KABANATA 2 "MAN-HATER 1"

1210 Words
“OH, nariyan kana pala, nasa loob si Alvin hinihintay ka kanina pa,” nang mapagbuksan siya ng gate ng tiyahin niya ay iyon ang ibinungad nito sa kanya.  Napabuntong hininga doon si Portia na ikinatawa naman ng mahina ni Tita Cecil. Mula nang mahatulan at makulong ang step-father niya ay sa bahay na iyon na sila nanuluyan ng kanyang ina. Sa katunayan ay pag-aari iyon ng yumao na niyang lolo at lola na siyang tanging iniwan ng mga ito sa nanay at tiyahin nila.  Yari iyon sa kongkreto at kahoy na plano niyang ipa-renovate kapag nakapag-ipon na siya. Ang bahay na ipinundar ng nanay at Tito Lauro nila ay minabuti nilang ibenta nalang, gawa narin ng kagustuhan ng nanay niyang makalimot agad at makaiwas sa mga alaala.  Ang totoo ay inamin rin sa kanya ng nanay niya sa kalaunan na napag-aralan din nitong mahalin ang tiyuhin niya. Kaya masakit rin dito ang nangyari. “Kanina pa talaga siya?” ang naiinis niyang bulong sa tiyahin. “Oo, sinabi ko namang bumalik nalang bukas pero mapilit at gusto ka talagang hintayin,” paliwanag ni Tita Cecil sa kaniya. Umikot ang mga mata niya sa narinig saka na nagtuloy sa kabahayan at pilit na nginitian si Alvin na magalang namang tumayo. Kinuha nito ang bouquet ng rosas na nakapatong sa center table saka iniabot sa kaniya. “Good evening Portia,” anito sa kanya. Hindi parin napapalis ang pilit na ngiting nakaplaster sa mga labi niya. “Hello, sorry late na ang uwi ko ngayon kaysa usual, pasado alas otso narin pala?” aniyang tinanggap ang mga bulaklak saka muling ipinatong sa center table at naupo. Nagkibit muna ng balikat nito si Alvin bago sumagot. “No problem. Gusto kasi kitang makita, miss na miss na kita,” naramdaman niya sa tono at mga titig ng binata ang sinabi nito pero walang anumang emosyon ang humipo sa damdamin niya ang sinabing iyon ng manliligaw. Nagbuntong hininga siya saka nagyuko ng ulo saka sumagot. “Ilang beses ko naman nang sinabi sa’yo hindi ba? Hindi pa ako ready,” totoo naman iyon. Mula first year college ay manliligaw na niya si Alvin. Naging kaklase niya ang binata kaya sila nagkakilala. Anak ito ng isang barangay kagawad sa lugar nila at nagmamay-ari ng isang malaking hardware na si Alvin narin mismo ngayon ang nagpapatakbo. Gaya niya ay graduate ito ng kursong Accountancy. Kung tutuusin ay nasa binata naman ang lahat ng katangiang gugustuhin ng kahit sinong babae. Gwapo, mayaman at mabait. Pero hindi niya alam kung bakit ganito siya? Kung bakit parang hirap siyang magtiwala sa kahit sino, basta lalake. “Simula first year college nanliligaw na ako sa’yo Portia. Ikaw lang ang babaeng inaaligiran ko alam mo iyan. Hindi pa ba sapat na patunay ang mga iyon na hindi ko kayang gawin sa’yo ang ginawa ng Tito mo sa nanay mo? Hindi kita sasaktan,” anito sa tonong nagsusumamo. Sa kabila ng pagiging manhid ng puso niya sa mga kilig ay hindi parin niya naiwasan ang hindi maawa sa kaharap.  “Pero hindi ba maraming beses ko narin namang nilinaw sayo, nagsasayang ka lang ng oras at panahon mo sa akin.” Noon nakakaunawang tumango-tango si Alvin na muling nagsalita. “Willing akong maghintay, hanggang sa dumating iyong isang umagang magising ka nalang at marealize mong mahal mo narin ako,” anitong nasa tinig ang determinasyon kaya siya napailing nalang. Nang magpaalam si Alvin ay agad siyang nagtuloy sa kanyang kwarto para magbihis. Ilang sandali lang at narinig niyang tumatawag na ang tiyahin niya para sa kanilang hapunan. “Kumusta ang unang linggo mo sa trabaho anak?” tanong ni Tita Cecil nang kumakain na sila. Maganda ang bukas ng mukha niyang hinarap ang tiyahin. “Okay naman Tita, enjoy kahit kung minsan eh napakarami ng tao,” sagot niya. “Kung nabubuhay lang ang nanay mo, sigurong tuwang-tuwa iyon,” anito sa kanya. “Teka, saan ka nga pala nanggaling kanina at bakit ginabi ka naman kaysa karaniwan mong uwi nitong nakalipas na mga araw?” dugtong pa nitong tanong. “Dumaan ako sa puntod ni nanay, tutal Sabado naman bukas,” sagot niya. Tumango muna ang tiyahin niya bago muling nagsalita. “Maiba tayo anak, ikaw ba talagang walang kahit anong nararamdaman para kay Alvin?” Inasahan naman niyang itatanong iyon sa kanya ni Tita Cecil, pero hindi sa ngayon. “Wala kasi akong kahit anong feelings para sa kanya Tita,” pag-amin niya. “Alam naman niya?” Tumango siyang muli. “Matagal na po, pero makulit kasi,” aniyang kahit hindi niya ginusto ay bahagyang nahaluan ng pagkainis ang tinig. “Pasensya kana, nakikita ko lang kasi sa kanya na mahal na mahal ka niya. Bakit hindi mo siya subukang pagtuunan ng pansin? Alam mo hindi naman pare-pareho ang kapalaran ng bawat tao. Nagkataon lang siguro na hindi kami sinuwerte ng nanay mo sa pag-ibig kaya ganoon,” sa huling nitong sinabi ay agad na nagsalubong ang mga kilay ni Portia. “Ano hong ibig ninyong sabihin?” tanong niya. Ngumiti si Tita Cecil sa kanya habang nakatitig ng tuwid sa kanyang mga mata. “Huwag kang gagaya sa akin, hindi masayang mag-isa,” anito. Matagal niyang pinakatitigan ang magandang mukha ng tiyahin. Ilang sandali ay nakuha narin niya ang ibig nitong sabihin. “I-Ibig sabihin?” Magkakasunod na tumango-tango sa kanya ang tiyahin.  “Dahil sa sakit na naramdaman ko nung iwan niya ako parang kasama narin niyang dinala ang puso ko. Kaya hindi ko kinayang magmahal at magtiwala ulit. Nilamon ng takot ang puso at buong pagkatao ko, siguro kung wala ka sa akin ngayon baka sising-sisi ako. Pero dahil nandito ka, wala akong maramdamang ganoon,” ang mahabang paliwanag sa kanya ng tiyahin. “Ano po bang nangyari sa inyo?” Mapait na napangiti ang tiyahin niya. “Si Vicente, mayaman siya, gwapo at matalino. Alam ko mahal na mahal niya ako, kasi naramdaman ko iyon. Nasa kolehiyo kami noon, Business ang course niya. Pero kasi nga mayaman, normal nang ipagusto siya sa mga kagaya nila. Kaya sa bandang huli, iniwan rin niya ako. Hindi niya ako ipinaglaban kasi takot siyang mawalan ng mamanahin,” ramdam niya ang pait sa bawat salitang binibigkas ng tiyahin niya kaya hindi niya napigilan ang makadama ng matinding awa para rito.  “Nasaan na po siya ngayon?” naitanong niya. Nagkibit lang ng balikat si Tita Cecil. “Hindi ko alam, at ayaw ko narin namang alamin. Dahil ang totoo, hanggang ngayon, kapag naiisip ko, nasasaktan parin ako. Kasi sobrang minahal ko siya. At iyon ang dahilan kung bakit mas pinili ko ang maging ganito. Pagkatapos niya, hindi na ako sumubok na pumasok muli sa panibagong relasyon. Kasi ang totoo, isinumpa ko ang mga lalake. Sobrang sakit ng naramdaman ko noon nang malaman ko sa kaniya mismo na ikakasal na siya ilang araw bago ang graduation ko. At ang lahat ng sakit na iyon ay sapat na para mapagod ako at hindi ko na gustuhing magmahal muli.” Natitigilang nanatiling nakatitig lang si Portia sa tiyahin. Habang sa isip niya, kung mayroon mang nagbago sa nararamdaman niya, iyon ay dahil narin sa tila mas tumindi ang kawalan niya ng tiwala sa mga lalake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD