“P-PORTIA!” ang naibulalas ni Vincent pagkakita nito sa kaniyang habang nakatayo sa harapan ng mesa ng babaeng sekretarya nito na tinawag ng kaniyang asawa sa pangalang Hanna. Umangat ang sulok ng labi ni Portia saka nagsalita. “Bakit parang nagulat ka yata?” aniyang kumilos at tila walang anuman na nilampasan ang lalaki saka pumasok sa loob ng opisina nito. Noon mabilis na nahagip ng kaniyang paningin ang isang kulay itim na leather couch. "Sa loob ng opisina niya, may isang maganda at kulay itim na leather couch, doon kami madalas mag-s*x ng asawa mo. Sa carpeted floor, sa banyo at kahit sa mismong working table niya, nagawa niya akong angkinin ng maraming ulit, at gustong-gusto ko ang lahat ng iyon. Meron pa nga, alam mo kung ano? Isang napakasarap na quickie sa likuran ng pinto. To