[MBI-SIX]
LYKA'S POV
DAYS gone by unnoticeable. Heto ako ngayon sa loob ng bahay. Kinakabahan ako kasi makikita ko na 'yong mapapangasawa ko. Ang sabi kasi ni Tita Helen, susunduin ako ni Kyran tapos sa ibang kotse daw sila sasakay.
"Be your self anak," sabi sa akin ni Mommy.
Mommy na kasi dapat ang itawag ko kay Tita Helen kasi nga si Kyla na ako 'di ba? Ngumiti lang ako.
"Sis, dapat 'di ka kunwari ma-atract sa kanya, kunwari deadma ka sa kagwapuhan niya," tawang-tawang bulong sa akin ni Kyla pagkatapos ay umalis na sa harap ko.
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Ma'am nandito na po si Sir Kyran," bungad sa amin ng katulong.
Agad kong pinakalma ang sarili ko at umayos ng upo. Dumating naman bigla iyong isang lalaki na parang Butler niya kasunod ay... pesti! Ang guwapo! Isa nga siyang Adones. Halos pigilin ko ang paghinga ko.
"Hello Mrs. Willson," bati nito.
Pati boses parang vocalist ng isang banda.
"You should start calling me Mommy," nakangiting wika ni Mommy Helen.
"Of course! Hello Kyla nice meeting you, finally," baling niya sa akin.
Nakangiti siya pero parang pilit na pilit. Ngumiti na lang ako ng sobrang lapad kahit na nanginginig na ang mga tuhod ko at sobrang pawis na din ng mga kamay ko.
"Nice to meet you too Kyran," bati ko.
"So shall we?" yaya niya.
Tumango lang ako at ngumiti pagkatapos ay inabot niya ang kamay ko at inalalayan ako palabas ng bahay. Para akong napaso sa pagdantay ng kamay niya sa akin. Ngayon ko lang din na-experience iyong ganitong pakiramdam. Tagaktak pawis ko men! Sumakay kaming dalawa sa Limousine at magkaharap kami ngayon. Habang nasa biyahe kami'y ang lagkit ng titig niya na ani mo'y parang kakatayin niya ako. Hindi ako nagpatalo sa kaba ko at sinalubong siya ng tingin. Parang nag-uusap kami nang mata sa mata. Ang maamo niyang mukha kanina ay napalitan ng isang mabangis na Lion.
Mukhang nagpapanggap lang siyang masaya sa paningin ng iba. Napagawi ang tingin ko sa gilid niya, ang bintana.
"Stop the car," madiin kong sabi.
Takang-taka naman siyang napatitig sa akin pero pinahinto niya ang sasakyan.
"Wait a second," sabi ko.
Maarte akong lumabas ng Limousine at tumawid sa kabilang kalasada.
"Mike!" tawag ko pa.
"Ate!" tuwang-tuwa niyang sabi nang makita ako.
Niyakap naman niya ako bigla at 'di ko alintana ang pagkadungis niya.
"Anong ginagawa mo dito sa kalye ha?" nag-aalala kong tanong.
"Lumipat na kasi kami ni nanay ate simula nang umalis ka."
Napabuntong-hininga ako at kumuha ng sampung libo sa pitaka ko.
"Umuwi ka na, ito number ko, nagbago na kasi ako ng phone. Tawagan mo ko kapag may kailangan ka pero 'wag mo ipaalam kay nanay na nagkita tayo."
Tumango naman siya sa bilin ko.
"Ba-bye ate," paalam niya at hinalikan ako sa pisngi pagkatapos ay tumakbo na siya palayo sa akin.
Bigla namang may namalimos sa akin at ang dami nila.
"Oh ayan isang libo paghatian niyo yan ah!"
"Opo ate!"
Ngumiti lang ako at tumawid na at bumalik sa pagpasok sa sasakyan.
Kitang-kita ko sa mukha niya ang sobrang pagtataka. Nagkibit-balikat lang ako at sa labas ibinaling ang tingin ko.
KYRAN'S POV
I looked at her puzzledly. Habang pinagmamasdan ko siya kanina ay para bang balewala lang sa kanya na makisalimuha sa mga batang kalye. Pansin ko ring matulungin siya at mahilig sa mga bata. Mukhang kumuha talaga si Mama ng babaeng papasa sa standard ko. Well, hindi ko pa naman nababasa ang information tungkol sa kanya, maybe later.
UMUNA akong lumabas at hinawakan ang kamay niya. I've noticed that her hand was so sweat, I think she's too nervous. When I hold her hand so tight, she didn't react and gave the visitors a wide smile. I pretend to smile too. Naglakad kami papuntang gitna at naupo sa mesa. I act as gentleman as I could be. The party started and I'm getting bored.
"Let's call the couple for our first dance," the emcee announced.
I stood up and held her hand. Pumwesto kami sa gitna and we started to dance slowly hanggang sa nagsayaw na din iyong iba.
AFTER an hour, the party was over and all of them greeted us, congratulated us for our wedding. But my fiancee are just smiling and not even talking, even me, she's not talking to me. I find her so weird and interesting. Matapos ang party, we decided to go home early. Wala rin kaming imikan sa loob ng sasakyan. Nang makarating kami sa bahay nila ay naging gentleman pa rin ako at pinagbuksan siya ng pinto ng sasakyan.
"Nice meeting you again Kyran, see you in the wedding," she said and gave me a peek kiss on my left cheek.
Napakunot noo na lang ako. See you in the wedding too?