SA bahay nila siya nagpalipas ng gabi kinagabihan. At dahil nga maaga rin ang alis niya bukas para magpunta ng ospital ay hinayaan na muna niyang matulog si Vince sa bahay ng Papa niya. Dahil ayon narin mismo sa kaniyang ama, wala naman raw siyang kailangang alalahanin tungkol sa anak niya. Kalalabas lang niya ng banyo at naghahanda na para matulog nang makarinig siya ng pumaradang kotse sa tapat ng kanilang bahay. Mabilis na kumabog ang dibdib ni Portia dahil doon. May palagay siyang alam na niya kung sino iyon at hindi nga siya nagkamali. Si Vincent ang nakita niyang bumaba ng sasakyan at hindi nagtagal ay narinig na niya ang pagtunog ng doorbell. "Anong ginagawa mo dito?" sita niya sa lalaki matapos niyang alisin ang pagkaka-padlock ng gate. Hindi siya sinagot ni Vincent at sa hal