Prologue

1908 Words
JULIA “Hoy Julia ano na? Alam mo naman na mapapagalitan tayo nila Klang kung mahuhuli tayo diba? Kung ako sa’yo, titigil-tigilan ko na yang pagmumukmok mo dahil wala din namang mangyayari. Hindi ikaw yung gustong pakasalan nung ex mo kaya hindi ikaw yung niyaya n’ya, at wala ka nang magagawa don. Buti nga, habang maaga, nalaman mo na niloloko ka lang n’ya diba? Jusko, dun pa lang sa araw-araw kayong nag-aaway, ako na yung natotoxican sa inyo, at hindi pa kayo laging magkasama non ha. Eh papa’no na lang kung mag-asawa na kayo at araw-araw kayong magkasama? Aba, baka hindi ka na namin makilala dahil lagi kang puro pasa at black eye. So kung ako sa’yo, lalabas na ako dyan sa kwarto ko at sasama sa amin dun sa premier night nung movie nating lahat na See You in Hell. Alam mong mas gugustuhin ng mga kaibigan natin kung nandun tayong lahat para sumuporta. Bangon na dyan at isang oras na lang at susunduin na tayo dito.” inis na bumangon naman ako sa pagkakahiga nung narinig ko yung sinabing yon ni Pining. Hmmp! Palibhasa, masaya na s’ya sa lovelife n’ya kaya hindi man lang n’ya iniisip kung ano yung nararamdaman ko ngayon. Hindi ba n’ya alam kung gaano kasakit sa akin na malaman na ikakasal na pala si Guillermo? Alam naman nila kung gaano kamahal yung lalaking yon diba? Ang hayop na ‘yon, dahil lang hindi ko kayang ibigay sa kanya yung hinihingi n’ya, ayun, nambuntis ng iba at ngayon, ikakasal na sila. Jusko, kung alam ko lang na gusto lang n’ya ng parausan, eh di sana, ibinili ko s’ya ng s*x toy na kepyas, leche s’ya! O kaya sana ikiniskis na lang n’ya sa pader yung init na nararamdaman n’ya! Hindi man lang nakapaghintay. Sabi ko naman sa kanya na ibibigay ko naman sa kanya yon kapag ready na ako. Eh anong magagawa ko kung hindi pa talaga ako ganon ka-ready. Buti na lang pala. Dahil baka kung pumayag ako sa gusto n’ya noon, malamang, ako na yung may punla sa sinapupunan. At masyado pa akong bata para don. Ang dami ko pang pangarap sa para sa pamilya ko. Ngayon pa lang ako nagsisimulang makaipon para mabili yung gustong isdaan ni Itang don sa Batangas. At gusto ko, habang malalakas pa sila, maranasan na nila yung ginhawa sa buhay. Kaya nga pagkagraduate na pagkagraduate ko noon, naghanap agad ako ng trabaho. Buti na lang talaga at may mga kaibigan ako na sikat kaya hindi ako nahirapan sa pagpasok sa dream job ko sa isang TV network. At in fairness, habang tumatagal ako, mas tumataas yung sweldo, at bukod don, kinukuha din ako minsan nila Meng na extra sa mga ginagawa nilang serye o movie kaya ayun, dagdag na rin sa ipon. At ngayon nga, kahit gusto ko pang magpahinga muna at magmukmok dito dahil sa nangyari sa amin ng hayop na Gimo na yon, eh mapipilitan akong sumama sa kanila dahil alam kong kung hindi ako sasama, bukod sa pagbubunganga ng mga kaibigan ko, baka masapak pa ako ni Klarisse dahil nangako kaming lahat sa kanya na susuportahan namin s’ya sa premier night nung movie. At hindi lang yon, nasa akin nga pala yung tarp na pinagawa n’ya para kunwari daw sikat na s’ya at may ‘fan club’. So eto, wala akong magawa kundi mag-ayos at harapin ang masalimuot na mundo. Bukod don, kailangan ko ring harapin yung sweetness ng mga leche kong kaibigan sa mga jowa nila. Ni hindi man lang sila marunong mag-excuse me kung magyayakapan, maghahawakan ng kamay, maghahalikan, at maglalampungan sila sa harap ko. And to think, alam nila kung ano yung pinagdadaanan ko ngayon. Palibhasa, ayaw naman talaga nila kay Gimo para sa akin. Sabi pa, ginagamit lang daw ako non para makakilala ng mga bakla o matronang mayayaman sa showbiz para huthutan n’ya. Medyo grabe yung pagjujudge nila don, pero totoo pala. At bukod sa mga matrona at bakla, ayun nga, di pa nakuntento, nambuntis pa ng starlet. Kaya magsama sila. Ang papangit nila! “Ayun, lalabas din naman pala. Akala ko, paghihintayin mo kami sa wala dito. Buti na lang pala, naisipan nitong si Anastasia na puntahan ka naming dito dahil kung hindi, malamang, malagot kaming tatlo kay Klang. Alam mo naman kung gaano kastressful yung pinsan kong yon diba?” napatingin naman ako sa tatlong nasa harap ko ngayon. Himala, hindi yata nila kasama yung mga jowa nila. Well, si Tasing naman, talagang wala naman yung jowa n’ya dito. Nasa ibang lupalop pa, pero ang alam ko, malapit na ring umuwi para yayain s’yang magpakasal. At hindi ako bitter don, hindi talaga, kinginang yan! Eh s’ya na yung ikakasal na rin, leche! “O, makasimangot? Sinasabi ko naman sa’yo na wag mo na lang isipin yang si Gimo dahil wala na talagang pag-asa na bumalik s’ya sa’yo. Sa isang linggo na yata yung kasal nila nung nabuntis n’ya diba?” mas lalo akong napasimangot sa sinabing yon ni Tasing. Kasalukuyan kaming nasa byahe ngayon. Ang sosyal, pa-limo-limo pa si Pining. Eh sa amin sa Batangas, ginagamit yung ganitong sasakyan kapag dadalhin ka na sa huling hantungan mo. “Kailangan talaga inuulit-ulit? Alam ko naman yon. Hindi mo na kailangang ulit-ulitin pa sa akin. Masakit na nga, para mo pang binubudburan ng asin para mas lalong humapdi.” at kung hindi siguro ako pinitik sa noo ni Maybelle, malamang, bumunghalit na naman ako ng iyak dito. Bakit ba, eh sa mahal ko talaga si Gimo kahit ganon yon. “Aray ko naman. Ang bayolente mo ha. Magpinsan nga kayo ng pinsan mo.” naiiling na sabi ko pa habang hawak-hawak yung noo ko. “Para ka kasing tanga. Magmove on ka na kasi. Hello, okay sana kung matagal yung naging relasyon n’yo, pero wala pa yatang isang taon, Juling! At sa span ng time na yon, wala kayong ginawa kundi mag-away at magsigawan lang. So bakit kailangan mong ngawaan nang ngawaan yon? Kung ako sa’yo, nasa isang TV network tayo nagtatrabaho, maraming mga gwapo don, so hanap hanap ka na lang. Hindi mo dapat iniiyakan yung ganung lalaki. Jusko, ilang bakla at matrona ba yung isinabay n’ya sa’yo? Aba, hindi ako magtataka kung may sakit na yon. And OMG!” napatingin kaming lahat kay Maybelle nang itinakip n’ya yung mga kamay n’ya sa bibig n’ya at nanlaki yung mga mata n’ya. “Hala! Hindi kaya nahawa ka sa kanya? Ew, Juling!” bigla namang nanlaki yung mga mata ko sa sinabi n’ya. Shet, baka nga! Pero bago pa ako makapagsalita at makapagpanic, naunahan na ako ni Josephine. “Papa’no ka mahahawa kung wala namang nangyari sa inyo? Diba tinanong kita noon nung unang beses mong nalaman na nakabuntis s’ya. Nung humagulgol ka bigla habang nagtatake si Direk. Akala nga namin, kasama sa eksena yung pagbebreakdown mo, tapos malaman-laman lang namin, nakareceive ka lang pala ng message galing sa Gimo mo na ikakasal na s’ya sa iba dahil nabuntis nga n’ya. Tapos dinala kita sa isang sulok non at tinanong kung gusto mo bang ilaban yung sa inyo. Kung isinuko mo din yung bataan mo. Pero ang sabi mo, never. So, papa’no ka mahahawa sa sakit n’ya kung hindi naman kayo nagsex?” napa-oh naman ako. Ay ganun pala yon. “Eto kasing si Maybelle, ang OA. Nadamay tuloy ako. Pero at least, ngayon, sure akong wala akong sakit.” proud na sabi ko pa. “Duh! Sinisi mo pa ako. Eh hindi ko naman alam na hindi naman pala kayo nag-eme. Eh ikaw, yung reaksyon mo, halatang hindi mo alam yung tungkol doon. Palibhasa, slow ka.” napabunghalit naman ng tawa yung dalawa naming kasama bago bumaba sa sasakyan. Luh, nandito na pala kami. So, kailangan ko munang isuot yung maskara ko dito at magpanggap na masaya at okay lang ako. “At sa’yo pa talaga nanggaling ‘yon no, Maybelle? Parang ang taas-taas ng IQ mo compared sa akin ah.” naiiling na sabi ko pa bago sumunod sa mga kasama ko. “Mas mataas ng .5%, Julia.” mayabang na sagot pa n’ya sa akin kaya inirapan ko na lang s’ya. Sabay-sabay namang nagring yung mga telepono nila, at kung hindi ako nagkakamali, mga jowa nila yung tumatawag sa kanila. O eh di sila na may mga jowa. Ang sasaya ah. Mga leche sila. Inis na kinuha ko na lang din yung phone ko sa bag ko at binuksan agad yung camera. Pinicture-an ko yung sarili ko habang nasa likod yung tatlo at masayang nakikipag-usap sa mga jowa nila. Ipopost ko ‘to sa IG at ang caption ko, ‘my ever supportive and sensitive friends’. Ibabalik ko na sana yung phone ko sa loob ng bag ko nang biglang may bumangga sa akin. At kung hindi siguro n’ya ako nahawakan, malamang, napaupo na ako sa sahig. Inis na inayos ko muna yung sarili ko bago tingnan at tarayan kung sino man yung hindi yata marunong tumingin sa daan kaya nabangga ako. Masakit kaya yon! Pero bigla akong natigilan nang makita ko kung sino yung salarin. Isang magandang babae na nakangiti sa akin. Ay wow, close Ate? Makangiti? Hindi ba dapat nagsosorry ka muna? “Hey, I’m really sorry. May chinecheck kasi ako sa bag ko and I wasn’t aware na may mababangga na pala ako. Sorry talaga, sorry.” o ayun naman pala, marunong naman pala s’yang magsorry. Pero wait, parang familiar yung mukha ni Ate girl. Parang nakita ko na s’ya pero hindi ko lang matandaan kung saan. Lalo na yung mga mata n’ya. Basta. Parang natitigan ko na yon dati pa. “Okay na yon, Miss. Basta sa susunod, tingin ka sa dinadaanan mo para hindi ka nakakadisgrasya.” sabi ko na lang sa kanya. “Noted.” sabi pa n’ya kaya tinalikuran ko na s’ya. Wala din naman ako sa mood magtaray, at isa pa, mukhang sincere naman sa pagsosorry si Ate girl. “It was nice seeing you again, Juliapot.” bigla naman akong napatigil sa paglalakad at humarap sa likod ko. Pero paglingon ko, nakasakay na s’ya sa sasakyan n’ya at nakangiting kumaway pa s’ya sa akin bago n’ya ito tuluyang patakbuhin. Luh, sino yon at bakit n’ya alam yung pangalan ko? Hala ka, hindi kaya stalker ko yon? Pero hindi siguro, masyado s’yang maganda para maging stalker. At saka sosyalera si Ate. Bakit naman n’ya ako iistalk diba? Juliapot? Wait. Ang tagal ko nang hindi natatawag sa ganung pangalan diba? Parang nasa grade school pa ata ako nung huli kong narinig yung---oh my god. Shet. Tama, yung mga matang yon. Kaya pala ganun na lang yung reaksyon ko nung nakita ko s’ya kanina. Kaya naman pala sobrang pamilyar. “Celestine?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD