ANNE We checked our phones at tuwing makikita ko ang account ko online ay Cervantes pa rin ang apelyidong dala-dala ko. I couldn't change it to Sevilla because we did marry secretly. Kahit ang wedding rings namin ay itinago uli ni Jerry. The only one I am wearing is the engagement ring and that's as good as it gets. Narinig ko s'yang maghikay at mukhang antok na. Mapagod naman kasing magb'yahe mula sa Batangas dahil matraffic. "Hon, tulog na tayo," aya n'ya sa akin. Niyuko ko s'ya at ginawaran ng halik. "Matulog ka na,.Mayamaya ako, magbabasa lang ako." "Okay, don't stay up too late. I love you," sabi n'ya sa akin. "I love you too." Palagi akong nagbabasa bago matulog, nakaugalian ko na at mahirap ng baguhin. Kahit ngayong may asawa na ako ay hindi na 'yon nabago. I already read