JULIA
“So ayun nga, in fairness dun sa movie, maganda yung kinalabasan. Ang hindi lang maganda, bidang-bida na naman si Klarisse. Akala ko ayaw n’yang maging artista, pero bigay na bigay naman s’ya dun sa pag-arte na pagiging baliw na mamamatay tao.” narinig kong sabi ni Tasing habang nandito kami sa byahe ngayon papunta dun sa pageant na si Maybelle daw yung maghohost. At dahil first time daw n’ya, gusto n’ya daw na nandun kaming lahat para naman daw may papalakpak at susuporta sa kanya. Parehong-pareho talaga sila ng pinsan n’ya.
Kahit nga nagdahilan ako na masama yung pakiramdam ko dahil wala pa rin talaga ako sa mood maglalabas dahil baka nga magkasalubong kami ng hindi inaasahan ng ex ko, at bigla akong magbreakdown sa harap ng maraming tao, eto, pinilit pa rin ako nila Pining na sumama. At sinundo ulit nila ako para sigurado daw na wala akong takas. Hello, ayoko ngang lumabas diba, so papa’no ako tatakas? Bakit kasi hindi na lang nila muna ako hayaan na mag-isa? Mas lalo akong nahihirapan kapag ganitong nasa labas ako eh. Alam mo yung feeling na hindi ka mapakali kasi iniisip mo na maliit lang yung mundo kaya hindi imposible na magkita kaming ulit ni Guillermo.
Akala ko nga, titigilan na nila yung pagpilit sa akin nung umayaw ako ng unang beses. Pero ang mahaderang si Pining, tinawagan pa si Meng para s’ya mismo yung kumausap sa akin. Alam kasi nilang kapag si Maybelle na yung humiling, wala na akong magagawa. Malaki din kasi yung utang na loob ko sa kaibigan naming yon. Pero alam ko naman na never n’yang isusumbat sa akin lahat ng mga naitulong n’ya. Nakakahiya lang talaga s’yang tanggihan. Kaya eto ako ngayon, tahimik lang na nakikinig sa pagkukwentuhan nila tungkol sa movie namin. Hindi na din nila ako sinusubukang tanungin dahil alam nila na hindi ko din naman gusto na nandito ako.
“Ang tanong, umaarte nga lang ba s’ya? Eh natural na natural yung pagiging baliw ng isang ‘yon. At alam naman nating lahat na pangarap n’yang maging serial killer balang araw diba?” komento naman ni Pining sabay tawa ng malakas na sinabayan naman ni Tasing.
Siguro kung nasa mood ako, natawa na din ako sa sinabing yon ni Josephine. May point kasi, ang natural ng acting ni Klarisse sa movie na yon lalo na yung mga eksena na may pinapatay s’ya at kinakausap n’ya yung sarili n’ya. Pwede nga s’yang magkaroon ng Best Actress award sa pelikulang ‘yon.
“Grabe, alam mo yung tawang-tawa na tayo, pero seryoso pa rin yung mukha ni Juling. Iba din. Ang galing magkontrol ng emosyon.” natatawa pa ring pansin sa akin ni Anastasia. Ay wow, napansin pa talaga n’ya ako eh hindi na nga ako nakikisali sa kanila.
“May emosyon ba? Kita mo nga, blangko yung mukha, tapos blangko pa yung mata. Eh mukhang wala naman dito yung isip n’ya. Baka nasa Siargao. Balita ko dun daw ikakasal yung ex n’ya at yung starlet na di naman kagandahan diba? Ang alam ko nga, bukas na yung kasal nila.” at kahit gustung-gusto kong magreact sa sinabing yon ni Pining, mas pinili ko na lang na hindi pansinin yung sinabi n’ya at manahimik na lang dito.
Masakit pa rin sa akin na isipin na yung taong mahal na mahal ko, ikakasal na sa iba, at dun pa sa lugar kung saan namin napagkasunduan na ikasal din kung sakaling kami man yung magkakatuluyan. Grabe, ganun ba talaga ka-insensitive yung lalaking yon? Hindi man lang talaga n’ya iniisip kung ano yung pwede kong maramdaman? O sadyang wala lang talaga s’yang puso at hindi naman n’ya talaga ako minahal.
Pasalamat lang talaga s’ya na kahit maraming gustong mag-interview sa akin at kunin yung side ko dun sa breakup naming at dun sa biglaang kasal nila nung oangit na starlet, hindi ako pumapayag dahil ayoko pa rin naman na masira s’ya sa mangilan-ngilan n’yang fans. At ayoko ding madamay yung pamilya ko sa issue kung saka-sakaling may mang-ungkat na fans nung Gimo na yon. Alam n’yo naman ngayon sa social media, masyado na talagang toxic. Kung may masasabi ka o magagawa dun sa mga idols nila na hindi nila gusto, lahat idadamay nila. Toxic baby bra warriors. Kaya mas okay na lang din na manahimik ako. Nasasaktan man ako, at least, ako lang at yung mga kaibigan ko yung nakakaalam.
“Wag mo na ngang banggitin yon Pining at baka biglang mag-iiyak yang si Julia dito. Baka hindi pa tayo matuloy sa panonood kay Meng pag nagkataon. Hayaan mo na yon. Hindi naman s’ya kawalan dito sa kaibigan natin. Masyado s’yang maganda at matali—“ napatigil s’ya sa pagsasalita kaya napakunot yung noo ko habang nakatingin sa kanya. Bakit ayaw n’yang ituloy? Matalino na naman ako ah. “Mabait. Tama. Masyadong maganda at mabait ‘tong si Julia.” pagtutuloy pa n’ya kaya hindi ko na napigilan na hindi tumawa. Anong klaseng kaibigan ‘tong si Anastasia? Minsan na nga lang may magsabi sa akin na matalino ako, napurnada pa. Bakit, matalino naman talaga ako ah.
“Yun, tumawa din. Pero hindi naman ako nagbibiro, Juling. Walang nakakatawa sa sinabi ko.” tatawa-tawang sabi pa n’ya kaya inis na binatukan ko s’ya.
“Ang dami mong alam no?” ayan, nagsalita na rin ako.
“Oo. Kesa sa inyo ni Maybelle na out of this world yung alam. Ewan ko nga ba kung kumusta s’ya mamaya sa paghohost n’ya. Malamang dapat ingles yon. Eh alam naman natin kung papa’no mag-english si Maybelle diba? Bakit kasi hindi na lang n’ya tinanggihan yon? Bakit hindi na lang kasi ikaw, Pining?!” sabi pa ni Tasing.
“Magtiwala ka sa kanya. Nagpaturo yon kay Rence no! Ano pa’t bonggang inglisera yung asawa n’ya kung hindi naman s’ya matuturuan no! Tingnan n’yo, magugulat kayo sa kanya mamaya.” confident na confident na sabi naman ni Pining.
Tumango-tango naman ako. Totoo naman. Kami dapat yung unang nagtitiwala kay Maybelle. Hindi naman n’ya tatanggapin yung paghohost don kung hindi s’ya sigurado diba? Si Meng pa ba? Kering-keri n’ya ‘yon!
Pagdating naming sa venue, ingay at tililan ng ibang fans na may dala pang mga tarp and pictures nung mga sinusuportahan nilang kandidata yung sumalubong sa amin. Jusme, bakit ba sumama-sama pa ako dito eh hindi naman ako mahilig manood ng mga ganito. Aantukin lang ako dito.
“Grabe, ang daming beki. Halos lahat ata ng nandito, kung hindi mga dating sumali sa Binibini, mga beki. At ang gagwapo ng pa ng iba ha. O pili ka na dyan, Julia. At least kapag beki ang minahal mo, hindi ka na matatakot na ipagpapalit ka sa babae.” excited na sabi ni Tasing habang patingin-tingin sa paligid namin.
“Sira! Hindi nga ako matatakot na mambababae, eh lalaki naman kalaban ko. Baka pa kung ano yung perang pagtatrabahuhan ko, ibigay sa mga Fafa n’ya, so no! Bet ko silang maging kaibigan, pero jowa? NO WAY!” etong si Tasing, kung anu-ano talagang pumapasok sa isip.
“O tulad nitong papalapit sa atin na nakangiti habang nakatingin sa’yo. Bet ka ata. Baka magbabagong buhay na. At in fairness, gwapo si Atengkor. Jowain mo na. Kung wala lang siguro akong jowa, malamang, inagaw ko na yan sa’yo.” takang napatingin naman ako sa direksyong tinuro n’ya at ganun na lang yung panlalaki ng mga mata ko nang makilala kung sino yung taong tinutukoy n’ya. Hala!
“JULIAAAAAAAAAAAAAAAA!” excited na bati n’ya sa akin at agad akong niyakap paglapit na paglapit sa akin. Luh. Oo nga pala, mahilig nga pala ‘tong isang ‘to sa mga pageant pageant na ganito.
“Carding! Grabe, long time no see ah!” masayang bati ko naman sa kanya na ikinasimangot n’ya agad.
“Ano ba naman ireng babaeng ire. Hindi mo ba nakikita kung ano ang aking suot? Ako’y naka-gown at mas makapal pa yung make-up sa’yo pero Carding ang itinawag mo? Ala eh pagkasama naman ng pangalan na iyon! Ibinaon ko na iyon sa limot. Pagkapangit eh. Ako na ngay-on si Rian. Iyon na ang aking ginagamit na pangalan!” reklamo n’ya agad na ikinatawa ko naman. Grabe, anong nangyari sa lalaking ‘to?
“Sorry naman. Sanay lang kasi akong tawagin kang ganon. Sige, Rian na kung Rian---“ hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil biglang may tumikhim sa likod ko. Oo nga pala, may mga kasama ako. Malamang, mga tsismosa ‘tong mga ‘to kaya gusto nilang makilala ‘tong kausap ko. “Btw, Car—Rian, I’d like you to meet my friends, si Anastasia at si Josephine. Ana, Jops, si Car—Rian, pinsan ko na taga Batangas.” pakilala ko pa na halos ikairit ng pinsan ko. Jusko, baklang-bakla ang hinayupak.
“Hala, hala, hala! Ay kilala ko areng mga are lalo na itong si Ms. Jops. Pinanood ko ga yung pelikula n’yong dalawa ni Charity. Pagkaganda-ganda at pagkagaling-galing n’yong umarte pareho. At ito namang isa’y si Ms. Ana, kapapanood ko laang nung pelikula n’yo nitong sila Julia, ay kahit sasaglit ka lamang doon eh, pagkagaling pa rin! Ay kung inyong mamarapatin at kung hindi din makakaabala sa inyo, pwede bang tayo’y magpakuha ng litrato para naman maipagmamalaki ko sa aking mga kakilala sa Batangas.” naiiling na natatawa naman ako habang nakatingin sa kanilang tatlo, lalo na nung tumango yung dalawa kong kaibigan. Naglabas agad ng phone ang mahadera kong pinsan at nakailang pa-selfie ata bago tinigilan sila Pining. Ang kulit lang.
“Tapos ka na?” natatawang tanong ko pa nung lumapit ulit s’ya sa akin.
“Mabuti na lang at nauhaw yung kasama ko kaya kinailangan kong bumili ng tubig dine sa labas. Kung hindi’y baka hindi kita nakita at hindi ko pa nakilala ang mga kaibigan mong talaga namang pagkaganda-ganda.” nako. Binola pa nito yung mga kaibigan ko. Palibhasa, pumayag magpapicture kasama n’ya.
“At talagang dumayo pa kayo dito para mapanood ‘tong pageant na ‘to ha. Sabagay, nung nasa probinsya naman tayo, lagi mo din akong isinasama sa ganito. Pero sabi mo noon, dahil may crush kang kasali. Yun pala, ikaw mismo talaga yung gustong sumali.”
Natatawang hinampas naman n’ya ako sa braso.
“Ay wag mo na kasi iyong ulitin. Kinalimutan ko na yun eh. Yun kasi yung mga panahon na ako’y hindi pa sigurado sa kung ano talaga yung gusto ko.” sabi pa n’ya kaya tumango-tango na lang ako sa kanya.
“Oo na. O s’ya, pasok na muna kami at baka hinahanap na kami sa loob ni Maybelle.” napansin ko naman na nagliwanag yung mukha n’ya nang marinig n’ya yung sinabi ko kaya natawa na lang ako. “Oo na. Kung hindi naman busy mamaya, puntahan mo lang ako dun sa upuan namin at ipapakilala din kita kay Maybelle. Pero sa ngayon, ibili mo na muna yung mga kasama mo ng tubig dahil baka mamaya na uhaw yung mga yon.” sabi ko pa at tumango-tango naman s’ya.
Pero bago pa s’ya tuluyang makalayo, lumingon muna s’ya sa akin at ngumiti.
“Tiyak na matutuwa si Tin kapag nalaman n’yang naririto ka.” yun lang at nagmamadali na s’yang naglakad papunta dun sa gilid para maghanap ng mabibilhan ng tubig.
Huh? Sinong Tin yung sinasabi n’ya?
“Ang cute nung way ng pagsasalita ng pinsan mo. Diba taga-Batangas ka din, bakit hindi ka ganun magsalita?” tanong sa akin ni Pining nang makaupo na kami. Sabi ko na nga ba, itatanong nila yan.
“Marunong ako. Nakalimutan n’yo na ba nung bagong lipat ako dito, ganun din ako magsalita, pero syempre, para hindi ako mabully, at masabihan na probinsyana, pinag-aralan ko na hindi na gumamit ng ganun tono. Alam n’yo naman sa school natin noon diba? Kapag may napansin sila na kakaiba sa’yo, ibubully ka agad.” malungkot ko na sagot ko pa at nakakaunawang tumango naman sila.
Alam kong mali na baguhin ko yung sarili ko nung time na yon, pero kailangan eh. Kailangang ako yung mag-adjust dahil kung hindi, mas lalo nila akong gagawing katatawanan. Mahirap baguhin noon yung nakasanayan ko na, pero kailangan kong gawin.
“Pero marunong ka pa rin hanggang ngayon?” tanong naman sa akin ni Tasing at tumango nman ako. Hindi lang naman na ako nagsasalita ng ganon, pero alam ko pa rin naman yung tono.
“Sample nga.” nakangiting sabi pa n’ya.
“Wag na. Baka may makarinig pa, kung ano pang sabihin.”
“Sige na.” pangungulit pa ni Pining kaya inirapan ko s’ya.
“Wag na. Ayan na si Maybelle o. Baka may kailangan sa atin.” buti na lang talaga at talagang papalapit sa amin si Meng kaya tumigil na sila sa pangungulit. Buti na lang.
Pero ang totoo, namimiss ko na rin talagang magsalita ng ganon. Kelan nga ba ako huling nag-ala Batanguena? Mula ata nung umalis kami don, hindi na ulit ako nagsalita ng ganon. Kahit nga sa bahay. Ewan. Pero hindi ibig sabihin na kinalimutan ko na yon. Sa puso ko, solid Batanguena pa rin ako at hindi magbabago yon.
Kaya nga nung nakita ko si Rian kanina at narinig ko s’yang magsalita, muntik na akong maiyak. Namiss ko kasi s’ya. Namiss ko silang lahat. Siguro nga eto na yung time para dalawin ko naman ulit don yung iba naming kamag-anak at yung mga dati kong kaklase at kaibigan dahil miss na miss ko na sila. Hindi naman porke nagkaroon na ako ng bagong buhay at mga bagong tao sa buhay ko dito sa Manila eh kakalimutan ko na sila.
Tama. Siguro para makalimutan ko din si Gimo, kailangan ko munang magbakasyon sa Batangas. Baka yun nga yung tamang gawin ko sa ngayon. Baka makapag-isip isip ako don, at malay natin, makilala ko dun yung taong para sa akin.
“Buti sumama yan.” napabalik yung isip ko sa kasalukuyan nang magsalita si Maybelle at inginuso ako dun sa dalawa.
“Muntik pa ngang hindi. Mabuti na lang talaga at ikaw yung kumausap. Bet atang gayahin yung pinsan mo nagpakabaliw sa kwarto ng limang araw na walang ligo at sepilyo. Ew.” at napangiwi naman si Maybelle sa sinabing yon ni Jops dahil malamang, naalala n’ya yung nangyari noon kay Klarisse nung binasted ito ni Jordan. Alam naming yon dahil ikinwento ni Meng yon sa amin, and ew, hindi ko naman gagawin yon. Ako pa ba na masyadong maarte sa katawan ko? No way.
“O s’ya wait, tinatawag na ako don. Basta, enjoy lang kayo dyan, tapos sabay-sabay na tayong umuwi okay? Libre ko kayo ng late dinner.” sabay kindat pa n’ya sa amin bago tuluyang umalis sa harap namin. Ugh, late dinner, malamang mga 1am na naman matatapos ‘tong Binibining eme na ‘to. Nung huling nanood kasi kami dahil kasali si Catriona, inabot na kami ng time slot ng o-shopping. Naloka ako don. Eh kung matulog na lang kaya muna ako habang umeeme yung mga contestants dito? Hindi naman siguro nila ako mapapansin dahil wala naman kami sa pinaka-unahan. At saka, mabobore lang naman ako sa panonood dito eh. Tama, yun na nga lang. Mas okay siguro yon.
At tulad nga ng inaasahan ko, ang dami pang kuda ng mga hosts (sorry Maybelle), at inaantok talaga ako. Tapos yung mga kasali, hindi ko rin naman kakilala kaya wala akong bet. Hindi ko alam kung sino yung magaling at malakas sa tao. Dumedepende lang ako dun sa lakas ng sigawan at palakpakan kapag may lumalabas na kandidata para magpakilala. Pero kung galing ‘tong mga ‘to sa iba’t-ibang provinces, malamang, meron ditong taga Batangas. Siguro yun yung iccheecheer nitong sila Car-Rian nga pala. Malamang, ang dami na namang kasamang beki ng isang ‘yon. Support kung support at mga bekimon na taga Batangas.
Bigla tuloy akong na-curious kung sino yung ilalaban ng probinsya namin. Hindi naman susuporta ng ganito ‘tong pinsan ko kung hindi n’ya kilala kung sino yung lalaban. Baka classmate n’ya nung college or baka kasamahan n’ya sa work. Sana maganda at magaling para naman may makuhang awards yung Batangas ngayon. Sana talaga.
At ganun na lang yung pagkunot ng noo ko nang biglang dumagundong yung paligid sa ingay at palakpakan ng mga tao nang lumabas yung susunod na kandidata. Ay wow, eto yung isa sa crowd favorites. Hindi naman ganito kalakas yung hiyawan sa iba eh. Grabe, ang lakas! Sino kaya ‘to.
Paglingon ko sa kung nasaan yung pinsan ko, halos maubusan s’ya ng hiningi sa pagtalon, pagpalakpak at paghiyaw habang nakatingin sa stage. Hala, si Ate girl na taga Batangas yung malakas sa tao. Ayos! Sabagay, magaganda at magagaling naman talaga kaming taga Batangas kaya walang kaduda-duda na kami yung magiging paborito ng crowd.
Makikicheer din sana ako paglingon ko sa stage dahil proud Batanguena din ako, pero napakurap-kurap na lang ako nang makilala ko kung sino yung nasa stage at nasa screen ngayon. Hala s’ya. Seryoso?
“Celestine Javier, 22, Batangas City!” at ayun na naman yung lakas ng sigawan ng mga tao. Grabe, nayayanig yung buong Araneta ah.
At ako, nakatulala lang sa babaeng nasa stage ngayon na nakangiti at hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero sa akin s’ya nakatingin.
Ipiniling-piling ko yung ulo ko habang nakasunod pa rin ng tingin sa kanya kahit nandun na s’ya sa may gilid kahanay ng iba pang kandidata.
Ang weird lang pero parang sa akin pa rin s’ya nakatingin habang nakatayo at nakangiti sa may gilid. Pero hindi naman siguro. Malamang sa aming lahat dito. Malapit din kasi ako sa may pwesto nila Rian kaya malamang, dun talaga s’ya nakatingin. Weird naman kung sa akin s’ya titingin diba? Eh hello, kelan ba nung huli kaming nagkita nitong babaeng ‘to? 10 years ago pa diba? Pero kasi, nung sa premier night, mukhang kilala pa rin n’ya ako dahil binanggit n’ya yung pangalan ko diba?
Pero wow lang. Nakakaproud na yung dati kong classmate at kalaro nung nasa elementary days pa lang namin, eh nandito sa harap namin ngayon at nirerepresent yung mahal naming probinsya.
Kaya kahit sigurado naman ako na hindi s’ya sa akin nakatingin, ngumiti rin ako sa kanya. Aba, syempre, suportahan ang dating kaklase diba? Grabe, sino bang mag-aakala na magkikita ulit kami nitong Celestine Tingting na ‘to.
Hindi ko alam pero mas lalong naging matamis yung mga ngiti n’ya nung nagsmile ako sa kanya. Seryoso, sa akin ba s’ya nakatingin talaga?
Pero paglingon ko sa likod ko, kumakaway sa kanya at nakangiti yung ibang kasama ng pinsan ko kaya malamang, yun yung dahilan kung bakit nagsmile s’ya ng ganon. Ang feelingera ko naman kung iisipin kong dahil sa pagsmile ko sa kanya diba?
At para namang biglang nawala yung antok ko dahil don at nagulat sila Pining at Tasing nang bigla akong nagpapalakpak at naghihiyaw kasabay nila Rian.
“Go Celestine! Go Tingting!” pagccheer ko pa habang naglalakad silang lahat at kumakaway sa mga audience.
Alam kong nagtataka yung dalawang katabi ko sa inaasta ko pero mamaya ko na lang ipapaliwanag sa kanila. Sa ngayon, iccheer ko muna yung dati kong kaklase.
Yay! Go Batangas! Go Celestine!