KABANATA 1 "BRAVE HEART"

1091 Words
NANGINGINIG sa takot na nagtakip ng tainga si Portia nang marinig ang malalakas na kalabog na nagmumula sa silid ng kanyang mga magulang.  Seventeen na siya at ganoon na ang eksenang kinamulatan niya tuwing umuuwi ng lasing o di kaya’y kahit na sabihing nakainom ang kinikilala niyang ama, si Lauro. Ginagawa nitong punching bag ang nanay niyang si Janet at ang lahat ng iyon ay kinikimkim niya sa dibdib niya mula pagkabata. Kagagaling lang niya ng eskwela. Graduating na siya ng high school at sa susunod na taon ay kolehiyo na. Clerk sa munisipyo ang nanay niya, habang ang step-father naman niya ay isang pulis. Kung tutuusin dapat sana ay hindi ganito kagulo ang buhay nila, kung hindi lang lasenggo ang Tito Lauro niya. “Ano?! Sasagot ka pa? Ibigay mo sakin ang pitaka mo!” galit na galit na sigaw ng step-father niya. Kasunod niyon ay ang malakas na sigaw na pinakawalan ng nanay niya matapos iyon ay ang malalakas na namang kalabog na narinig niya sa pader ng kwarto. “tangina ka, tira-tirahan ka nalang nung napunta ka sa akin baka nakakalimutan mo? Iniwan ka ng lalaking nakabuntis sa’yo, pinanagutan kita kaya malaki ang utang na loob mo sa akin! Kayong dalawa ng anak mo!” dugtong nitong sigaw. Ayon sa kwento ng nanay niya, matapos itong mabuntis ng totoong tatay niya ay basta nalang itong nawala.  Si Tito Lauro ay matagal nang manliligaw ng nanay niya. At para hindi magmukhang kahiya-hiya sa mga kapit-bahay ay tinanggap ng nanay niya ang iniaalok na kasal ng kanyang Tito Lauro. At iyon ang dahilan kaya ito ang kinilala niyang ama. Pero sa kabilang banda ay hindi naman siya nito inampon ng legal kaya surname ng nanay niya ang dala niya. Sa simula ayon narin sa nanay niya ay maayos ang pagsasama nito at ng kanyang step-father. Nagsimula lang naman itong magbago simula nang itakwil ito ng sarili nitong pamilya dahil sa ginawa nitong pagpapakasal sa kanyang ina.  Habang ang nanay naman niya, dahil narin sa pagmamahal sa kanya  at kay Tito Lauro at ang kagustuhang lumaki siya ng may buong pamilya, nagtiis ito. At iyon ang isa pang nagpapabigat ng lubos sa dibdib niya. Ganoon ba talaga ang papel ng mga babae sa mundo? Ang magtiis kahit sobra nang nasasaktan? Parang hindi na tama. Parang napaka-unfair naman yata dahil kahit naman sabihing housewife ay kumakayod rin ang nanay niya kaya masasabi niyang hindi naman shoulder lahat ng Tito Lauro niya ang gastusin sa bahay.  Mas madalas pa nga na gastos lahat ng nanay niya dito sa bahay dahil hindi naman regular na nagbibigay ng sweldo nito ang Tito Lauro niya. Tapos may mga pagkakataon pa na katulad nito, hinihingan nito ng pang-bisyo ang kaniyang ina. At kapag wala itong naibigay ay bugbog ang aabutin nito. “Arayyyy!” ang umiiyak na daing ng nanay niya na lalong nagpanginig sa dalaga.  Iyon narin ang pumutol sa sandaling paglipad ng kaniyang isip.  Noon parang wala sa sariling nagtatakbo si Portia patungo ng kusina. Parang may sariling isip ang mga kamay niyang hinanap ang isang matalas at makintab na bagay. Nang matagpuan iyon ay mabilis niyang tinungo ang silid ng kanyang mga magulang. Lakas loob sa kabila ng panginginig ng mga kamay ay pinihit niya ang knob saka itinulak pabukas ang pinto. Kusang umagos ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan nang makita ang ayos ng nanay niyang duguan ang nguso at ilong at nangingitim ang mukha. “A-Anong ginawa mo sa nanay koooo!!!!!” parang wala sa sarili niyang sigaw sa sariling kinikilalang ama saka malalaki ang mga hakbang na nilapitan ang nanay niyang hindi na makagulapay sa sobrang gulpi na tinamo nito. “Huwag kang makealam dito tangina kang bat--…” ang tatay-tatayan niyang kumilos para ilayo siya sa nanay niya pero huli na.  Masyado na siyang galit at nagdidilim na ang paningin niya kaya maagap niya itinutok rito ang hawak na kutsilyo.  “Sige! Lumapit ka! Saktan mo pa ang nanay ko at papatayin talaga kita!” ang galit na galit niyang sigaw habang ang mukha niya ay basang-basa na ng mga luha. “Matagal na panahon, nagbulag-bulagan ako sa ginagawa mo sa nanay ko alam mo ba iyon ha!? Pero sumosobra ka na!” malakas parin niyang sigaw. Naramdaman niya ang kamay ng nanay niya sa laylayan ng suot niyang palda pero hindi niya iyon pinansin. Dahil gaya narin ng sinabi niya, punong-puno na siya. At ang lahat ng nakikita niyang nangyayari sa nanay niya ay dahilan lang kaya nawawalan siya ng gana sa kahit kaninong lalaki. “Putang---…” noon umangat sa ere ang kamay ng lalaki para sampalin siya. “Sige, saktan mo ako! Diyan ka naman magaling hindi ba? Kahit minsan ba naging asawa ka sa nanay ko? Hindi mo naman kami itinuring na iyo di ba? Pero sana kung ayaw mo kaming ituring na pamilya, ituring mo kaming tao!” Noon naman eksaktong pumasok sa loob ng silid ang tiyahin niyang si Cecil. Ang nakatatandang kapatid ng nanay niya kasama ang apat na Baranggay Tanod.  Mabilis silang dinaluhan ng tiyahin niya habang si Tito Lauro ay isinama naman ng mga tanod. Napaiyak siyang yumakap sa tiyahin na pandalas naman ang naging paghagod sa kaniyang likuran. “Tama na, hindi na niya kayo masasaktan,” anitong nasa tono ang katiyakan. FOUR YEARS LATER MAPAIT ang ngiting pumunit sa mga labi ni Portia saka inayos sa ibabaw ng puntod ng ina niyang si Janet ang dalang bulaklak.  Isang taon narin mula nang sumakabilang buhay ang kanyang ina gawa ng isang vehicular accident. At hanggang ngayon, masasabi niyang hindi parin niya lubusang natatanggap na wala na ito. Siguro ay dahil narin sa ikli ng panahong ibinigay sa kanila para magkasama. Isang taon matapos ang huling pananakit ng step-father niyang si Lauro sa nanay niya ay tuluyan na nga itong nahatulan ng sampung taong pagkakabilanggo. Inakala niyang magiging maayos na ang lahat sa buhay nilang mag-ina pero nagkamali siya nang dahil narin sa pakikialam mismo ng kamatayan. “Natanggap akong teller sa isang bangko, maganda ang sweldo. Sayang, ni hindi ko manlang maipararanas sa’yo ang magandang buhay na talagang gusto at pinapangarap ko,” aniyang nagpipigil nang sariling emosyon. Ilang sandali rin ang itinagal niya doon bago nagpasyang umuwi na. Ang tiyahin niyang matandang dalaga na si Cecil ang nag-iisang kasama na niya ngayon sa buhay. Isa itong public school teacher, at sa kabila ng edad nitong sixty years old na ay ayaw paring magretiro kahit pa mayroon na siyang magandang trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD