MAGKAKASUNOD na napailing si Portia sa gustong mangyari ni Vincent. Hindi naman dahil sa kung anong hindi magandang kadahilanan kaya mas pinili niyang tumanggi. Ang totoo gusto niya ang idea na iyon pero dahil nga sa discomfort na bigla niyang naramdaman ay minabuti niyang huwag nang tanggapin ang paanyaya nito.
“Naku huwag na, nakakahiya. Magta-taxi nalang kami,” aniya rito saka ngumiti per deep inside her, alam niyang naiinis siya sa sarili niya dahil sa kawalan niya ng lakas ng loob na gawin ang isang bagay na alam niyang magpapasaya naman sa kaniya.
Narinig niyang nangalatak ang binata. “Come on, I insist, okay lang naman sa akin iyon lalo at maaga pa at wala naman akong ibang gagawin na pag-uwi ko,” giit nito saka pa siya tinitigan ng tuwid sa kaniyang mga mata.
Sa paraan ng pagkakatitig sa kaniya ni Vincent ay para bang may kung anong klase ng enerhiya siyang naramdaman kaya bigla ay hindi narin niya napigilan ang makaramdam ng maliit na kiliti sa kaniyang puso.
Hindi niya napigilan ang kiligin sa narinig na sinabi ni Vincent at lalong higit sa malagkit na paraan ng pagkakatitig nito sa kaniya. Na kahit sabihin pang may discomfort parin siyang nararamdamanay hindi parin niyon nagawang takpan ang kakaibang klase ng kaligayahan na kung tutuusin ay para sa mga high school lamang.
Isama pa roon ang katotohanang napakagwapo nig binata at kapag tinitingnan siya nito pakiramdam niya ay gusto niyang malusaw dahil sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya at pati narin sa kakaibang lagkit na parang angkin ng maiitim at tila ba nang-aakit nitong mga mata.
“W-What do you think, Tita?” aniyang hinihingi ang opinyon ng kaniyang tiyahin na si Cecil na tila ba nasisiyasahan sa nakikitang paraang ng pag-uusap nilang dalawa ni Vincent. Pero ganoon pa man ay hindi parin nakaligtas sa pandinig ni Portia ang bigla at bahagyang panginginig ng kaniyang tinig sa hindi niya masabing dahilan.
“Oo naman, walang problema sa akin iyon anak.” sagot nito. “ipagluluto kita ng hapunan hijo, pa-thank you ko nalang saiyo dahil pinagmalasakitan mo itong pamangkin ko noong isang gabi,” baling ni Tita Cecil kay Vincent.
Lalong lumapad ang pagkakangiti ni Vincent sa narinig. “Tamang-tama, gutom na gutom narin ako at miss ko nang kumain ng lutong-bahay,” anito sa masiglang tono habang ang malapad nitong ngiti ay nagmistulang nakaplaster na sa mapupula nitong mga labi pagkatapos ay itinuro sa kaniya kung saan nakaparada ang kotse nito.
Parang may sariling isip ang mga paa ni Portia na kusang sumunod sa direksyong itinuro ni Vincent. Hindi niya maintindihan, noong una silang magkita nito ay wala siyang naramdaman na ganitong klase ng pakiramdam. Siguro dahil mas nangingibabaw ang takot sa dibdib niya nang mga sandaling iyon. Pero iba na ang nangyayari sa kaniya ngayon at totoong nasosorpresa siya sa sarili niyang pakiramdam.
Hindi niya alam kung normal ang ganito. At hindi rin niya alam kung paano ititigil o pagsasabihan ang sarili at puso niya na kumalma. Ano bang nangyayari sa kaniya at bigla ay nagkaganito siya?
At ilang sandali pa, kasama ang Tita Cecil niya ay sakay na sila ng kotse ni Vincent pauwi sa kanila. At katulad narin ng inasahan niya, sa passenger seat siya pinaupo ng lalaki ang ang tiyahin naman niya ang nasa backseat.
Sa simula ay plano pa sana niyang tumanggi, pero nang marahil mahulaan ni Vincent ang balak niya ay mabilis naman nitong nagawang linawin sa kaniya ang lahat. Iyon ay para raw mas maging madali ang pagtuturo niya ng diereksyon dito na sa huli ay naunawaan naman niya dahil may katwiran naman ito talaga.
Sinigang na hipon, kasama ang mga pagkaing ipinabalot niya ang inihanda ni Tita Cecil para kay Vincent. At habang abala sa kusina ay pinayuhan siya ng tiyahin niyang samahan nalang sa sala ang bisita nila.
Sa toto lang gusto niyang matawa na hindi niya maunawaan dahil sa lahat ng nangyari.
Bakit nga hindi gayong niyaya niyang kumain kanina sa labas si Tita Cecil pagkatapos nilang magsimba para sana pag-uwi nila ng bahay ay magpapahinga nalang silang dalawa. Pero iba ang nangyari, nagluto rin ito dahil sa biglang pagsulpot ni Vincent sa eksena.
Sa naisip niyang iyon ay lihim na nakaramdam ng amusement ang dalaga.
Obvious naman kasi na gusto ng tiyahin niya si Vincent at halata naman niya iyon. Kaya naman hindi na siya nagugulat sa mga iniuutos nito sa kanya. Sinabihan pa nga siya nitong magtimpla ng kape at dalhin sa lalaki na nasa kanila ngang sala.
"Samahan mo na doon iyon tao at magtimple ka ng dalawang kape pare tig-isa kayo," bilin nito na wala naman siyang ibang nagawa kundi ang sundin iyon.
"Sige po," sagot pa niya.
Ilang sandali lang at pinuntahan na niya ito sa sala. Agad ang ngiting pumunit sa mga labi ni Vincent nang makita siya nito.
“Gusto mo bang manood ng TV?” tanong niya saka inilapag sa center table ang tray na may dalawang mug ng mainit na kape.
Umiling si Vince saka tinanggap ang mug na iniabot niya rito. "Magkwentuhan nalang tayo, mas gusto ko iyon," anitong umangat pa ang sulok ng mapupula nitong mga labi saka siya tila ba nagbibirong kinindatan.
Alam ni Portia na malaki ang chance na walang ibig sabihin kay Vincent ang ginawa nitong iyon, pero hindi niya maintindihan at hindi rin niya magawang ipaliwanag ang naging reaksyon niya roon.
Namumula ang mukhang iniiwas niya ang paningin sa binata at wala sa loob na napahigop narin ng kape sa kanyang mug dahil doon. Hindi niya maikakaila ang epekto ni Vincent sa kanya. At hindi niya iyon naramdaman kanino man, kahit kay Alvin pa na matagal na niyang manliligaw.
“You have a very nice place. Dito ka ba lumaki?” simula ng binata makalipas ang ilang sandali.
Umiling siya. “Half of my life actually. Long story eh," sagot niiya na sinundan pa ang sinabi ng isang mabining tawa pagkatapos.
Tumango-tango si Vincent. “Ang parents mo?” tanong ulit ng binata.
Nagkibit siya ng balikat saka pahapyaw na nagkuwento sa binata.
Hindi niya maunawaan pero sa kabila ng katotohanang kailan lang sila nagkakilala ay wala siya maramdamang pagkainis sa lahat ng pagtatanong na ginagawa nito kahit na kung tutuusin ay medyo personal na ang mga iyon.
“Kanina ka pa nagtatanong, ikaw, anong trabaho mo?” sa kalaunan ay kusa nalang niyang naramdaman na tila ba interesado narin siyang alamin kahit kaunti ang mga bagay-bagay tungkol sa kausap.
Nakita niya ang amusement sa mga mata ng binata dahil doon. "Empleyado ako sa isang taxi company, office clerk," ang maikli nitong sagot sa kanya.
Napatango siya. “Oh talaga? Matagal ka na sa company na iyan?”
“Oo, first job ko ito actually, so ibig sabihin almost ten years narin kasi pagka-graduate ko dito na ako kaagad nagtrabaho,” anang binata.
"Wow, siguro maganda ang company na iyan kaya ka nagtagal. Teka, ibig sabihin nasa thirty na ang age mo?" sa huli ay hindi makapaniwala niya ng tanong habang pinagmamasdan ang perpektong kagwapuhan ng lalaki sa kaniyang harapan.