JULIA “Akala ko ba’y iyang pinsan mo eh may gusto diyan kay Celestine? Eh bakit ni hindi niya tinitingnan yung isa at panay ang sulyap niya sa pangit mong manliligaw? Ay kung talagang kanyang gusto iyang masungit na babae, hindi ba dapat eh siya yung sinusuportahan niya at hindi si Ariel?” komento ni Badette habang nakaupo kami dito sa may gilid para panoorin yung mga kasali sa chess. Magkalaban kasi ngayon sila Ariel at Celestine. Championship na ata. Intrams kasi namin ngayon at dahil wala naman akong kahilig-hilig sumali sa kahit anong laro, taga-panood na laang ako. Ay napapagod na nga akong mag-aral eh, papagurin ko pa ba yung sarili ko sa pagsali-sali sa ganyan? Hindi na uy! Okay na sa akin iyong pa-cheer cheer na laang ako dito sa gilid. Sa tamad ko are, nakupo, wala akong kahili