HINDI maintindihan ni Vincent kung saan nanggaling ang discomfort na bigla niyang naramdaman dahil sa tanong na iyon na mismong kay Portia nanggaling. Aware naman siya sa salitang discomfort at madalas niyang maramdaman iyon sa Papa niya kapag kinakausap siya nito. Pero sa totoo lang, hindi naman sa kayabangan, ito ang unang pagkakataon na naramdaman niya ang ganoon nang dahil sa isang babae. Bagay na ipinagtataka naman talaga niya pero ayaw niyang masyadong bigyan ng pansin. Alanganin na tumango si Vincent saka ngumiti. "Oo, teka, bakit parang hindi ka makapaniwala?" tanong niyang hindi inalis ang pagkakatitig sa magandang mukha ni Portia na habang tumatagal ay talagang walang dudang nagiging mas kaakit-akit sa paningin niya. Maputi si Portia o mas tamang sabihin na mestisa. Matangos