ANNE Nang makarating kami sa condo ay nagpalit ako ng pambahay. Usually ay diretos na ako sa shower para maagang makapagpahinga pero ngayon ay magluluto muna ako at pagkakain na lang namin maliligo. Mangangamoy ulam din ako naman ako. Tinungo ko ang kusina at kinuha ang mga sangkap sa lulutuin ko. Sinimulan ko ang paggagayat nang maramdam ko ang mga braso ni Jerry na pumulupot sa akin. Hinalikan n'ya ang leeg ko at idiniin ang sarili n'ya sa akin. "Nagugutom ka ba at naglalambing ka ng ganyan?" tanong ko sa kanya. "Oo, ikaw ang gusto kong kainin." Bahagya pa n'yang kinagat ang balikat ko. Itinigil ko ang aking ginagawa at ipinunas ang kamay sa apron saka humarap sa kanya. "Gaano mo ako ka-miss, Mr. Sevilla?" "Sobra-sobra." Ikinawit ko ang mga braso ko sa leeg n'ya at hinalikan s'y