ANNE Nakita ko s'yang ngumiti. "Kaya ka ba nagkakaganyan dahil nagseselos ka nang nabasa mo ang text n'ya?" Iniwasan ko ang tingin ng asawa ko at hindi ko sinagot ang kanyang tingin. "Teka, paano mo nga pala nabuksan e may password ang phone ko?" Tumingin ako sa kanya. "Sinubukan ko 'yong birthday mo, tapos anniversary natin — hindi umubra. Tapos apat lang na digit, sinubukan ko ang pangalan ko." "Smart!" komento n'ya. Jerry didn't even get mad at mukhang natuwa. Kung sa ibang mag-asawa o magkasintahan nangyari ito, magagalit kaagad kapag pinapakialaman ang cellphone nila. "Kung five digit ang password, susubukan ko 'yong pangalan mong JERRY at kapag hindi pumasok — CARLY ang ita-type ko," sarcastic kong sabi sa kanya. He chuckled. "Kung hindi ka lang niregla, iisipin kong nagli