"ANG ganda naman," hindi napigilan ni Portia na sambitin habang nakatitig sa magandang sunset sa Manila Bay. Doon kasi sila nagtuloy pansamantala ni Vincent pagkatpaos niya itong kausapin kanina tungkol sa pagpayag niyang makasal sa binata. "Oo nga, pero syempre para sa akin mas maganda ka parin," ang isinagot niyang kaniyang nobyo saka mahigpit na hinawakan ang kaniyang palad. "simula ngayon palagi na nating gagawin ang ganito, gusto mo ba iyon?" si Vincent ulit bago nito itinaas ang kamay niya saka dinampian ng simpleng halik ang likuran niyon. Noon naglalambing na inihilig ni Portia ang kaniyang ulo sa balikat ng kaniyang nobyo. "Kapag naikasal na tayo, sa condo mo ba tayo titira?" ang naitanong niya. Kahit kasi hindi pa man iyon nangyayari ay aminado siyang nakakaramdam na siyang