Episode 5- Blood Stain

1526 Words
"Buninay!" napalingon si Avery ng marinig ang boses ng Kuya Dale niya na basta na lang pumasok sa kuwarto niya. "Tara!" kumunot naman ang noo ni Avery. "Asan?" "Basta magbihis ka na lang intayin kita sa baba." "Ayoko lumabas." sagot ni Avery ng palabas na sana si Dale. "Hindi puwede, sasama ka sa akin kaya bilisan mo na." "Ayoko nga sumama, dito lang ako." "Hindi nga daw puwede na maiwan kang mag-isa dito kaya sumama ka na sa akin bilisan mo." sumimangot naman si Avery, madami silang katulong sa bahay kaya hindi siya mag-iisa. Nasa France ngayon ang Lolo dahil meron itong business tour at usual kasama ang Lola Dana n'ya. Basta may trip ang lolo n'ya automatic kasama ang lola niya, habang ang Mama at Papa nila ang alam niya may aattendan na party ang mga ito sa Cebu at bukas na ang uwi ng mga ito. Ang Ate Alodia naman niya sa condo na ito nakatira simula ng mag college. Ganun din naman ang mga kuya niya may sari-sarili ng condo ang mga ito at ang Ate Abby naman niya s'yempre pamilyadong tao na ito kaya nakabukod na talaga ng bahay. Every Sabado at Linggo na lang sila nag kikita kita gaya ng gusto ng mga Lolo at lola niya saka palang mag-uuwian ang mga kapatid niya. "Dali na iniintay na ako Ivan." bigla naman pumalakpak ang tenga ni Avery ng marinig ang pangalan ng binata. "Saglit lang naman, ito na mag bibihis na." kunwaring maktol pa ni Avery. "Mag dala ka na ng damit mo pang overnight, ihahatid kita mamaya sa bahay ni Ate Abby." tumango naman si Avery. - - - - - - - Gustong sumimangot ni Avery na tumingin sa girlfriend ng kuya Dale niya na si Adeline, buong pag-asa niya sila lang dalawa sa kotse at never siyang naupo sa likuran dahil gusto niya lagi siyang sa unahan pero dahil sa girlfriend nito bigla siya nitong pinalipat sa likuran. Akala niya si Ivan ang dadaanan nila yun pala si Adeline kaya hindi na maipinta ang mukha niya. "Ano nanaman isinisimangot mo?" tanong pa ng kuya niya ng tiningnan siya nito sa rear mirror. Imbis na sumagot umirap lang siya rito. "Ayun si Ivan." wika ni Adeline na bigla parang spring na ikinatingin niya sa itinuturo nito. At naroon nga si Ivan sa gilid ng kalsada na kumaway pa na hinintuan ng kapatid. "Kuya, d'yan na lang ako sa unahan mo na hihilo ako dito sa likuran." mabilis na bulong ni Avery sa kapatid na nag paawa pa ang hitsura na ikinalingon naman ni Dale sa nobya. "Okay lang ba?" tanong ni Dale ngumiti naman si Adeline. "Oo naman, dito ka na Avery." "Salamat po." mabilis naman na tumayo si Avery. "Avery naman parang 'di ka babae e." sita ni Dale ng pag hinto ng kotse at pag labas ni Adeline mabilis ng lumipat si Avery sa unahan ng kotse na hindi lumalabas ng sasakyan. Muntik pang mahampas ng puwet niya ang mukha ng kapatid na hinampas siya sa puwet. Ngiti-ngiti naman si Avery na agad na ikinabit ang seatbelt ng makitang pinag bukas ng pinto ni Ivan si Adeline na pinaunang pumasok sa backseat. "Ang tagal mo muntik na akong tubuan ng ugat sa paa e." reklamo ni Ivan ng makasakay ng kotse. "Ito kasing si Avery nag paganda pa." "Hmmmp! Hindi naman." reklamo ni Avery na simangot na simangot agad na hinampas pa ang kapatid, baka kung ano kasing isipin ni Ivan sa joke ng kuya niya. "Maganda ka naman na hindi mo na kailangan mag paganda." wika pa ni Ivan na iinilawit pa ang ulo sa pagitan ng upuan nila ng kuya niya. "Sus! Wag mo ngang binobola yan tingnan mo at kulay kamatis na, balis yan maniwala." natatawa naman na wika ni Dale na hinampas naman ni Ivan. "Wag mong pansinin ang kuya mo inaasar ka lang nyan." wika pa ni Ivan. "Hindi ah! totoo sinasabi ko, nag polbo pa yan tingnan mo ang labi naka lipgloss pa." kulang na lang isisiksik na ni Avery ang mukha sa salamin ng bintana. "Tigilan mo na nga ang kapatid mo, lagi ka na lang panusot." saway naman ni Adeline. "Pero infairness ang guwapo mo nga ngayon Ivan, anong skin care mo? Or baka naman in love ka na kaya ka nag papaguwapo." ''Matagal naman na akong guwapo diba Sadako." tanong pa ni Ivan, hindi naman sumagot si Avery na umiwas pa din ng tingin. "Dati lang sabi mo guwapo ako bakit ngayon porket nag dalaga ka na parang hindi na ako guwapo. Nakakasama ka naman ng loob." wika pa ni Ivan na parang nag tatampo, bigla naman napalingon si Avery kay Ivan bago sa kuya niya. "Mas guwapo ang kuya ko sa'yo." malakas naman na tumawa naman si Dale na tinawanan na lang din ng dalawa sa likuran. "Hindi lang ako na ligo ngayon kaya mas guwapo ang kuya mo." wika ni Ivan, napangiti naman si Avery. "Wag kang bias next time pag nakaligo na ako ha, masama ang sinungaling. Sinabihan kita ng maganda kanina dapat next time pupurihin mo din ako okay." wika pa ni Ivan. "Wag mo ng palitin si Nene, ang linaw ng sabi niya mas guwapo ako." wika pa ni Dale, - - ********** "Bumaba ka na dali na sumama ka na kay Ivan mag papark lang ako." "Sasama na ako sa pag-papark." ani Avery na nakakapit pa sa braso ng kapatid. "Ano ba Avery, bumaba ka na ang layo-layo ng parking ang tamad-tamad mo naman mag lakad." "Maglalakad na____" "Avery." galit ng sigaw ni Dale kaya napalabi na lang si Avery na inalis na ang suot na seatbelt saka nag dadabog na lumabas ng kotse. "Hmmp! Kainis ka." turan ni Avery sabay hagis ng pinto ng kotse ng kapatid na mag wawalk-out sana ng pag lingon niya nandun si Ivan na malawak ang ngiti kaya naman bigla nawala ang pagkakasimangot niya. "Tara na! Nag pa reserve ang kuya mo sa isang chinese restaurant, birthday kasi ni Adeline tara." ani Ivan tumango naman si Avery na sumunod kay Ivan. "Na hihiya ka bang kasama ako?" biglang tanong ni Ivan ng sakay na sila ng escalator ng pumasok sila sa isang mall. "Hindi naman." tumawa naman si Ivan na bumaba ng 2 baitang ng hagdan ng escalator para mag kasabay sila. "Hindi ka sumasabay ng pag lalakad sa akin, ang likot pa ng ulo mo na parang takot na takot ka na may makakita sa atin. May boyfriend ka na ba? At na tatakot ka na baka makita niya tayo?" "Hindi ah! Wala pa akong boyfriend." "E bakit parang na hihiya ka na ngayon na kasama ako. Noon naman ng bata ka pa ang hilig mo pang humawak sa braso ko ngayon parang may sakit akong nakakahawa." "Ano lang kasi s'yempre___." naputol ang sasabihin ni Avery ng kunin ni Ivan ang kamay niya at hinalahin na para makalipat naman sa isa pang excalator para sa ika 3rd floor ng mall kung nasaan ang mga sosyal na restaurant. Pigil na pigil naman ni Avery na kiligin habang nakatingin sa mga kamay nilang magkahawak. Grabe yung t***k ng puso niya pakiramdam niya pag papawisan siya ng malapot. "Kumusta ang grade mo sa mga exam mo sa math, nag improve ba?" "Oo, lagi na akong perfect sa exam." "Matalino ka naman sadya tamad ka lang mag-aral at makinig siguro sa lecture kaya wala kang na iintindihan." hindi naman sumagot si Avery. "Ano bang gusto mong course sa college may naisip ka na ba?" umiling naman si Avery, "Magaling kang mag drawing ng mga animé, puwede kang maging cartoonist." napangiti naman si Avery, naisip na niya iyon pero di pa siya sure. "Paano mo nalaman na mahilig ako mag drawing." "Kilala na kita sapol pa ng ipanganak ka, kindergarten ka palang alam ko ng magaling kang mag drawing. And honestly I hate the idea na I'm too old na talaga." "Hindi naman halata, kasi guwa______." napigil naman ni Avery ang sasabihin ng bigla nakaramdam ng ngiti. "So pogi na ulit ako, kanina sabi mo mas pogi ang kuya mo." "Mag babanyo muna ako." mabilis na binawi ni Avery ang kamay rito ng marating na nila ang 3rd floor. Napalingon pa si Avery ng mapansin na nasa likuran lang niya si Ivan na umiwas naman ng tingin sa kanya. "Ahm! Avery." tawag pa ni Ivan na ikinalingon niya rito ng nasa may pinto na siya ng restroom. "May dala ka bang extra pads?" alangan pang tanong nito sabay tingin sa ibabang bahagi ng katawan niya na medyo ikinailang niya na umiling. "Sige na pumasok ka na sa loob, ibibili kita." wika nito saka nag mamadaling umalis. Pag pasok niya sa loob ng ladies may ilang tao dun kaya nag hanap na siya ng cubicle at agad na pumasok saka gamit ang cellphone pinicturan niya ang likuran niya at nakita niya na may blood stain pala siya sa puwetan ng suot niyang asul na palda short. Napapikit naman si Avery na napa subsob sa pinto ng cubicle. Kaya pala nakabuntot sa kanya si Ivan sa likuran niya kasi tinatakpan pala nito ang likuran niya. "Kainis naman...." paiyak na bulong ni Avery.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD