KABANATA 78 "CECILIA'S PAST 2"

1248 Words

KUNG ilang beses na ikinurap-kurap ni Cecil ang mga mata niya habang nakatitig sa perpektong mukha ni Vicente ay hindi niya tiyak. Hindi naman kasi siya makapaniwala sa narinig niya kaya hindi na siya nagtataka sa naging reaksyon niya. "A-Anong sinabi mo? Pakiulit nga?" aniya pa habang hindi niya nagawang itago sa tono ng kaniyang pananalita ang magkahalong pagkagulat at pagkasorpresa. Malapad munang ngumiti ang binata bago ito nagbuka ng bibig para sagutin ang tanong niya. "Tinatanong kita kung pwede ba akong dumalaw sa inyo? Gusto ko sanang manligaw? Liligawan kita," anitong binigyan diin ang huling sinabi bagaman hindi naman ito nagtaas ng boses kaya sigurado siyang tanging siya lamang ang nakarinig ng sinabi nito. Mabilis na nagtaas-baba ang dibdib ni Cecil sa narinig at nang makab

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD