KABANATA 4 "PORTIA"

1141 Words
"ANONG oras ang uwi mo mamaya?" tanong sa kaniya ng Tita Cecil niya kinabukasan habang magkasabay silang kumakain ng agahan. "Baka po late na kasi mag-o-overtime ako, sayang din po ang kita," sagot niya saka inabot ang mug ng kape at uminom. Noon siya pinakatitigan ng tiyahin niya. "Aba anak alam ko namang gusto mong makapag-ipon para maipaayos mo ang puntod ng nanay mo, pero hindi tama na patayin mo ang sarili mo sa trabaho," anito sa kaniya kaya muli siyang napatitig rito. Tumango si Portia sa sinabing iyon ng kaniyang tiyahin. "Don't worry Tita Cecil hindi ko naman po madalas na gagawin ito, promise," aniyang tuluyan na ngang inubos ang pagkain sa kaniyang plato at pagkatapos ay ang lamang kape ng kaniya mug. Umungol ang tiyahin niya sa tono na tila ba hindi ito kumbinsido sa sinabi niya kaya naman hindi napigilan ni Portia ang matawa.  "Maliligo na po ako," paalam pa niya bago pumasok ng kaniyang kwarto para kuhanin doon ang kaniyang twalya. ***** MADILIM na nang lumabas si Portia sa pinagtatrabauhan niyang bangko.  Katulad ng sinabi niya kanina sa kaniyang Tita Cecil, nag-overtime siya. Nagkataon rin naman na marami siyang trabahong kailangang tapusin kaya minabuti niyang i-extend pa ang oras ng pagtatrabaho para magawa ang lahat ng kailangan niyang tapusin.  Sandali niyang sinulyapan ang suot na relo. Quarter to nine na kaya hindi narin siya nagtaka nang maramdaman niya ang biglaang pagkalam ng kaniyang sikmura dahil sa gutom. Naglakad siya palayo para sana maghanap ng masasakyang taxi. Pero iyon nalang ang biglang sikdo ng kaba sa kanyang dibdib nang biglang maramdaman ang tila kung sinong sumusunod sa kaniya. Mabilis niya itong nilingon at saka nahagip ng kanyang paningin ang isang bultong nagtago pa sa likuran ng isang poste ng kuryente. Noon lalong nagtumindi ang kabang nararamdaman niya kaya mas nilakihan niya ang kaniyang mga hakbang. Pero ganoon rin ang ginawa ng lalaking sumusunod sa kaniya. At ngayon halatang siya nga ang pakay nito. Inisip ni Portia na sumigaw para humingi ng tulong. Pero inisip rin niya na baka kapag ginawa niya iyon ay mas mapadali ang buhay niya kaya hindi nalang niya itinuloy ang kaniyang plano. Nang matanawan ang isang convenience store hindi kalayuan, noon bahagyang nabawasan ang kaba sa dibdib niya. Muli niyang nilingon ang taong sumusunod sa kanya, at nang mapunang malapit na ito sa kanya ay saka siya nagtatakbo.  Nahagip agad ng paningin niya ang isang kulay itim na kotse na nakaparada sa tapat ng store. Gawa ng pagkataranta ay nilapitan niya iyon saka hinila pabukas ang pinto at sumakay. *****    AGAD na nagsalubong ang mga kilay ni Vincent nang mapagmasdan ang isang babae na noon ay sumakay sa loob ng kotse niya. Buong akala niya ay si Stephen na ito na bumili naman ng maiinom sa convenience store kaya siya sandaling nag-park doon. “Miss! Sino ka at anong ginagawa mo dito sa loob ng sasakyan ko?” sita niya sa babaeng nang mapagmasdan niya ay napuna niyang takot na takot at walang kulay ang mukha. “bakit ba bigla ka nalang sumakay? Hindi naman kita kilala!” pagpapatuloy niya nang lingunin siya ng babaeng kanina ay pikit ang mga mata ang magkakasunod ang hiningang pinakakawalan. “S-Sorry, sorry po. A-Ano kasi eh,” anitong pumiyok pa. “m-may humahabol ay hindi kasi, sinusundan ako nung lalaki, natakot ako at itong kotse mo ang una kong nakita kaya dito na ako sumakay para matakasan siya,” anitong balisang tumitig sa kanya. Matagal niyang pinakatitigan ang mukha ng kaharap. Hindi maikakailang maganda ito sa kabila ng pagiging simple ng pagkakaayos ng buhok at ang mukha nitong pinahiran lang ng manipis na make up kung tutuusin.  Alam niyang may bahagi ng p*********i niya ang biglang naapektuhan ng hindi maipaliwanag na damdaming hindi niya alam kung saan nanggaling. Lalo na at ngayon ang humahalimuyak sa loob ng kaniyang kotse ang scent ng gamit nitong pabango na talaga naman napaka-banayad sa ilong.  Pero dapat ba siyang magtiwala? Sa dami ng naglipanang masasamang tao, anong assurance na hindi isa ang babaeng ito sa kanila? “Tsk, miss huwag mo akong lokohin. Anong malay ko? Baka modus iyan? Sige na bumaba ka na at parating na iyong kaibigan ko,” kahit may bahagi ng puso niya ang ayaw gawin iyon ay minabut narin niya sabihin.  Pero hindi parin niya maiwasan ang makaramdamn ng pagtataka kung bakit siya nakakaramdam ng kakaibang damdamin para sa estrangherang babaeng ito na ngayon lang niya nalaman na nag-e-exist pala dito sa mundo? Dahil nanatiling nakatitig si Vincent sa mukha ng kaniyang kaharap ay kitang-kita niya ang pagtutumindi ng takot sa magaganda nitong mga mata. At lihim niyang pinagalitan ang sarili niya dahil doon na katulad kanina ay muli na naman niyang ipinagtaka. Makalipas ang ilang sandali ay magkakasunod na umiling ang babae saka may kung anong bagay na inilabas sa loob ng sukbit nitong bag.  “Sige para maniwala ka heto ang ID ko. Empleyado ako sa bangko na iyan at nagsasabi ako ng totoo. Please maniwala ka, tulungan mo ako. Kailangang-kailangan ko ngayon ang tulong mo. If you want, pwede mong i-verify, basta ilayo mo lang ako dito. Natatakot kasi ako. Baka kasi kapag bumaba ako bigla nalang akong sunggaban nung lalaki at gawan ng masama,” ang takot na takot pa nitong pakiusap habang kababakasan naman ng matinding takot ang tono ng pananalita nito. Muli niyang pinagmasdan ang babae. Saka niya tiningnan ang hawak nitong ID at binasa ang pangalang nakasulat doon. Hazel Portia Umali, napangiti siya, maganda ang pangalan nito. Bagay kung tutuusin sa maganda nitong mukha.  Ilang sandali pa at natawan na niya ang kaibigan niyang si Stehen na kalalabas lang ng store. Nakita niya ang pagkabigla sa mukha ng matalik na kaibigan nang makitang may nakaupo sa passenger’s seat kaya sinensyasan niya itong sa backseat nalang pumuwesto. “Sige, saan ka namin pwedeng ihatid?” sa kalaunan ay mas nanaig ang paniniwala niyang nagsasabi ng totoo ang babae.  Kunsabagay, wala naman sa itsura ni Portia ang katulad nang nauna niyang naisip tungkol rito. Bukod pa sa katotohanan na ipinakita naman nito sa kaniya ang ID nito bukod pa sa suot nitong uniporme ng mismong bangko na sinabi nitong pinapasukan nito. “Portia?” si Vincent ulit iyon na kinukuha mula sa babae ang approval kung iyon nga ba ang palayaw nito. Maganda ang ngiting pumunit sa mga labi nito. “Oo, iyon nga ang palayaw ko. By the way, thank you so much mister,” anitong sa tono pa ng pananalita ay tila nabunutan ng malaking tinik sa dibdib.  Ilang sandali pa ay sinabi na nitong sa paradahan nalang ng traysikel niya ito ihatid. Hindi na siya nagkomento dahil pagod rin siya at gusto ng magpahinga. Galing sila ni Stephen sa isang birthday party ng kaibigan nila noong high school kaya inabot sila ng ganoong oras sa kalsada. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD