"TUMAHAN ka na anak, kanina ka pa umiiyak at mugtong-mugto na ang mga mata mo," si Tita Cecil na puno ng pag-aalala ang tinig. Noon muling pinahid ni Portia ang luhaan niyang mukha, pagkatapos noon ay bumangon siya mula sa pagkakahiga sa kaniyang kama at hinarap ang tiyahin niyang nakaupo sa kaniyang tabi. "H-Hindi ko po naisip kahit minsan na ganito pala kasakit kapag binigo ka ng taong mahal na mahal mo, Tita Cecil. Ngayon nauunawaan ko na po kung bakit ganoon nalang kalalim ang sugat na naiwan sa puso ninyo dahil sa ginawa nung lalaking una ninyong minahal," aniyang muli na naman napaiyak pagkatapos noon. Sa pagkakataong iyon ay nakita niyang gumuhit sa mukha ng tiyahin niya ang matinding awa para sa kaniya. At ang sumunod nitong ginawa ay ang mahigpit na nitong pagkabig sa kaniya pa