MULA sa loob ng kaniyang kwarto ay dinig ni Portia ang papalayong sasakyan ng kanyang asawa. Kasabay rin iyon ng muling pagbalong ng kanyang mga luha. Siguro para sa iba ay simple lang ang lahat ng ito. Pwede nilang sabihin na bakit ginawa niyang komplikado ang lahat nang dahil lang sa simpleng paglilihim sa kanya ni Vincent ng tunay nitong pagkatao? Pero ano bang pinagkaiba ng ginawang pagsisinungaling sa kaniya ng asawa niya? Anong ipinagkaiba ng ginawa nitong paglilihim sa tunay nitong pagkatao sa karaniwang ginagawa ng ibang lalaki na pagtatago ng isang kalaguyo? Para kasi sa kaniya ay pareho lang iyon. At pareho rin ang sakit, dahil katulad nang nauna na niyang itinanong sa asawa niya. Anong lihim pa ang kaya nitong itago sa kanya? Babae? Anak sa labas? Tapos siya nagmumukhang tang