[MBI-FOUR]

1014 Words
[MBI-FOUR] LYKA'S POV HABANG papasok kami ng entrance sa isa sa beach ng sa Kaputian ay halos pagtinginan nila kami. Napabuntong-hininga na lang ako at nagmadali nang naglakad habang hila si Kyla. Kaya nga ayaw kong mag-ayos ng ganito eh. Ayaw kong pinagtutuunan ako ng pansin. "Eh! You know what Lyka ganyan ka na lang dapat mag-ayos eh para kambal talaga tayo," tuwang-tuwa niyang sabi. Kinurot ko siya sa tagiliran. "Naman eh!" angal niya. "Sira ka talaga! Ang laki kaya ng pagkakaiba natin kung sa mga gusto at ayaw ang pagbabasehan," sabi ko pa. One of the boys ako. Suntukan ang hilig ko at hindi pagma-make up at pagsusuot ng mga ganitong bagay. Rubber shoes ang gusto ko at hindi high heels. Hindi rin ako maarte at nagfe-feeling na mayaman kahit mukha talaga akong mayaman. "Teka Lyka nagugutom na ako eh, kumain muna tayo," pigil niya sa akin bigla. "Fine! Kaya ka tumataba kasi kain ka nang kain." Nag-pout naman siya. Huminto kami sa isang kainan. Pumasok na kami at umupo sa bakanteng mesa. Habang pumipili ako, si Kyla naman dada nang dada. Deadma lang ako at tinawag 'yong waiter. "Do you need anything ma'am?" tanong sa akin. Nagtaka naman ako bigla. Hindi pa naman ako nag o-order ah. Napatingin ako sa mesa namin. Laglag ang panga ko. Binalingan ko 'yong waiter. "Oh sorry. I already have it," nahihiya kong sagot habang pinapakita kunwari 'yong kutsara. Nginitian lang ako ng waiter pagkatapos ay umalis na. Ito namang kaharap ko kain naman nang kain. Hinampas ko siya ng menu list. "Ah! Mashakit ah!" angal niya. "'Di ka naman masiyadong gutom ano!" Sinimangutan niya lang ako. Bakit ba ang takaw niya na, dati naman kasi conscious siya sa figure niya tapos may Nutritionist pa siyang sinusunod. Tumaba din siya ng konti. Siguro nagbago ang isip. Nagkibit-balikat na lang ako at nagsimula nang kumain. Matapos naming kumain ay gumala na kami ng walang kasawa-sawa pagkatapos umuwi nang mapagod. MATAPOS kong magbihis ay humiga na ako sa kama ko. Kailangan kong matulog ng maaga dahil may problema pa akong haharapin bukas. GUMISING ako ng maaga pagkatapos ay nag-ayos ng aking sarili. Isang simpleng rubber shoes lang tapos malaking t-shirt at 3/4 na maong. Jologs na jologs ang dating pagkatapos ay hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko. Instant noodles lang din ang kinain kong agahan para 'di ako malipasan ng gutom. Lalabas na sana ako ng apartment ko nang may biglang tumawag sa cellphone ko kaya agad ko din naman itong sinagot. Sandali pa akong napatingin sa screen ng aking cellphone, it was Kyla. "Oh Kyla napa—" Naputol ang sasabihin ko dahil agad kong narinig ang hikbi niya kabilang linya. "Hello Kyla?" tawag ko ulit. "Lyka ang Tita Helen mo 'to." Nagulat naman ako sa narinig ko. "Tita bakit?" taka kong tanong. "Kyla is in the hospital right now Lyka. Please pumunta ka dito," umiiyak na paliwanag sa akin ni Tita. Kailangan pa sila lumuwas ng Davao? "Opo!" natataranta kong sagot at dali-daling lumabas ng apartment ko at pumara agad ng tricycle. Nagpahatid ako agad sa pantalan para maabutan ang biyahe sa barge. AFTER a couple of hours, agad akong nakarating sa Southern Philippines Medical Center o SPMC. Patakbo akong pumasok sa loob at nagtanong agad sa information desk. Matapos ibigay sa akin 'yong numero ng kuwarto ay tumakbo ako ulit. Pagkadating ko'y binuksan ko agad ang pinto at ang bumungad sa akin ay ang pinsan kong si Kyla na walang malay. "Ija," salubong sa akin ni Tita Helen at niyakap ako habang patuloy na umiiyak. "Tita tahan na ho," alo ko sa kanya sabay tapik ng marahan sa balikat nito. Kinalas naman niya 'yong yakap niya sa akin at pinaupo ako sa sofa. Pinahiran niya muna ang mga luha niya bago nagsalita. Humugot muna ito ng malalim na hininga. "Nag-away kami kagabi ng anak ko. Siguro naman naikwento niya sa 'yo 'yong dahilan Lyka pero hindi ko siya pinakinggan sa katwiran niya." Napatingin naman siya kay Kyla pagkatapos ay nagsalita ulit. "Hindi ako puwedeng tumanggi sa pamilya ng lalaking pakakasalan ni Kyla dahil nakapirma na sa kontrata ang Tito mo para sa Merger. Hindi ko alam na didibdibin niya 'yong pagtatalo namin kagabi kaya naisipan niyang magpakamatay. Buti na lang at nadala siya agad ng personal maid niya sa hospital. Ang akala ko ija mawawala na sa akin ang anak ko pati na rin ang apo ko," mahaba niyang paliwanag sa akin. "Apo? Bu-buntis si Kyla?" gulat kong sambit. Tumango naman si Tita Helen. Sinasabi ko na nga ba! Kaya pala ang takaw niya at tumaba siya ng konti, 'yon pala'y naglilihi na siya. "Tita I want to help my cousin. Ayaw ko rin pong mawala siya." Naguluhan naman bigla si Tita sa sinabi ko. Humugot ako ng malalim na hininga. Wala na akong choice kundi gawin 'to. Ayaw kong magpakamatay ang pinsan ko kung may magagawa naman ako. "Kyla begged me na magpanggap bilang siya," panimula ko. Namamawis na ang mga kamay ko dahil sa sobrang kabang susuungin ko. "Pero ija mahirap 'yan. I know na mukha talaga kayong kambal pero kasama sa requirements ang background ni Kyla at kung ano-ano pang mga ginagawa niya," sagot ni Tita Helen sa akin. May point siya. Paano ko nga naman gagawing magpanggap bilang pinsan ko, eh napaka-opposite naming dalawa. Bahala na! "Tita we don't have a choice. Kung pipilitin natin si Kyla ay baka magpakamatay siya ulit. Ayaw kong mawalan ulit ng mahal sa buhay Tita," malungkot kong sabi. Napabuntong-hininga naman ito. "Salamat ija. Tatanawin kong isang malaking utang na loob ko 'to sa 'yo." Umiling ako. "Wala po 'yon," pilit kong ngiting tugon. Anong gagawin mo ngayon Lyka? Bahala na si Mr. Bean!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD