[MBI-ONE]

1335 Words
[MBI-ONE] LYKA'S POV  Napabuntong-hininga ako habang nakaharap sa kisame.  "Ano kaya magiging itsura ng lalaking pakakasalan ko kung saka-sakali?" nasabi ko sa sarili ko. Nanatili akong nakatitig lamang sa kisame nang biglang may bumuhos ng tubig sa akin. "Ah!" tili ko.  "Para magising ka! Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyong gumising ka ng maaga dahil papasok pa sa school ang mga anak ko!"  Ugh! Naririndi na talaga ako sa paulit-ulit na litanya ng aking mabait na stepmother. Bumangon na ako at nagbihis kasi sobrang basa ng damit ko. Buti na lang at isang basong tubig lang ang ibinuhos sa akin dahil kung nagkataong isang balde ng tubig ang ibunuhos niya, dadami na naman ang mga labada ko.  Napailing na lang ako. Kailan pa kaya siya magbabago. Matapos kong magbihis, iniligpit ko muna ang hinigaan kong banig. Inis kong inirolyo ang banig na hinagaan ko. Hindi ako isang mayaman at hindi ako anak ng isang maimpluwensyang tao. Simpleng buhay lang mayroon ako. Nakakakain ng tatlong beses sa isang araw kung susunod ako sa lahat ng utos ng madrasta ko. Ang saklap nga naman ng buhay na mayroon ako. "Lyka! Bakit ba ang kupad-kupad mong kumilos!" sigaw ni Tiyang sa 'kin.  Napakamot na lang ako sa aking ulo. Araw-araw na lang ganito. Minsan nga'y napapadasal na lamang ako na sana naman magbago ang buhay ko. Kung sana'y hindi lang namatay ang Mama ko sa panganganak sa akin, 'di sanay maayos ang buhay ko ngayon. Maayos naman sana pero biglang naging meserable na ang buhay ko simula nang mag-asawang muli ang Papa ko, at iyon nga ang madrasta ko, si Tiyang Meriam. Pero mas lalo pang naging meserable ang buhay ko noong mamatay si Papa. Kinse anyos lang ako noon no'ng sumakabilang siya dahil sa sakit sa puso at heto nga't naiwan ako kay Tiyang Meriam. Mabait naman ang Tiyang Meriam sa akin noon no'ng nabubuhay pa ang Papa ko pero siguro tama nga siguro ang kasabihang nasa loob ang kulo ng mga taong mapagpanggap. Gustuhin ko mang bumukod pero hindi ko magawa dahil nga sa may utang na loob ako kay Tiyang Meriam dahil sa pinagtapos niya ako ng pag-aaral sa kursong Hotel and Restaurant Management. Sa edad na bente ay gusto ko nang matutong magsarili at umalis sa poder ng madrasta ko pero sa tuwing ipinamumukha niya sa akin ang lahat ng nagastos niya'y bigla akong napapaurong.  "Lyka ano ba! Nasaan na 'yong niluluto mong ulam!"  Napatakbo ako agad sa kusina.  "Punyemas na pusa naman oh! Patay ako nito!" bulong ko sa sarili. Nawawala kasi iyong ulam na niluto ko. "Lyka!" sigaw nitong muli.  "Po!" sigaw ko rin pabalik.  Nasa kabilang kuwarto kasi siya. Napakamot ako sa aking ulo. Ano kayang puwede kong ipampalit sa ulam na ninakaw ng pusa?  Habang naghahanda ako, isa-isa naman silang umupo. Ang stepmother ko at ang dalawa kong stepbrother. Pumatol ang ama ko sa may sabit at kahit tumutol man ako noon ay wala pa rin akong nagawa.  "Bakit ito 'yong ulam natin!" galit na sigaw sa akin ni Tiyang Meriam.  "Wala na pong ibang ulam sa fridge," sagot ko.  Tumalikod na ako at nagpipigil na tumawa. Tuyo kasi ang na isipan kong ihain sa kanila. Pumasok na ako ng kuwarto, naligo at nagbihis. Kailangang sa araw na ito ay makahanap na ako ng trabaho. Gusto ko na talaga kasing umalis dito sa poder ng madrasta ko at buong-buo na talaga ang desisyon kong bumukod. Kasi kung 'di ako aalis, mananatili na lang akong TAG. . . Tagaluto, tagalaba, tagalinis at lahat ng TAG sa bahay.  "Lyka! Saan ka na naman pupunta ha!" salubong sa 'kin ni Tiyang Meriam.  "Sa labas po."  Pagkasagot kong iyon ay agad akong lumabas ng bahay. "Hoy Lyka! Saan ka pupuntang babae ka?" pahabol na sigaw ni Tiyang Meriam sa akin. Hindi talaga siya marunong mahiya sa mga kapitbahay.  Tinakpan ko na lang 'yong dalawang tainga ko at naglakad na ng mabilis.  Nang makalayo ako ay bigla namang may humintong sasakyan sa harap ko. Bumukas naman bigla 'yong pinto ng sasakyan at may lumabas na. . . Ako? Sandali akong natulala.  Nagtitigan kami ng mabuti at. . . "Ah! Kyla!"  "Ah! Lyka!"  Pareho naming tili sa isa't isa. Nagyakapan kaming dalawa. Meet my twin, kidding! Si Kyla Willson ay pinsan ko, pamangkin siya ng Papa ko. We are both half-british.  Kaya ganoon na lang ako natulala nang makita ko siya dahil hindi naman sa weird o kung ano pa man pero talagang mukhang ako siya dahil magkamukha kaming dalawa pati ang hubog ng katawan at magkasingtangkad din kami.  Bakit pa nga ba ako magtataka? Our fathers are identical twins. Ang totoo, may kaya naman talaga sa buhay ang Papa ko, pero kasi simula nang mag-asawa ito at nang ma-in love kay Tiyang Meriam ay nabago ang lahat. Ang sabi pa ng ilan ay ginayuma daw ang Papa ko, sus! Hinila naman niya ako bigla papasok ng sasakyan.  "Bakit mukha kang haggard!? My god Lyka don't tell me inaabuso ka na naman nang witch na 'yon!" sermon niya sa akin. Natawa ako sa tawag niya sa madrasta ko.  "Alam mo namang matagal na 'yong gano'n 'di ba," sagot ko.  "Bakit kasi ayaw mo pang umalis sa poder niya! Hmp! Nakaka-bad vibes! Tara sa mall, treat kita ng mga pampaganda."  Umiling ako.  "'Wag na."  Inirapan niya lang ako.  "Kuya sa Mall po tayo," utos niya sa driver.  Napailing na lang ako. Ganito ba talaga kapag mayaman ka? Kailangang maganda at presintable at puro shopping?  ILANG oras lang ay nakarating na kami sa SM Ecoland at agad din naman na nag-shopping ang pinsan ko. "Kyla ang dami na nito!" angal ko.  "Kulang pa 'yan."  Napabuntong-hininga na lang ako habang sinasalo 'yong mga damit na pinipili niya. Actually, siya 'yong nagsusukat sa loob ng dressing room, makasingkatawan nga kami 'di ba? Napatingin ako sa damit na binili niya sa akin. Nakapagtataka talaga 'yong kilos niya. Hindi naman kasi siya ganito noong mga nakaraang araw. Once a week niya lang kasi ako dinadalaw dito sa Davao kasi sa Maynila naman sila nakatira at sa Maynila din siya nag-aaral ng Culinary. Pareho din kasi naming hilig ang pagluluto. Nakasimangot akong naupo sa sofa.  "Oh? Don't give me that kind of look Lyka!"  Pinatirik niya pa ang kanyang mga mata. "Umamin ka nga sa akin? May kailangan ka na namang ipagawa sa akin ano?" duda kong tanong.  'Pag may gusto kasi siyang ipagawa sa akin o kaya nama'y hihilingin ay ganito siya ka hyper. Tumabi naman siya sa akin.  "Alam mo ikaw? Etchosera ka talaga! I just wanted to treat you para naman mawala ang stress mo sa witch na 'yon! Hmp!"  "Pero alam mo namang hindi ako sanay sa mga ganito. Mahahabang heels at maiiksing damit. Alam mo namang one of the boys ako minsan manamit," paliwanag ko.  Niyakap naman niya ako, na para bang naglalambing.  "Ito naman eh! Bakit kasi ayaw mo? Hmp! Kaya lang naman kita ipinamili ng mga 'yan kasi masaya ako."  Nag-puppy eyes pa siya sa akin.  "At bakit ka naman masaya aber?" nakataas kilay kong tanong habang nakaekis ang dalawa kong braso.  Ngumiti naman siya ng sobrang lapad.  "May boyfriend na ako!" tu-wang tuwa niyang sabi.  Nanlaki naman mata ko dahil sa narinig.  "Hala ka! Alam ba yan ni Tito?" Nalungkot naman siya bigla.  Sabi ko na nga ba. Hindi pa kasi siya puwede magkaroon ng boyfriend hangga't 'di pa siya tumutuntong sa tamang edad. Pareho kaming twenty one years old pero makaiba ng buwan ang pagitan. Mas nauuna kasi akong magdiwang ng kaarawan kaysa sa kanya.  "Please pinsan 'wag mo sanang sabihin kay Daddy. Alam mo namang sa 'yo 'yon nangungumusta pagdating sa mga kalokohan ko."  Napakamot ako sa aking ulo. Kahit wala akong kuto napapakamot na lang talaga ako.  "Okay! Pero last na ito at 'wag na 'wag kang magkakamaling isuko si San-guko sa lalaking 'yan! Nako! Makakatikim talaga sa akin 'yan ng scrumbled egg!" litanya ko.  "Opo! Promise! The best pinsan ka talaga! Ever!"  Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Kahit ayaw kong pagtakpan itong kalokohan niya ay wala akong pagpipilian. Mahal na mahal ko itong pinsan ko.  Matapos naming gumala sa mall ay napatingin ako sa relo ni Kyla.  "Patay Kyla, kailangan ko nang umuwi!" natataranta kong sabi.  "Ako ang bahala sa witch na 'yon! Subukan niya lang awayin ka sa harap ko at makakatikim 'yon sa akin ng sapak!"  Malakas naman akong napatawa. "Hayun! Tumawa din," ngiting-ngiti niyang sabi.  Ang suwerte ko talaga sa kanya. Itinuring ko na kasi siyang parang bunsong kapatid. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD