"DAPAT sana wala na kasi katulad ng sinabi niya kanina matagal na panahon na ang nakalipas. Pero hindi biro ang ginawa niya sa akin anak, matinding kahihiyan at sama ng loob ang iniwan niyon sa akin," pagkukwento ng tiyahin niya nang itanong niya rito ang tungkol sa totoong nangyari noon sa pagitan nito at ng ama ni Vincent. Sa loob kasi ng mahabang panahon ay puro maliit na kwento lang ang naririnig niya mula rito. Na iniwan ito at ipinagpalit sa iba ng lalaking minahal nito. Na iba ang pinakasalan nito at hindi ito ipinaglaban. Pero ngayon, sa kauna-unahang pagkakataon ay binuksan ng tiyahin niya sa kaniya ang mapait na kwento ng nakaraan nito na naging dahilan kung bakit mas pinili nito ang mamuhay ng mag-isa. "Tahimik ang buhay ko noon, hindi ko naman kasi iniisip ang pakikipagnobyo