MATAGAL nang nakalabas ng kaniyang opisina si Portia pero nanatili parin si Vincent na nakatitig sa pintong nilabasan nito. Parang wala sa sarili siyang naupo sa sofa na kanina ay inupuan ng asawa niya. Hindi parin siya makapaniwala sa narinig niyang rebelasyon mula rito. May anak sila pero iyong itago sa kaniya ni Portia sa loob ng napakahabang panahon. Hindi biro ang tatlong taon na nawala sa kaniya kung ang pag-uusapan ay ang pagiging ama niya sa bata. At lalong higit na hindi biro para sa parte ng anak niya ang matagal na panahong iyon na lumaki itong wala siya sa tabi nito. Wala ang paggabay niya at ni hindi man lang nakita nang isilang ito ng kaniyang asawa. Sa kaisipang iyon ay mabilis na nilamon ng galit ang kaniyang dibdib. Tama si Portia, masakit ang pinaglilihiman. Pero hi