[MBI-THREE]

1352 Words
[MBI-THREE] KYRAN'S POV "Ma please! Cut it out okay! I'm going to hung up now," I hung up. Napabuntong-hininga ako. Lagi na lang kaming nagtatalo pagdating sa ganoong bagay. She wants me to get married again. I don't want to drag myself into that kind of situation right now. Marrying someone you don't know is like a work, so stressful. My daughter is enough to fulfilled my happiness and I don't want to fall in love again. Lumabas ako agad ng Limousine at inayos ang coat ko. "Welcome, Sir. Table for how many, Sir?" The waiter asked me. "For two," I said. "Master Kyran?" tawag sa akin bigla ng Butler ko habang nakasunod sa akin. "Yes?" I puzzledly answered. He looks so worried. "Lady Ashley is rushed to the hospital. Mukhang may nakain po siyang masama," paliwanag niya. "s**t!" I cussed. Awtomatiko akong nagmadali ng lakad palabas ng hotel. "Cancel all my appointments today!" utos ko. Agad kong hiningi ang susi ng isa pang sasakyan saka pumasok sa loob kotse. HALOS paliparin ko kotse makarating lamang sa hospital. Nang makapasok ako'y agad kong itinanong sa information desk kung nasaan ang kuwarto ng anak ko. Matapos ibigay sa akin ay tumakbo ako agad. Ni hindi na ako gumamit ng elevator. Nang makita ko ang kuwarto ay agad akong pumasok. Bumungad sa akin ang Mommy ko. "Hey why are panting?" taka niyang tanong. Umiling ako at lumapit agad sa hospital bed. "How is she Ma?" "She's feeling better now son." Napakuyom ako ng aking mga kamao. "Anong silbi ng dalawang katulong ng anak ko kung magkakaganito naman siya!" galit kong wika. Mahal na mahal ko ang anak ko. I don't want to lose her. "Kyran calm down please. . ." My Mom tap my shoulder. "No!" matigas kong sabi. Tumawag ako sa bahay at kinausap ang Mayordoma ko. "Fired that two maids! I don't wanna see their faces again!" I hung up. Bumalik ako sa loob. Karga ng Mommy Vina ko ang anak ko. Lumapit ako agad at kinuha ang bata. "How are you baby? Feeling good now? Huh?" lambing ko. My dearest Ashley gave me a wide smile. I feel relieved. "Son? I think you should accept my offer right now. Ashely is starting to grow up faster. She needs a mother to take good care of her. Don't get me wrong son but I guess it's time," my Mom said. Napabuntong-hininga ako. "Make sure you'll choose a woman who can take good care of Ashley Ma," sagot ko. Maybe my Mom is right. Hindi ko kayang alagaan si Ashley kung lagi akong wala sa tabi niya. Humalik naman sa pisngi ko ang Mama. Mukhang masaya siya dahil sa wakas ay napapayag niya na ako. Sana itong desisyon na ito ay hindi ko pagsisisihan sa bandang huli. LYKA'S POV HETO ako ngayon pagala-gala sa kalye. Lumapit ako sa isang matandang nagwawalis. "Manang may alam po ba kayong apartment na mauupahan?" "Bakit Ineng? Uupa ka?" Hindi! Hindi! Kaya nga nagtatanong 'di ba? "Ay opo," 'yan na lang isinagot ko. "Hayan sa likuran mo Ineng. Three thousand pesos ang upa kung maliit na kuwarto lang pero kung mas malaki naman four thousand five hundred. One month deposit," paliwanag niya sa akin. "Kayo po ang may-ari?" "Hindi. Iyong anak ko." Ah! Kaya naman pala niya alam. "Sige po kukunin ko 'yong malaking kuwarto" "Oh siya sige. Halika na sa taas." Umuna na siyang naglakad kaya sumunod na ako. Pagkadating namin sa ikalawang palapag ay agad niyang ipinakita sa akin 'yong kuwarto. Malaki nga, at okay na sa akin. Kumuha ako agad ng pera at inabot sa kanya tapos ibinigay niya sa akin 'yong susi. Ini-lock ko na 'yong pinto at lumabas pagkatapos ay pumara ako ulit tricycle para bumalik sa hotel. PAGKADATING ko ng hotel ay pinahakot ko agad ang mga gamit ko tapos bumalik ulit sa apartment ko. Ilang oras din akong natapos sa pag-aayos. Pasalampak akong naupo sa sofa dahil sa tindi ng pagod. Kailangan ko na ring maghanap ng trabaho. Ayaw ko rin namang umasa sa pension ni Papa. KINABUKASAN ay nagising ako ng maaga kaya agad akong nag-ayos ng sarili ko. Isinuot ko 'yong isa sa mga damit na binili ni Kyla sa akin tapos pinarisan ko ng sandals na two inches lang 'yong takong. Hindi kasi ako sanay sa matataas ang takong. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng kuwarto ko. Sa labas na rin ako kakain. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si... "Kyla?!" gulat kong bulalas. "Wow! You looked me!" gulat niyang sabi. Binatukan ko siya. "Ouch!" daing niya. "Kaya nga ayaw kong magsuot ng ganito kasi nagmumukha tayong kambal," sagot ko. Napakamot naman siya sa ulo niya. "Maganda nga 'yan eh," nakangiti niyang sagot. "Paano mo naman nalamang dito ako nakatira?" taka kong tanong. "Source. Natandaan kasi ng stepbrother mo 'yong plate number ng taxi kaya hayun, gumawa ako ng paraan para ma-locate ka." Pumasok naman siya sa loob at umupo sa sofa. Pansin kong iba ang aura niya ngayon at parang tumaba siya ng konti. Isinirado ko ulit 'yong pinto at umupo sa harap niya. "May problema ba?" nag-aalala kong tanong. Bigla naman itong umatungal. "Lyka ayaw kong magpakasal sa lalaking 'yon!" ngawa niyang bigla. Sinipa ko siya ng konti para tumigil. "Parang ka namang bata pero hello? Paano naman nangyaring ikakasal ka?" taka kong tanong. Na-alarma ako bigla nang umiyak siya ng todo kaya tumabi na ako sa kanya. "Kyla bakit?" tanong ko. "Isinali ako ni Mommy sa isang online aranged marriage tapos sa kasamaang palad ako 'yong napili! Ayaw kong magpakasal sa lalaking 'yon! Mahal ko boyfriend ko Lyka," umiiyak niyang paliwanag sa akin. "Paano 'yan? Kilala mo naman si Tita 'di ba? Lahat dapat ng gusto niya kailangang masunod," wika ko. "Lyka please help me." Nasapo ko ang aking noo. "Paano naman kita matutulungan aber?" Nagliwanag naman bigla 'yong mukha niya. Mukhang 'di maganda 'yong tanong ko. "Magpanggap ka bilang ako." Napatayo ako sa sinabi niya. "Ano!? Nababaliw ka na ba!" galit kong sabi. "Lyka please! Wala akong alam na ibang plano." Napabuntong-hininga ako. "Kyla pinsan kita at kahit anong mangyari tutulong ako sa kahit na anong paraan pero ang pumasok sa ganyang estado, labas na ako diyan Kyla. Ni ayaw ko pa ngang mag-boyfriend tapos kasal pa kaya," litanya ko. "Please! Ayaw ko talagang magpakasal sa kanya Lyka!" ngawa niya. Napabuntong-hininga akong muli. "Kakausapin ko si Tita bukas. Ako ang magpapaliwang sa kanya," sagot ko. Tumango lang siya. "Tahan na," alo ko sa kanya. "Saan ka ba pupunta? Bakit ka naglayas? Anong dahi—ummp!" Sunod-sunod niyang tanong kaya tinakpan ko 'yong bibig niya dahil kung hindi, magtatatanong lang siya sa akin ng kung ano-ano. "Titigal na?" Sabi ko. Tumango naman siya. Inalis ko na 'yong kamay ko. "Naglayas ako sa bahay dahil balak akong ibugaw ng madrasta ko kaya heto ako ngayon dito tapos kung bakit ako nakaayos ay maghahanap ako ng trabaho," paliwanag ko. Tinitigan naman niya ako tapos... "Ano!? Putang ina talaga 'yong witch na 'yon! Ugh!" Gulat akong napaurong ng upo. "Late reaction?" "Ewan! Pero—ugh! Lagot sa akin 'yong witch na 'yon!" Aakma siyang tatayo kaya pinigilan ko agad. "Baliw ka ba?! Paano 'pag nakita ka no'n ha!" litanya ko. Ngumuso naman siya na parang bata. "Lyka ah! 'yong usapan natin," seryoso niyang sabi. "Oo na," sagot ko. Tumayo na ako at hinila din siya patayo. "Saan tayo?" taka niyang tanong. "Sa beach para mawala stress mo," nakangiti kong sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD