[MBI-TWO]
LYKA'S POV
GABI na nang makauwi kami sa bahay at agad na sumalubong ang madrasta ko na galit na galit na at 'yong itsura niya'y parang kinakatay na baboy!
"Ikaw na—" Nabitin si Mudra nang mapansin niyang iba ang kaharap niya.
Kyla is a sophisticated woman. Bumagay sa kanya ang manipis na make up at eleganteng sout, paresan mo pa ng heels na mahaba ang takong. Nagbago naman bigla ang aura ng madrasta ko.
"Oy Kyla! Ija! Buti at napadalaw ka," ngiting-ngiting sabi ni Mudra at halata namang plastic.
Inirapan lang siya ni Kyla. Muntik na akong matawa. Umipod ako ng konti kasi nakasunod lang kasi ako sa pinsan ko, bale nasa likuran niya ako. Kasi siguradong may sabunot akong matatanggap kung ako agad ang unang nakita ni Mudra.
"'Wag niyo sanang pagalitan ang pinsan ko dahil isinama ko siyang gumala."
Hindi makatinging paliwanag ng pinsan ko. Ayaw niya rin kasing makipagplastikan.
"Ah ga—"
Natigil sa pagsasalita si Mudra kasi inabutan siya agad ng pinsan ko ng limang libo. Napahilot ako sa aking ulo. Bakit ba ang ibang bagay laging nadadala sa pera?
"Nako Kyla, salamat!" ani Mudra pagkatapos ay pumasok na ito sa loob ng bahay.
"'Di mo na sana siya binigyan Kyla. Alam mo namang mamumuro 'yan lalo."
"Lyka you know me. Ayaw kong sinasaktan ka ng babaeng 'yon."
Humugot naman siya ng ilang libo sa loob ng bag niya.
"Kyla 'wag na!" pigil ko.
"Hindi sa akin galing 'to kundi kay Papa. Alam niya kasing naubos na ng witch na 'yon 'yong perang nakalaan sa pension ni Tito. Mali pala, pinatigil pala ni Papa 'yon. Kaya ito 'yong pin code at ATM card. Sa 'yo na 'yan nakapangalan. Sinubukan ko ding mag-withdraw kung gagana ba at gumana siya agad," mahabang paliwanag niya sa akin.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya ay niyakap ko na lamang siya.
"Mag-iingat ka dito ha. Tawagan mo ko kung may problema." Tumango ako.
"'Yong pinag-usapan natin."
Ang tinutukoy ko ay 'yong tungkol sa nobyo niya.
"Opo ate! Ciao!"
Sumakay na siya sa kotse at kumaway sa akin.
"Bye!" pahabol ko.
Napangiti ako.
"Aray!" biglang daing ko.
Nabitawan ko kasi 'yong mga paper bag at nahulog sa paa ko. Ngayon ko lang napansin na may tatlumpong paper bag pala akong dala hehe. Pumasok na ako sa loob. Ipinasok ko na sa kuwarto ko 'yong mga dala ko at kinuha 'yong tatlong paper bag. Lumabas ako ng kuwarto ko at inabot kay Mudra.
"Para sa mga kapatid ko po 'yan."
"Mabuti naman at naisipan mong ibili ang mga kapatid mo."
"Mabait kasi sila sa akin maliban sa inyo," bulong ko.
"Ano kamo!?"
"Po? Wala po! Ang sabi ko po eh si Kyla po bumili niyan," agad na sagot ko.
"Ah gano'n ba? Pakisabi salamat dito."
"'Wag po kayong mag-alala dahil last na 'yan," bulong ko ulit.
"Ano?!"
"Ang sabi ko po kumain na ho tayo."
Tinalikuran ko na siya at pumasok sa kuwarto ko. Inilatag ko lahat ang mga pinamili sa akin ni Kyla. Nakapamaywang akong nagpalakad-lakad. Saan ko naman kaya 'to ilalagay. Ang dami ko ng damit. Kinuha ko na lang 'yong maleta ko at doon iniisa-isang inayos. Matapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng kuwarto ko ngunit napatigil ako dahil sa narinig ko ang pangalan ko. Nagtago ako agad sa gilid at nakinig sa kanila. May bisita ang madrasta ko at hindi ko kilala.
"Kailan mo ba ibibigay sa akin ang bayad Meriam!" galit na sabi no'ng lalaki.
"Wala pa akong pera pero 'yong anak ng pangalawa kong asawa, maganda 'yon! Puwede mo 'yon pagkakitaan!" sagot ng madrasta ko.
Natutop ko ang aking bibig at dali-daling pumasok sa kuwarto ko.
"Wala ka talagang awa!" nagpipigil kong sambit sa sarili ko.
Agad kong inayos ang mga gamit ko. Kailangan kong makaalis ng bahay.
"Ate—"
Napalingon ako sa stepbrother ko. Hinila ko siya agad at ini-lock 'yong pinto.
"Ate aalis ka?"
Tumango ako at nagsimula ng tumulo ang mga luha ko.
"Kailangan kong umalis dahil kung hindi ibebenta ako ng mama mo."
Tumango naman siya.
"Tutulungan kita mamaya ate. Sa sala ako matutulog."
Niyakap ko ng mahigpit ang kapatid ko. Buti na lang at 'di nagmana sa ina.
MAKALIPAS ang isang oras ay tulog na ang madrasta ko kaya ginising ko na ang kapatid ko para tumawag ng taxi. Pagkabalik niya'y agad naming hinakot ang mga gamit ko, matapos ay inabutan ko siya ng pera.
"Ito ang numero ko, tumawag ka kung may kailangan ka tapos kapag dumalaw si Kyla dito sabihin mong tawagan niya ako," bilin ko.
Iyak naman nang iyak ang kapatid ko. Niyakap ko na lang siya at sumakay na ng taxi.
"Manong, okay lang po ba sa inyo na bumyahe tayo ng malayo?" tanong ko.
Baka kasi mag-double ride pa ako.
"Ay oho ma'am. Saan po ba kayo?"
"Sa Samal po tayo," sagot ko.
GRABE! Uminit 'yong puwet ko sa kakaupo. Nagpababa ako sa isang maliit na hotel sa isla. Papasok na sana ako nang mabangga ako ng kapre esti tao.
Dahil sa lakas nang pagkakabangga ko'y sa sahig niya na ako pinulot.
"Hey are you okay?"
Napatingala ako ng tingin sa kapre esti sa taong nakabangga ko. Ang taas niya kasi, sa tantsa ko mga 5'10 'yong taas niya, eh ako? 5'7. Ang laki ng deperensya. Nagmukha akong unano.
"Miss?" untag niya sa akin.
"Ha? Ah oo," nauutal kong sabi.
Ang guwapo niya kasi! Ugh!
"Okay," 'Yan lang isinagot niya pagtapos ay umalis na.
Aba't! Loko 'yon ah! 'Di man lang nag-sorry? Guwapo sana pero bastos! Hmp! Pumasok na ako sa loob at nag-check in tapos binigyan nila ako agad ng kuwarto. Pagkapasok ko sa kuwarto ko sa ika-tatlong palapag ay tumihaya ako agad sa kama, ang lambot eh. Isang araw lang ako puwede dito kasi bukas maghahanap na ako ng maliit na apartment.
May kumatok naman sa pinto kaya tumayo ako agad at binuksan 'yong pinto. Hingal na hingal na baggage boy ang sumalubong sa akin. Inayos ko agad ang tayo ko at with poise. Nag-inarte ako ng konti.
"Oh? I'm sorry for my stuffs. It's kinda heavy you know," with British accent kong sabi.
P'we! Nasasamid talaga akong mag-english. Hindi ako sanay. Nasa Pilipinas naman tayo. Ang O.A talaga ng mga tao minsan.
"It's my job ma'am."
Ngumiti lang ako sa sagot niya at binuksan ang pinto ng todo para ma-ipasok niya 'yong mga gamit ko. Sa dami ba naman ng damit ko, isama mo pa ang mga sapatos ko talagang hihingalin siya. Inabutan ko siya agad ng tip tapos lumabas na siya. Pasalampak akong naupo sa kama ko. Saan kaya ako maghahanap bukas ng apartment. Bahala na nga lang si Batman.