"Asan ka?" tanong ni Ivan kay Dale na nasa kabilang linya ng phone.
"Ikaw ang nasaan binibit mo pa ang kapatid ko. Nandito na ako sa resto," pagalit na tanong ni Dale.
"Nandito ako sa department store, pumunta ka dito bilisan mo."
"Anong gagawin natin diyan, ang usapan natin dito sa ____."
"Manahimik ka na nga muna," mabilis na saway ni Ivan sa kaibigan.
"Pumunta ka dito, si Avery nagkaroon na siya."
"Nagkaroon ng ano?" takang tanong naman ni Dale.
"The woman thing, the red one." ani Ivan na mukhang na gets naman agad ni Dale dahil bigla itong natahimik.
"Anong gagawin ko, umalis si Adeline may emergency."
"Bakit ako tinatanong mo, ako ba ang kapatid?"
"Kapatid mo na rin si Avery simula ng ipanganak siya unless na lang iba ang tingin mo sa kanya." tumarak naman ang ni Ivan na napailing.
"Basta pumunta ka na lang dito sa department store bilisan mo na." ani Ivan na ini-off na ang call, kanina pa siya naroon pero inaabot siyang bumili ng sanitary pads. Kailangan ni Avery ng sanitary pads, new underwear at new short na ipapalit nito sa suot nitong natagusan.
Agad naman na nag taas ng kamay si Ivan ng makita si Dale na sakay ng escalator na tumatakbo na habang pababa hanggang sa makalapit na ito sa kanya na tinapik pa siya sa balikat saka sila pumasok sila sa loob ng department store.
"Asan si Nene?"
"Iniwan ko siya sa restroom, bilisan na natin." tumango naman si Dale at mabilis na nag tungo na sila sa isang side ng mall department store na meron mga naka display na sanitary pads.
"Ang dami naman alin dito ang kukunin natin?" reklamo ni Dale.
"Malay ko, wala naman akong kapatid." ani Ivan.
"Alin nga dito may size ba ito?" tanong pa ni Dale na hinampas pa ni Ivan sa likod dahil ang ingay nito.
"Tawagan mo nga si Adeline tanong mo kung alin dapat ang bilihin." napapakamot ang ulo na tinawagan ni Dale ang nobya ngunit unattended ang phone ng nobya. Sabay pa silang tumalikod ni Dale ng may mapatingin sa kanilang mga babaeng dumaan na parang natatawa dahil parehas pa silang may hawak na napkin. Tinawagan naman ni Dale ang ate Abby niya dahil hindi niya alam talaga kung anong bibilihin.
"Ang dami alin dito?" bulalas ni Dale ng makita ang brand na sinabi ng Ate niya.
"The green one with wings yan at long pads." kinuha naman ni Ivan ang pads na sinasabi ni Abby sa kabilang linya.
"Nakita mo na ba?"
"Oo, kasya ba ito kay Nene."
"Oo, wala naman size yan. Bumili ka din ng wipes para sure na din."
"Kainis! Kaya kaya itong isuot ni Avery." tanong pa ni Dale.
"Tawagan mo na lang ako kapag nabigay mo na sa kanya tatawagan ko siya. Tiyak na iyak na yun ngayon kaya bilisan mo na." utos pa ni Abby tumango naman si Dale. After na mabilis nila ang mga kailangan ni Avery na medyo natagalan din sila sa size ng underwear kaya ang mommy naman niya ang tinawagan kaya after pa ng ilang minuto sa wakas nasa counter na sila.
*********
Gusto ng maiyak ni Avery pero pinipigilan lang niya, kanina pa siya nasa loob ng restroom pero wala pa si Ivan sabi nito ibibili daw siya nito ng pads. Pero hindi lang naman pads ang kailangan niya, hindi niya alam kung sino ang tatawagan niya para hingian ng tulong. Kagabi pa siya nagkaroon ng dalaw at ang ate Alodia niya ang tinawagan niya kagabi para itanong ang gagawin. Itinuro naman nito ang mga tamang gagawin.
Pero kaninang umaga pag gising naman niya kokonti ang dugo sa pads niya, tapos ng tanghali wala na kaya naman ng maligo siya ng yayain siya ng Kuya Dale niya hindi na siya nag lagay ng pads kasi akala niya huminto na ang period niya at na iilang din siya na may suot na pads. Hindi naman niya naramdaman na basa na ang panty niya kanina dahil may suot siyang panty liner.
Nakakahiya,
"Excuse me, nandito ba si Avery." napaangat bigla ang ulo niya ng marinig ang boses ng isang babae nag mamadali naman siyang nag bukas ng pinto at isinungaw ang ulo. Ngumiti naman ang babae na lumapit sa kanya.
"Ikaw ba si Avery."
"Opo."
"Here pinabibigay ng guwapong lalaki sa labas." alanganin naman na kinuha ni avery ang paper bag after mag pasalamat rito na muli ng pumasok sa loob. Pag silip ni Avery sa loob ng paper bag hindi na napigilan ni Avery ang mapaiyak dahil kumpleto ang laman ng paper bag. Agad naman na kinuha ni Avery ang phone sa bag ng marinig na nag riring iyon. Ang ate Abby niya ang natawag pero hindi na lang niya sinagot dahil hindi rin naman siya makakapag salita dahil naiyak siya.
-
-
-
-
"Mauuna na ako sa restaurant dun na lang kita iintayin."
"Huh! Intayin mo na kami."
"Ano ka ba babae ang kapatid mo at hindi n'yo ako kaano-ano. 1st niyang nagkaroon tapos tinagusan pa siya na ako ang kasama. Isipin mo nga kung anong possibleng nararamdaman niya. Tiyak hiyang-hiya yun sa akin kaya wag mo na din sabihin na kasama mo akong bumili ng mga gamit siya mag dahilan ka na lang na tinawagan kita para at least hindi siya mailang." napatango naman si Dale ng umalis na si Ivan. Ilang minuto lang din naman nag-intay si Dale ng lumabas na si Avery na yukong-yuko pa na suot na ang bagong short na binili nila.
"Okay ka lang." tanong ni Dale sa kapatid na hinawakan pa ito sa ulo, saka palang nag-angat ng ulo si Avery na humikbi ng makita ang kuya niya na ikinahinga niya ng matiwasay. Buong akala niya si Ivan ang sasalubong sa kanya buti na lang hindi dahil kung si Ivan baka mag yaya na siya sa kuya niyang umuwi kahit pa umiyak siya sa harapan nito.
"Oh! Wag kang iiyak dito." saway pa ni Dale pero umiyak pa rin si Avery pero mahina lang ng sumubsob ito sa dibdib niya, napabuga naman ng hangin si Dale na niyakap na lang ang kapatid na tinapik ang likod.
"Bakit ka ba naiyak ha, normal lang naman na mag ka period ka. Actually sobrang late mo ngang nag karoon, 16 ka na oh sila ate at Alodia mas bata sa'yo na nag karoon."
"Hindi naman iyon ang iniiyakan ko e."
"E ano?"
"Nahihiya ako kay Kuya Ivan kasi___."
"Bakit ka naman mahihiya sa ugok na yun, tinawagan niya ako kanina at sinabi nga sitwasyon mo kaya ako na ang bumili ng mga kailangan mo tinawagan ko lang si Ate at Mommy."
"Napaka OA mo naman kaya pala natawag na sa akin sila Ate at Mommy." natawa naman si Dale ng huminto na sa pag-iyak si Avery tama si Ivan mahihiya talaga si Avery.
"Aba malay ko ba kung anong gagawin ko."
"Asan si Kuya Ivan?"
"Nasa restaurant na kaya tara na dun gutom na ako." tumango naman si Avery.
"Dalaga ka na kaya bawal ang boyfriend huh! Mabubuntis ka na." lumabi naman si Avery na tinawanan naman ni Dale na inakbayan ang kapatid na hinalikan pa sa ulo.
"Tiyak ng tatangkad ka parang Ate Dia mo, hindi ka na bansot." wika pa ni Dale.
********************
"Hindi puwede sa'yo yan gusto mo bang maisugod pa kita sa ER." ani Dale ng sabihin niya na gusto niya ng carbonara at mozzarella stick.
"Sabi nila mommy puwede naman akong kumain basta konti lang." giit naman ni Avery.
"Hindi puwede basta umorder ka ng iba mag spaghetti ka na lang alisin na lang ang meatballs."
"Pinakain nga ako ni Mommy ng carbonara sa bahay noon, wala naman nangyari sa akin."
"Si Mommy nag luto nun at binantayan ka niya."
"Spaghetti na lang kainin mo then yung mozzarella stick na lang orderin mo." ani Ivan na inabutan siya ng isang basong tubig.
"warm water yan, inumin mo bago tayo kumain."
"Puwede ba niyang kainin yun cheese sure ka?"
"Oo, ako bahala." ani Ivan na nginitian pa si Avery na lihim na kinilig sabay tingin sa kuya niya na dinilaan pa na na ikinailing naman ni Dale.
"You shouldn't do that remember dalaga ka na!" wika naman ni Ivan na ikinalabi ni Avery pag lingon niya sa Kuya Dale naman dumila sa kanya na may kasama pa ng daliri.
"Supot pa ba si Kuya." sabay pang nasamid si Ivan at Dale sa sariling mga laway sa tanong ni Avery na ang lakas pa ng pagkakatanong habang nakaturo kay Dale na ikinatawa naman ng mga tao sa kabilang table.