng antok. Kaya tumayo na ako at pinaandar lang din ang maliit na lava lamp sa gilid ng kama.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ito.
Himalayan salt lamp. . . Bigay ni Kristof noong mga koleheyo pa kami. Sadya niyang binigay ito sa akin dahil hindi ako nakakatulog. Sabi niya, maganda raw ito at nagbibigay ng kakaibang enerhiya sa isip at katawan ng tao.
Dapat sana nakaandar ito, pero sa hindi sinasadya ay hindi ko ito nagawa ngayon, dahil sa dami ng iniisip ko. Kaya siguro hindi ako nakatulog agad.
Tumayo na muna ako at pinaandar lang din ang maliit na electric kettle. Kumuha ako ng lemonsito sa loob ng maliit na refrigerator dito at honey.
This is the hotel courtesy for all of us employee. Libre ito at kada buwan ay binibigyan kami ng honey kasama na ang isang kilong lemonsito. Kaya imbes na kape ay ito na ang iniinom ko sa tuwing umaga.
.
"Ang sarap. . ." lihim na saad ko habang nakatitig sa madilim na langit.
Nasa labas na ng balkonahe ako, at madilim ang bahaging ito.
Hindi ko pinaandar ang ilaw sa bahaging balkonahe ko. Ayaw ko kasi na mapansin ng katabing unit ang ilaw ko rito.
Maaga pa naman, alas onse pa ng gabi. Tatapusin ko lang itong inonim at matutulog na lang din pagkatapos.
Nag-vibrate ang cellphone ko, at isang text message ang natangap ko mula kina Nanay at Tatay. Nangungumusta sila, at ayos lang daw ang lahat sa kanilang dalwa. Napangiti ako, kaya tinawagan ko.
"Hello, nay? Kumusta?"
"Okay lang, anak. Ikaw? Huwag kang paapi riyaan ha. Sabihin mo agad sa amin ng Tatay mo, dahil alam mo naman na pwede kong isumbong ang mga iyan kay Madam," tugon ni Nanay.
Natawa na ako at napailing na. . . Ganito nga naman si Nanay simula't sapul pa.
Malapit kasi siya kay Madam Consolasyon. Si Nanay kasi madalas ang sinasama ni Madam sa mga charitable programme niya.
"Wala po, inay. Mababait po silang lahat. Sa susunod na linggo pa po ako makapagpadala ng pera. Huwag po kayong mag-alala sa akin, at kayo po ni Tatay ang mag-ingat diyaan. Huwag niyo po pababayaan ang mga sarili ninyo. . . I love you, Nay," saad ko.
"I love you too, anak."
Ilang minutong pag-uusap hanggang sa natapos na ito. Nilapag ko lang pabalik ang cellphone sa mesa at kinuhang muli ang tasa sa mesa. Medyo lumamig na ang inomin ko, pero okay lang, uubusin ko pa rin ito.
My eyes were busy adoring the beautiful stars up in the sky. . . Ang ganda nilang tingnan at litaw ang bawat kinang nila sa islang ito.
Sa syudad kasi ay hindi mo sila naaninag, taliwas dito at sa probinsya namin.
Humikab na ako at lumikha ito ng ingay sa hangin. Inunat ko rin ang mga kamay ko sa ere.
Tiyak makakatulog na ako nito dahil nagsisimula ng bumigat ang talukap ko. Tatayo na sana ako, nang mapako ang tingin ko sa kabilang balkonahe sa gilid ko.
"Oh my goodness!" tarantang tugon ko sa sarili. At napahawak ako sa sariling dibdib.
Sino ba naman ang hindi kakabahan sa ginawa niya? E, para siyang engkanto sa paningin ko na nakatitig nang tahimik sa akin!
Tumama kasi ang liwanag galing sa cellphone na hawak niya sa mukha, at insakto naman ang pagtitig ko sa banda niya.
"I'm sorry," he chucked and laughed a little bit.
"Did I scared you? I'm really sorry. . . I didn't mean it, promise," saad niya. At itinaas ang isang kamay sa ere.
Kumurap ako at umayos sa pagkakatayo. Ramdam ko pa ang lakas na pintig ng puso ko. Nagmarathon ito sa sobrang takot ko kanina.
"A-akala ko pa naman kung ano na? Ikaw lang naman pala!" ngiwi ko.
Hindi ko na makuhang ngumiti at nagising lang din ang buong diwa ko ngayon! Kaloka! Paano pa ako makakatulog nito?
Natawa siyang bahagya at napalingon lang din ulit ako sa kanya. Hawak ang sariling tasa ay bahagya akong lumapit sa banda niya. Isang metro lang din naman ang distansya ng bawat balkonahe namin sa isa't-isa. Malapit lang din siya.
"Nakakatawa ba?" inis na tugon ko.
Hindi pa rin siya natapos at napahawak lang din siya sa sariling mukha.
Katulad ng balkonahe ko ay madilim din ang sa kanya. Halatang nakikigaya lang din sa technique ko, para hindi magising ang ibang katabing unit namin.
"Matulog ka na nga!" inis na tugon ko.
Tatalikod na sana ako para pumasok na, pero nahinto lang din ako nang magsalita siya.
"Neo Ferrante," pormal na saad niya at uminit lang din ang tainga ko.
Tumitig ako pabalik sa kanya at nakangiti pa rin siya. Nagmarkang lalo ang lalim ng dimples sa pisngi nito. Nawala ang liwanag sa cellphone niya at ang kabuuang anyo nang mukha niya ngayon ang nakikita ko.
Kahit papaano ay maliwanag naman ng konti ang lahat, dahil may liwanag na galing sa buwan.
"Neo who?" kunot-noo ko. At umayos na ako at hinarap siyang mabuti.
Matangkad, matipuno at lalaking lalaki. Paano siya naging bakla? At sino ang bakla sa kanilang dalawa ni Sir Zalde? Isip ko.
"Neo Ferrante, and you?" sabay kagat niya sa pang-ibabang labi.
Hindi na ako nahiya at tinitigan na ang labi niya habang nag-iisip. . . Sayang naman ang kagwapuhan niya. Isip ko.
"Uh, um, B-bree Solidad," tipid na sagot ko. At titig na sa mga mata niya.
"Hmm, Bree. . . Beautiful name. . . It sounds like cheese, brie," ngiti ulit niya.
"Hmm, oo. . . M-medyo cheesy kasi noong ginawa ako ng mga magulang ko. Kaya siguro Bree ang pangalan ko," ngiwi ko. At pinaikot ko na ang mga mata ko.
Nagbibiro lang naman ako, at iniisip ko lang kung ano ang magiging reaksyon niya.
"Really? That's - sweet, sticky but chessy," sabay kindat niya.
Nagkibit-balikat na ako. Kahit papaano ay hindi ako nahiya sa kanya. Sa narinig kong chismis na bakla siya, ay tiyak walang malisya kung makikipag-chikahan ako sa kanya.
I understand gays and their feelings. Marami rin naman akong naging kaibigan noon, at naalala ko lang din si Bayot sa probinsya namin. Pero iba nga lang si Bayot, dahil baklang-bakla naman talaga siya.
"You are the new assistant supervisor, right?"
"Hmm, oo," tango ko.
"And you? Bisita ka ba rito?" tipid na tanong ko.
"Hmm, more likely, yes. A friend of Elizalde," sabay kindat niya, at ngumiti na siya.
At sa hindi ko maintindihan ay parang natunaw ang puso ko nang mapatitig ulit ako sa tamis na ngiti ng labi niya. Litaw rin ang nakamamanghang dimples nito.
Kanina nga ba siya hawig? May naalala lang din ako.
"Ah, s-si Sir Zalde. . . I see," tango ko at tipid na ngumiti.
"S-sige p-pasok na ako. Inaantok na ako eh," pagkukunwari ko.
Oo, kanina antok na antok na ako. Pero nawala lang din iyon dahil natakot ako sa kanya.
"Okay. . . Nice meeting you, Bree. I'll bump into you more often," lawak na ngiti niya at ngumiti lang din ako pabalik sa kanya.
Mabilis akong pumasok sa loob ng unit at sinara agad ang sliding door. Ni locked ko ito at napasandal ako mula rito. Pinakikingan ko ang t***k ng puso ko, at ang tanging mukha niyang nakangiti ang gumuhit sa loob ng isip ko.
.
MAAGA AKONG NAGISING, at naghihintay ulit sa bukang-liwayway ng langit.
Hawak ang mainit na tasa sa kamay ay tahimik akong napatingin sa kalmadong dagat. Nakaligo na ako at suot ko lang din ang bathrobe ngayon.
Mamaya na ako magbibihis at mamaya ko na rin susuklayin ang buhok ko. Basa pa ito at ramdam ko pa ang lamig sa hangin sa mukha ko. Hanggang sa unti-unti nang lumabas si haring araw, at gumuhit na ang ngiti sa labi ko.
Ito na siguro ang pinakamagandang pwesto para sa akin. Kung iisipin ko nga naman ay ma-swerte ang mga staff na nasa unit na ito. Dahil araw-araw nila itong nasisilayan rito. Kabaliktaran ang sa kabilang building na kung nasaan sina Ivy, Ellen, Chef Omar at Manong T. Isang malaking balkonahe ang meron sila na sing laki ng sala. Nagtitipon sila roon tuwing hapon, at masayang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.
Hindi ko pa naranasan ito, dahil hindi ko naman makikita sa bahaging ito ng unit ko ang paglubog ng araw.
"Good morning. . ." tugon ko sa hangin at pilit akong ngumiti mula rito.
I am thankful each day that God has given me. I may not have experience the abundance of blessings, but it was more than enough for us, for me, for the time being. . . And I know, that this is just the beginning of my dreams. My dreams for my parents and for myself.
Pangarap na ngayon lang magsisimula para sa akin, at para sa mga magulang ko. Pangarap na magkaroon kami ng sariling bahay at lupa. Pangarap na maibigay ko sa kanila ang marangyang buhay na gusto ko.
Kayo ko ito, oo kaya ko. . .
"Good morning, Bree," baritonong boses niya. At napalingon na ako sa banda niya.
Lumawak ang ngiti ko sa labi habang pinagmamasdan siya.
"Good morning too, Sir Neo."
Umiwas din ako agad at tumitig na sa kahabaan ng dagat.
"Do you watch the sunrise everyday?"
"Hmm, oo. . . Maganda kasing pagmasdan at nagbibigay ng positibong enerhiya ito sa katawan ko," sabay titig ko sa kanya.
Tumaas nang bahagya ang isang kilay niya, pero nakangiti naman sa akin. Tumango rin siya kalaunan.
"That's true. . . Someone told me the same thing too," ngiti niya. At umiwas na siya sa titig sa akin.
Natahimik kaming pareho habang natitig sa pagtaas ng araw. Medyo masakit sa mata ito, pero okay lang, dahil nakangiti naman ako.
"What time your shift end, Bree?" tanong niya na siyang paglingon ko sa banda niya.
"Oh, you mean my work?" kunot-noo ko.
"Yes," tango niya. Seryoso lang din ang mga mata.
Gumuhit ang ngiti sa labi ko at magaan ang pakiramdam ko sa kanya. Mas namasdan ko nang maigi ang kabuuan ng mukha niya nang malapitan, at napagtanto ko na lalaking-lalaki siya.
"Mamaya pa, mga alas singko. B-bakit?" pilyang ngiti ko.
I started to feel comfortable towards him. Hindi naman siya masamang tao sa tingin ko. O baka naman dahil isa siyang binabae?
"Nothing. . . Just asking," sabay iwas niya sa titig ko.
"I have to go to the other Island today with Zalde. Baka bukas pa kami babalik."
"Then, have fun! Just enjoy life with him. Wala namang masama," tipid na ngiti ko.
Umiwas na ako sa titigan namin, at hinawakan ko na ang basang buhok ko.
"Where are you from, Bree?"
"Ako? Where I am from? I'm from the planet Brie," bahagyang tawa ko.
Nakuha niya agad ang biro ko at napayuko na siyang tumango. He smirked and I find it way too cute. Hindi yata bagay sa kanya ang maging isang bakla, dahil lalaking-lalaki siya sa tingin ko.
"So, you are from planet Brie? And your name is Bree? Which means your are sweet, tasty and chessy?" pilyong ngiti niya.
"Sort of," bahagyang tawa ko. Napatingin na tuloy siya sa labi ko.
"Biro lang, ano ka ba!" pagpatuloy na tawa ko, at gumuhit agad ang kakaibang kinang ngiti sa labi niya.
Napailing siya at napayuko na.
.
C.M. LOUDEN