[MBI-FIVE]

1131 Words
[MBI-FIVE] KYRAN'S POV I AM in the room of my dear daughter Ashley at nakikipaglaro ako sa kanya. She's one year old now and time flies so fast. "Want to play with Daddy?" nakangiti kong lambing sa anak ko. "Ma—ma," sabi bigla ni Ashley. I kiss her forehead. Hindi ko mapigilang malungkot para sa anak ko. My wife died a year ago after gaving birth to Ashley. That was really a big tragic that came into my life. And now I am going to get married again. Kaya lang naman ako pumayag sa gusto ni Mommy ay dahil sa anak ko. Naaawa ako sa anak ko na kapag lumaki siya'y wala siyang kikilalaning ina. I experience that kind of situation too. Lumaki ako na hindi man lang nasilayan ang ama kong pumanaw na. Ayaw kong mangyari 'yon sa anak ko kaya kahit ayaw ko ay wala akong magagawa. Besides, I don't need a lover, all I need is just a mother for my daughter. Mahal na mahal ko ang anak ko kaya lahat ay gagawin ko para sa kanya. Tumayo na ako at kinarga ang anak ko at pumuwesto sa veranda. Nag-leave ako ng one week sa trabaho para makasama ang anak ako. Habang nilalaro siya'y bumungad naman sa akin ang Mommy ko. "It's all settle son. This saturday is the engagement party and then the wedding is next month Kyran. Is that ok with you?" balita niya sa akin. Tumango ako. "As long as that thing won't conflict to my working schedules," I said. "Want to know about her?" Mom asked and showed to me the envelope. "Yeah, just leave it in my office Mom where I can easily see it," I answered. Ngumiti naman siya ng sobrang lapad at tinapik ang balikat ko. "I am hundred percent sure that you'll fall for her son," Mom suddenly said and step outside. Napailing na lang ako. Me? Fell on someone easily, huh? Well, let see how that woman can handle a rugged husband. Tumayo na ako at inihiga sa crib si Ashley. She is sleeping so sweet. I kiss her cheeks. "I love you so much baby," I whispered. I step outside. Tinawag ko agad ang dalawang bagong katulong. This time I hired a professional nanny's with a high profiled background. "Take care of my daughter while I'm not on her side. Understood?" bilin ko. Tumango naman silang dalawa. Dumiretso ako agad sa opisina ko at naupo sa swivel chair at sumandal. Even if I leave for a couple of days 'di ko pa rin maiwasang isipin ang trabaho sa opisina. It's really hard to be a C.E.O at the same time owner. I close my eyes and take a nap. I need to rest for a while. LYKA'S POV HETO ako ngayon sa harap ni Kyla at hilong-hilo sa kakatingin sa kanya dahil sa paroon at parito niyang lakad. No'ng araw na na-confined siya ay na-discharged ito agad sa hospital matapos sabihin ng doctor na maayos na ang kalagayan niya. Kaya heto siya sa harap ko, sobrang energetic at parang guro kung maka-lecture sa akin. Napepesti 'yong utak ko dahil ni isang sentence sa mga sinabi niya ay wala akong maintindihan. "Stop!" awat ko habang itinataas 'yong dalawang kamay ko sa ere. "Oh bakit?" taka niyang tanong. Inabot ko sa kanya 'yong cellphone kong bagong bili ni Tita Helen. Kailangan kasi may props. "Ano gagawin ko dito?" "Save mo diyan sa memo lahat ng hobbies mo. Ikaw na mag-type dahil tinatamad ako," nakabusangot kong sabi. Inirapan niya lang ako at nagsimula na siyang mag-type habang kinukopya 'yong mga nakasulat papel. Ilang oras lang ay natapos naman siya agad. Inabot niya sa akin 'yong phone ko at tiningnan ko ito. "Bilis mag-type ah!" "Ako pa. Umayos ka na kasi, ito na 'yong exciting part," tuwang-tuwa niyang sabi. Hindi na lang ako umimik. Binuklat niya na 'yong folder. "Ang groom mo ay si Kyran Liam Eidenberg, twenty-nine years old at C.E.O ng Airvoice Company na nakabase sa Italy. Iyong main ang tinutukoy ko, siya rin ang may-ari. May kumpanya naman siyang pinapatakbo din dito kaya lang ito lang 'yong branch. Half Italiano, half Filipino. Isang bilyonaryo si Kyran at maimpluwensiyang tao pagdating sa negosyo. 5'10 ang taas at maagang na biyudo dahil namatay ang asawa niya matapos ipanganak ang anak niyang si Ashley na ngayon ay one year old na." Tumigil na siya sa pagsasalita. "Iyon lang?" taka kong tanong. "Yup, ay mayro'n pa pala, sobrang guwapo din at bachelor na bachelor ang dating pero kung titingnan mo siya na hindi suot ang mamahaling mga coat ay magmumukha siyang boy next door." Napakagat labi ako. Parang nanliit ako sa sarili ko. Ang dami pa rin pa lang Adones sa mundo. Bahala na si Superman. "Tayo na Lyka, oras nang magpraktis!" Nailing lamang ako. Isinuot ko na iyong high heels. Paika-ika akong naglakad. Hindi ako sanay eh. "Lyka wag kang yumuko! Straight dapat ang lakad mo! With poise dapat!" coach pa sa akin ni Kyla. "Oo na!" Inayos ko na ang tindig ko pero wa epek pa rin dahil 'di ako makapag-concentrate ng maayos. Kinakabahan ako sa lalaking 'yon kahit 'di ko pa siya nakikita. "Oh para saan yan?" tukoy ko sa makakapal na libro. "'Pag 'di ka umayos, ilalagay ko ito lahat sa ulo mo." "Ano!?" "Bingi lang?" Inirapan ko siya. "Kung 'di lang kita mahal talagang nag-back out na ako." "Mahal din kita kaya umayos ka na!" Ugh! This time inayos ko na ang lakad ko pati na ang pananamit at pagma-make up. Sisiw! "Galing ah!" puri niya pa sa akin. Dinilaan ko lang siya at nagpalit na ng damit. Dito na kasi ako nakatira sa bahay bakasyunan nila sa Davao. "Sa sabado na 'yong engagement party niyo kaya dapat ready ka, tapos kapag nakasal na kayo mukhang sa Tagaytay kayo titira dahil may malaki siyang mansion na pag-aari doon," sabi niya bigla. Parang gusto ko na tuloy umatras. "Pinsan sorry kasi nailagay kita sa ganitong sitwasyon," umiiyak niyang sabi. Umiling ako. "Ayaw ko rin namang may mangyari sa iyong masama, lalong-lalo na kay Tito at Tita, ayaw kong mapahiya sila," sagot ko. Niyakap naman niya ako. "Tahan na, puwede?" Ngumiti naman siya at tumango. "Ang taba taba mo na ah," asar ko. Sinimangutan niya lang ako. Hays, paano ko kaya 'to kakayanin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD