KABANATA 3 "MAN-HATER 2"

1180 Words
ILANG sandali munang pinakatitigan ni Portia ang tiyahin niya bago nagpakawala ng isang mabigat na buntong hininga at nagbuka ng bibig para magsalita. "Pare-pareho lang talaga ang mga lalaki, hindi gagawa ng maganda, sa simula lang mabait pero kapag nakuha na nila ang gusto nila parang basahan o basura nalang kung itapon nila ang mga babae," ang bitter niyang sabi na umiling pa. "Hindi naman lahat ng lalaki ganoon hija. Huwag mong isasara ang sarili mo para sa posibilidad na maging masaya ang magkaroon ng sariling pamilya," pangaral pa sa kaniya ng tiyahin niya. Nagkibit ng balikat sa sinabing iyon ni Tita Cecil si Portia. Paano ba niya ipaliliwanag rito na ang lahat ng nakita niyang naranasan ng nanay niyang si Janet sa kamay ng walang hiya niya ama-amahan ay sapat na para gawin ang kung tutuusin ay nauna na palang ginawa ng tiyahin niya. Ang isumpa ang mga lalaki. "Kaya nga kayo tumandang dalaga hindi po ba? Kasi kagaya ng nanay ko hindi rin kayo tumama sa lalaking minahal ninyo. Hindi po ba lalaki rin ang dahilan ninyo? Paano naman ako magkakaroon ng tiwala sa kanila kung ang dalawang importanteng tao sa buhay ko ay nasira at naging malungkot ang buhay dahil sa mga kabaro ni Adan?" pabiro ang pagkakasabi pero totoo iyon sa loob ni Portia. Mahal na mahal niya ang nanay at tiyahin niya.  At ngayong sila nalang ng Tita Cecil niya ang magkasama sa buhay, wala nang iba pang taong pinakamahalaga sa buhay niya kundi ito lamang. Hindi niya alam kung pagiging immature ba na matatawag pero nasa kaniya parin ang pag-uugaling kapag kaaway ni Tita Cecil ay kaaway rin niya.  Para sa kaniya loyalty at love ang ganoon. Walang pwedeng magsalita ng hindi maganda rito dahil willing siyang makipag-away maipagtanggol lang niya ang tiyahin niya. At ngayong nalaman niya na lalaki rin pala, as in lalaking manloloko ang dahilan kaya mag-isa ngayon sa buhay ang Tita Cecil niya, hindi niya mapigilan ang makaramdam ng galit para sa matinding awa na bigla lumukob sa puso niya. "Ikaw talaga anak," anitong tumawa ng mahina. "Ganoon siguro talaga Tita, mahal kasi kita, at kapag kaaway mo, kaaway ko narin," aniyang tumawa pa ng mahina. Tumango lang noon si Tita Cecil saka siya tinitigan ng may pagmamahal.  Wala siyang alam sa nakaraan nito dahil likas naman ang pagiging private ng Tita Cecil niya. Pero ngayon na nalaman niya ang tungkol doon ay bigla siyang nakaramdam ng panghihinayang sa posibleng masaya sanang pamilya at magagandang anak na pwedeng nagkaroon ito. "Siguro Tita kung nagkaroon ka nang pamilya magaganda at gwapo ang mga pinsan ko sa inyo," aniyang hindi napigilang haluan ng panghihinayang ang kaniyang tinig. "Siguro nga, lalo na kung si Vicente ang napangasawa ko," sa tono ng pananalita ng tiyahin niya obvious na minahal nga nito ang lalaking iyon. "Talaga po? Curious tuloy ako sa love story ninyo Tita," totoo iyon sa loob niya kaya naman hindi narin niya napigilan nang mahaluan ng kilig at excitement ang kaniyang tinig. Noon siya muling nginitian lang ng kaniyang tiyahin. "Hayaan mo minsan ikukwento ko sa'yo, pero sa ngayon kumain ka na muna para makapagpahinga ka na rin," anitong pang tumawa ng mahina kaya hindi narin napigilan ni Portia ang mahawa rito. ***** “KUNG nabubuhay lang ang Mama mo, tiyak hindi iyon matutuwa sa pinaggagagawa mo hijo,” ang naiiling lang na komento ni Vicente sa kaniya saka sumubo ng pagkain. Umaga iyon ng araw ng Martes, at kagaya ng mga nakalipas na magkasabay sila sa pag-aagahan ng Papa niya. Sa edad nitong sixty four ay malakas at malusog parin ang kanyang ama. Hindi rin mapaghahalata sa itsura nito na nasa ganoong gulang na ito dahil siguro iyon sa palaging positibong pananaw nito sa buhay at pagiging masayahin. Ang Mama niyang si Elena ay namatay dahil sa sakit na Breast Cancer tatlong taon narin ang nakalilipas. Kaya naman naiwang lahat sa pamamahala nilang mag-ama ang Madrid Taxi. Ang negosyong magkatulong na pinalago ng mga magulang niya noong siya ay bata palang. Bagaman mayaman naman talaga ang pamilyang pinanggalingan ng mga magulang niya ay mas pinili parin ng mga ito na magtayo ng sarili nilang negosyo. Sa kasalukuyan ay mayroon silang mahigit isang libong taxi na umiikot sa buong ka-Maynilaan. “I’m sorry Papa, pero kung magpapatali nalang din ako, doon na sa babaeng mahal ko. Kaso ang problema ay hindi ko pa talaga siya nakikita,” aniyang inubos na ng tuluyan ang pagkain sa plato saka na tumayo. “mauuna na ako sa office Pa,” aniyang tinapik ang balikat ng ama pagkatapos.  Ganoon naman sila araw-araw dahil may sarili nitong driver ang ama niya na matagal naring naglilikod rito. Si Mang Toni. Tumango ang Papa niya. “Sige hijo, mag-iingat ka sa pagmamaneho,” bilin pa nito. Ngumiti lang siya saka na nagmamadaling lumabas ng komedor. Sa kasalukuyan ay siya ang nakaposisyon bilang Vice President ng kaniyang ama. Pero sa kalaunan, alam niyang sa kaniya rin mauuwi ang lahat ng iyon. Pero hangga’t maaari ay ayaw muna niyang isipin ang tungkol doon. Dahil kung tutuusin ang kalahati ng kabuuang share ng kompanya ay naisalin na sa kanya nang mamatay ang Mama niya. Twenty seven lang siya noon at ngayon ay thirty na. Noon niya tinawanan ang sariling edad. Sa sobrang pagkakasubsob niya sa trabaho at pag-e-enjoy ng husto sa buhay binata, talagang nawawala sa isipan niya ang pag-aasawa. At iyon ang palaging ipinaaalala sa kaniya ng kaniyang ama. Kung babae lang naman ang pag-uusapan, hindi siya mahihirapang kumuha kung tutuusin.  Hindi naman kasi sa pagmamayabang pero babae ang kusang lumalapit sa kaniya. Kaya hindi siya nababakante. Madalas sa mga babaeng iyon ipinakilala lang sa kaniya ng mga kaibigan niya, o kaya sa bar na nauuwi sa one night stand at nasusundan pa ng maraming gabi.  Alam naman ng mga babaeng nagdaan sa buhay niya kung ano lang ang gusto niya. Kung hanggang saan lang ang kaya niyang ibigay at higit sa lahat kung ano lang ang pwedeng hingin ng mga ito sa kaniya na kaya niyang ibigay. Sa madaling salita, ang lahat ng relasyon na dumaan na sa kanya at nagkaroon siya ay hindi pang-matagalan. Ang lahat ng iyon ay pwedeng sabihing pantanggal inip lang, kahit masyado na siyang matanda para magkaroon ng past time, iyon ang totoo at aminado siya roon kahit sa sarili lang niya.  Pero hindi ganoon ang gusto niya, dahil katulad nalang din ng sinabi niya sa Papa niya kanina, kung mag-aasawa siya, gusto niya doon sa babaeng mahal niya bilang siya at hindi dahil sa mayaman siya. Noon siya mapait na napangiti, kalimitan kasi sa mga babaeng nakaka-relasyon niya iyon lang ang parang nakikita at habol sa kaniya. Ang pera niya. Pero kapag nakakita ng mas mayaman, agad na siyang nilalayasan. Well, walang anuman rin sa kanya iyon dahil katulad narin ng sinabi niya, kahit minsan sa buhay niya hindi niya sinubukang i-involve ang puso niya sa lahat ng babaeng nagdaan na sa kaniya. Mabuti nalang at tama siya, dahil kung hindi baka hindi lang ilang beses siyang nasaktan na marahil. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD