JULIA “Ay pagkaswerte n’yang Marcelo na yaan at ako’y wala kahapon. Kung nagkataon, ay baka hindi laang yon ang napala niya. Pasalamat siya’y ngipin laang ang nawala sa kanya, kung ako yon, nakupo, baka hindi na siya magkaanak habang buhay. Sa dinami-dami kasi ng papatulan at babastusin ay ikaw pa talaga, Julia? Ay pasalamat talaga siya. Ala’y nung ikinwento nga iyon sa akin ni Allie nung humiram ako sa kanya ng libro, ay muntik na talaga akong mapasugod kung nasaan ospital dinala yung bakulaw na iyon. Ay ako laang eh pinigilan dahil nga daw baka ako’y mabinat pa. Kaya nga naisip ko na laang na agahan yung pasok ko para makamusta kita agad.” napangiti naman ako sa sinabing iyon ni Badette. Hindi naman tago yung kanyang nararamdaman para sa akin, pero kahit gayon, hindi naman ako naiilang